CHAPTER 24

143 4 4
                                    

Chapter 24

Nang matapos kong kumain ay inaya ako nila Inez na mag jetski. Sumama naman ako dahil last day na ito, uuwi na kami mamayang hapon.

Kaso pagdating sa mga jetski, habang nagkakabit ako ng lifejacket ay iniwan nila ako. Hinila s'ya ni Aron habang si Ate Bea naman at Kuya Zac ang magkasama. Hindi naman ako marunong mag drive kaya naiinis ko silang sinamaan ng tingin.

“Bwesit ka talaga Inez!”

“Stop cussing, my beautiful girlfriend”, rinig kong sabi ni Lucifer na nasa tabi ko, kararating lang n'ya at 'di ko alam kung bakit ba s'ya nandito. Sinamaan ko s'ya ng tingin at sinuri kung may iba s'yang kausap pero wala naman. Naka titig s'ya sa’kin habang naka ngiti. Parang nag away yata kami kagabi. Ewan, basta naiinis nanaman ako sa kan'ya.

“Sinong kausap mo?”, tanong ko at nairita nang maalalang may tinawag s'yang girlfriend. Lumingon ako sa paligid dahil baka nasa likuran ko si Amelia, at 'yon ang kinakausap n'ya.

“Ikaw. Ikaw lang naman ang girlfriend ko”

“Girlfriend ka d'yan, baliw!”, pairap kong sabi at nagdadabog na hinubad ang lifejacket ko at naglakad na lang palayo para pakalmahin ang sarili ko.

Ano nanaman bang trip nila? Tss. Naaalibadbaran talaga ako sa isiping may girlfriend s'yang iba. Oo na, ako na 'yong selosa eh pake ba n'ya?

Nahablot n'ya ang braso ko at pinigilan ako. Nilingon ko sya at nakitang naka ngiti s'ya habang nakatingin sa akin. Sinamaan ko s'ya ng tingin.

“Come on, we’re going somewhere”, sabi n'ya at hinila ako papunta sa isang bangka.

Nag pumiglas ako kaso walang sabi-sabi n'ya akong binuhat at isinakay sa loob ng bangka. Itinulak n'ya 'yon palayo sa pampang saka sumakay. Pinaandar n'ya ang makina no'n at iminaneho palayo. Lumingon ako sa likuran at nakitang sobrang layo na namin sa pampang. 'Di ko alam kung saan n'ya ako dadalhin pero 'di n'ya naman siguro ako papatayin 'di ba? Mumultuhin ko talaga s'ya pag nagkataon.

Hinubad n'ya ang damit n'ya at isinapin sa upuan na narito sa bangka. Pinaupo n'ya ako doon na sinunod ko naman dahil nalulula na rin ako. Gulong-gulo kong hinawi ang ng buhok ko at sinamaan s'ya ng tingin.

“What? Stop looking at me like that, looks like you want to murder me”, natatawa n'yang sabi at itinigil ang pagandar ng bangka. Nasa tabi kami ng malaking bato na naka usli sa tubig. Mababa na ang tubig at may nakikita akong maliit na corals. Hanggang hita lang n'ya ang tubig na siguro ay hanggang bewang ko.

“Anong ginawa ko kagabi?”

“Hmm… madami. Nag tantrums, umiyak, hinalikan mo ako, sumuka—”

“Yung pinaka importanteng ginawa ko kagabi?”

“Nag proposed ka sa’kin”

“Anong propose. Nababaliw ka na ba? Okay lang 'yan may pera ka naman pampagamot”, naiinis kong sabi at nag iwas ng tingin. Palagi n'ya na lang 'di sineseryoso ang mga tanong ko. Well, kailangan n'ya ba ako sineryoso?

Bumaba s'ya ng bangka at itinali yun sa may bato para 'di dalhin ng alon sa malayo. Nang matapos ay bumalik s'ya malapit sa akin at hinarap ako.

“You asked me if I can be your boyfriend”, sabi n'ya na ngiwi ko. Ehh? Nag bibiro lang s'ya diba? Hehe… bakit ko naman gagawin 'yon? 'Di pa naman ako nasisiraan ng bait. Lasing lang ako kagabi. Lasing lang.

“And of course I said yes. Who am I to say no, anyway?”, simple n'yang sabi at inabot ang kamay ko. Inaya n'ya akong bumaba ng bangka na ginawa ko. Sa sobrang lutang ko ay 'di ko alam kung bakit ko ba s'ya sinusunod. Tsaka ano bang gagawin namin dito?

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon