CHAPTER 9

117 1 0
                                        

Chapter 9

Tulala akong naka upo sa gilid ng bintana sa kwarto ko. Dalawang araw na ang nakakalipas simula nung nag hiking kami. Kahapon ay pumunta kami sa bahay nila Mang Danny, birthday ng apo nya, may konting handaan doon, umalis din naman kami agad dahil may pinuntahan pa kami pagkatapos, isa namang café na kinausap din ni Lucifer ang may ari. Wala akong ginawa doon kun'di umupo at tumingin sa paligid. Pero hanggang ngayon, pagod pa rin ang buong sistema ko. Isip ko lang ang 'di napagod, walang oras na hindi nag iisip ng kung anong nangyayari sa buhay ko. Hanggang gabi, mag umaga o tanghali, walang tigil sa pag iisip kung ano bang nangyayari sa akin, sa buhay ko.

Ano nga ba? Ba't ako mapunta sa ganito? Ba't ako nandito? Pwede bang 'wag na lang? Pwede bang matapos na ito? Ayoko na. Hindi na maganda 'to, nagpapaka tanga na ako. Mali 'to, maling-mali. He's the fuckin' owner of this Island, he's maybe 30 years old or something, he's... too far from me.

Sobrang layo nya sa kinatatayuan ko. Sa tingin ko, hindi ko sya abot. Kaya hindi pwede ito, kailangan ko nang makaalis dito as soon as possible. Kailangan ko nang tapusin lahat ng kailangan kong gawin dito. Nandito lang naman ako para sa kabayaran sa ginawa ni Mama dati, kung ano 'man yun, wala na akong pake. Basta ayaw ko na. Gusto ko nang maka layo sa kanilang lahat.

Nag buntong hininga ako at lumabas ng kwarto. Nakita ko sya sa kusina, nag luluto habang may kausap sa phone. Nagpaalam sya sa kausap nya at lumingon sa akin.

"Hey", bati nya.

"Ahm, seryoso na, ano ba talagang trabaho ko dito?", tanong ko na ikina awang ng bibig nya.

"You're already helping me to change the Island"

"No, I'm not. Sinasamahan lang kita pero wala akong ambag doon, wala ako sa tuwing kausap mo yung mga pinupuntahan mo, wala akong alam sa pinakang plano mo, wala akong alam sa ginagawa mo. Wala akong kaalam-alam sa nangyayari, okay? Kaya please lang sabihin mo na kung ano yung trabaho ko sayo para masimulan ko na at matapos na 'to. Gusto ko nang matapos yung pagbabayad ng kung ano mang kasalanan ni Mama sayo", mahaba at nagugulugan kong sabi sa kanya. Inilapag nya ang hawak nyang mangkok sa countertop at kinuha ang gulay na nasa gilid.

"You're already helping me, Jianna. So just sit down and wait for what I cooked. Malapit na 'to", balewala nyang sabi at may hinalo sa niluluto nya.

"Lucifer", tawag ko sa pangalan nya kaya lumingon sya.

"Please. Gusto ko nang matapos 'to", mahina kong sabi habang naka titig sa mata nya.

"Jianna-"

"Ano?! Alam kong mabigat yung kung ano mang kasalanan ni Mama sayo, kaya nga ako nandito diba? Kaya nga nilayo mo ako sa kanya kasi alam kong alam mong 'di kami sanay na magka layo sa isa't-isa. Pinaparusahan mo sya, nadadamay ako doon. Kahit 'di ko alam kung ano mang nangyari noon. So please lang, Lucifer, ano na? Anong gagawin ko para mabayaran yung kasalanan ni Mama sayo? Anong gagawin ko para matapos na 'to?"

"You really want that, huh?", nanghahamon nyang sabi kaya tumango ako.

"Then wash my clothes, it's on the backyard", sabi nya kaya napataas ang kilay ko. Yun na yun? Or maybe, magiging maid nya ako. Hmm.

"What? I don't know how to wash clothes!", inis nyang sabi at tumalikod sa akin.

"'Kay", sabi ko at pumunta sa likod-bahay. Doon ay nakita ko ang isang basket ng labahan nyang damit. May mga pantalon at may mga white t-shirt. Ang pinakang ayaw kong labahan. Ang hirap kaya, lalo na kapag may mantsa. Pero basic lang ito kasi 'di naman sya madumihin sa damit. Baka ito na ang simula nang paghihirap ko, mukha naman syang seryoso kanina.

GAP SERIES: DRAYTON Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon