CHAPTER 2.
"Ang gwapo niya, noh?" Napalingon ako sa kay Vieve na nakatingala sa tarp. "Crush 'ko si Prime magmula nung elementary. Nakilala ko siya when I was grade 4. Tapos grade 6 siya. Noon pa man, madami ng inlove na inlove sakanya. Sporty, gwapo, matalino.. kahit suplado."
Napakagat ako sa labi 'ko. Paano kapag nalaman niya'ng..... hays.
"Napansin ako ni Prime nung senior's night." Pagpapatuloy niya. "Freshmens and Sophomores were allowed to attend. Nirequest iyon ni Prime sa Mommy niya since chancellor ng school na ito si Tita Maxine. 'Yun yung unang gabi na hindi siya naging suplado. Pinagbigyan niya lahat ng babaeng gusto siya isayaw." Nakangiti siya. "At sinayaw niya ako. 'Di ako makapaniwala. Akala 'ko di niya ako makakapansin hangga't sa maka-graduate siya. Simula 'nun, 'di na talaga nawala ang feelings 'ko sakanya. Sobrang kinikilig ako 'nun. Sarap maglumpasay." Nakangiting kwento niya habang lumalantakan ng sandwich.
"A-aahhh. B-bagay kayo!" Pilit 'kong sabi pero sa gilid ng isip 'ko... diet ka muna! Joke. Hahehihohu.
"Kaya nga magpapapayat na ako, eh. Pwede mo ba akong samahan? Since ikaw... napaka-sexy mo! Ang perfect ng katawan mo." Pagpuri niya.
Abs nga mahirap i-achieve, pag burn pa kaya ng halos walong bilbil? Joke lang. Okay? Binubully ko na siya sa utak 'ko. This isn't right, Charm! Dapat thankful ka kasi naging friendly siya.
"Naku, hard work and determinasyon lang naman ang kailangan....." At ayaw ko ng maalala 'kung bakit gustong gusto ko magpa-ganda ng katawan noon.
"Kaso.... masarap talaga kumain, eh!" Kumuha siya ng isa pang sandwich sa bag niya at nilantakan ito. Diet ka pa huh? "Pwede mo ba akong samahan minsan mag malling? My treat."
"Oo, ba!"
"Naging motivated ako magpalit ng anyo dahil sayo. Ang sexy sexy mo naman kasi!"
"Kung gusto mo simulan ang pagpapalit ng anyo, tutulungan kita." Ngumiti ako. Willing talaga akong makatulong, noh. Feeling ko maganda siya kapag sumexy at nawalan ng pimples.
"Simulan natin dito." Kinuha ko sakanya ang sandwich. "Masarap ang nutella, pero mas masarap sa pakiramdam maging sexy. Okay? Avoid sweets! Tara na nga!" Inakbayan 'ko siya at lumakad palayo sa tarp na sobrang laki. Mala-billboard na. Ofcourse! Chancellor ang mommy ni Prime dito!
Kulang na lang ay magpatayo sila ng rebulto ni Prime.. errr.
Bumalik kami sa classroom. 15 minutes nalang bago ang susunod na klase. Mas naging motivated ako magaral dahil kay Prime. 'Kung kaya niyang maging summa, bakit ako hindi?
Besides... Nangako sa akin ang parents 'ko. Kapag consistent dean's lister ako, which is required dahil scholar ako, ipaghahanda nila ako ng debut. Kapag naman naging cum laude ako, boom panes! Reregaluhan daw nila ako ng kotse! Ang saya naman! Magsisipag talaga ako mag-aral!
"At alam mo din ba? Scholar 'din si Prime dito. Maliban sa sobrang talino niya, varsity siya ng basketball atsaka football. Balita ko pa'y 5% lang ng miscellanous fees ang binabayaran ng pamilya niya dito." Kwento niya pa. Tumango-tango ako habang sinusulat lahat ng goals 'ko sa planner organizer 'ko. Kailangan 'kong maging organized!
"What are you doing?" Tanong niya habang kumakain na naman ng junk food. Napailing nalang ako sa katakawan niya.
"Hmm. Wala! Nago-organisa lang ng mga kailangang gawin."
"Talaga? Gagayain nga kita!"
Nilabas niya ang notebook niya at nagsulat. At anong ilalagay niya, aber? Ip-plano niya kung saan o ano ang kakainin niya sa loob ng isang buwan? Hahehihohu. Joke lang.
BINABASA MO ANG
Despicable's Charm
RomanceHe's a despicable man. She's a happy go lucky girl. Oh no! Is this a good or a bad idea?