DC-54

9.7K 407 154
                                    

CHAPTER 54.

Kinaumagahan ay maaga akong nagising para ipagluto si Prime. Hindi siya nagising sa alarm niya kaya hinayaan ko nalang. Maybe he got tired from last night and sa lahat ng problema niya at stress.

Pinagluto ko siya ng itlog at hotdogs. Pinagtimpla ko rin siya ng green tea dahil mahilig siya doon. Nilagay ko sa tray ang mga pagkain para sa breakfast in bed.

Pagkaharap ko ay bumungad sa akin si Nanay Lorna kaya napatalon ako... "G-good morning po,"

"Alam mo bang bawal kumain sa kwarto? Ha?" Mariin na sabi niya at lumapit sa akin, "At san mo 'yan dadalhin? Sa kwarto mo? Para masolo mo at hindi kami bigyan? Ganid ka talagang babae ka!"

She gripped my hair tight kaya nabitawan ko ang tray, nabasag ang mga plato at tumapon sa braso ko ang green tea.

"OUCHHHHHHHHHH!!!!" Napaiyak ako dahil sa hapdi at sobrang init ng green tea na tumapon sa braso 'ko. Nagpanic si Nanay Lorna at tinakpan ang bibig ko kaya mas lalo akong nahirapan sumigaw. Kumawala ako sakanya at agad na binuksan ang sink at pinatuluan ang braso ko ng tubig.

Humahagulgol na ako at wala akong pakealam kahit tinatakpan ni Nanay Lorna ang bibig 'ko. I can't breathe properly, "Punyeta ka! 'Wag kang maingay!" Mas lalo niyang diniin ang palad niya sa bibig 'ko.

Putangina! I have never been tortured like this! Hindi ko kailanman ito naranasan sa parents ko na siyang nagluwal at nagpalamon sa akin! Pero itong si Nanay Lorna?! Anong karapatan niyang alipustahin ako!?!

"Charm?" Narinig 'ko ang boses ni Prime mula sa taas. Nagpanic si Nanay Lorna at tinanggal ang kamay niya sa bibig 'ko. "CHARM!" Narinig ko ang yabag ng paa ni Prime na papalapit sa akin.

"Fuck!" Tumakbo agad siya sa akin nang makita ang kalagayan ng braso 'ko. "Anong nangyari dito?!" Halatang galit siya. Hindi ko malaman kung bakit.

"N-nabasag niya itong mga plato at natapunan niya ang sarili niya ng kumulong tubig..." Mautal-utal na untag ni Nanay Lorna.

"Charm, you should be careful!" Ani Prime. Kumuha siya ng tooth paste at ikinalat iyon sa braso 'ko.

Wala akong nagawa kundi ang umiyak. Pawis na pawis ako dahil sa init ng tubig at sobrang sakit ng dibdib 'ko. I do not deserve this treatment! No one does! Bakit ba grabe nalang ako kung maltratuhin ni Nanay Lorna? Wala naman akong ginawa kundi ang iplease siya! I have done nothing wrong!

Pinagstay ako ni Prime sa kwarto namin habang nakababad ng ice cubes ang kalahati ng braso 'ko. Hindi parin ako matahan sa kakaiyak. It hurts so much! Pati ang pagtrato sa akin ni Nanay Lorna, masakit! Punyemas!

"Babe, stop crying.. Gusto mo dalhin kita sa hospital?"

Natawa ako kay Prime at napasimangot, "Napaso lang hospital agad? 'To talaga.."

"I'm dead serious! Ano, masakit pa ba? Ihahanap na din kita ng ob gyne dito sa Tagaytay-"

"Gagastos ka lang. I'm fine. Prime, you don't have to prioritize me. Gawin mo munang priority ang safety ng pamilya mo bago ako."

"You're my family. You and our baby." Halos matunaw ang puso ko sa sinabi niya. I am just so blessed to have him in my life.

Imbis na siya ang pagsilbihan 'ko ay siya ang nagsilbi sa akin throughout the day kaya nakakausap niya ang lawyer niya through skype.

"We've found a piece of evidence that will be enough to prove that they're sending threats..." Ani Attorney Miriam.

"Will that be enough? I need tons of evidences if possible! Hindi ako makakapante hanggat di nakukulong ang Gregorio Tuazon na 'yan..." Nasapo ni Prime ang ulo niya. I know's he tired of this bullshits.

Pagsubok lang 'to, kapag nalampasan namin 'to ng magkasama. Then, no doubt na wala talagang makakapaghiwalay sa amin.

"I need you here tomorrow at the office, Mr. Yuchengco. The evidence is clean and clear. I suggest, you should protect your wife. She's their first target. Next is your Mother. Then your Father and your siblings."

Nagpadala ng mas madaming security si Prime dito sa Tagaytay. Palibot sila sa mansion at maging sa daanan ay naglagay siya ng mga police at checkpoint and inspection para sure nawalang makakalapit sa amin. I feel safe. Pero hindi parin ako kampante dahil nasa panganib ang mga Yuchengco. At si Prime.

Sa sumunod na araw ay naging busy si Prime dahil nakapagsampa na sila ng kaso laban sa mga Tuazon. The situation is getting worse everyday pero iwinawalambahala ko iyon dahil ayaw kong maistress. Sensitive ako magbuntis kaya talagang iingatan ko ang sarili 'ko.

Napaisimid ako nang hilain ni Nanay Lorna ang buhok 'ko. Namiss niya siguro akong saktan dahil hindi niya nagawa kahapon dahil magdamag 'kong kasama si Prime.

"Nanay Lorna nakakasakit ka na po," mariin 'kong sabi sakanya. "Ano na naman po bang kailangan niyo?"

"Wala kang respeto! Ang kapal ng mukha mong pagsalitaan ako ng ganyan!?" Lumagapak ang pisngi 'ko dahil sa sampal niyang malutong. Napapikit ako ng mariin at hinawi ang buhok 'kong nagulo.

"Bakit mo ba ako inaalipusta? Ha? Mawalang galang na po pero sana naman po marunong kayong rumespeto! Asawa po ako ng apo niyo! Hindi niyo po ako kasamabahay o palamunin! Si Prime po ang nagpapalamon sa akin at hindi ikaw o kayo kaya wala kang karapatang saktan ako!" Nangilid ang luha 'ko. Sa sobrang galit ko ay naiiyak nalang ako. Sobrang bigat ng dibdib ko dahil sakanya! Iniiwasan nga ni Prime na bigyan ako ng problema pero siya? Ang kapal ng mukha!

"Bastos kang bata ka! Palamunin ka dito at isa ka lang sampid sa lahi namin! Sa tingin mo ba kung wala ka magkakaroon ng ganitong problema sa pamilya namin?! Wala! Kaya huwag kang magreklamo kung bakit ganito ang trato ko sayo! Isa kang malaking disgrasya sa pamilya namin!"

Sobrang nanikip ang dibdib 'ko sa mga salitang binitawan niya. Alam 'ko! Alam 'kong malas ako! Kung hindi dahil sa false fingerprint na nilagay ko don sa file, hindi to mangyayari! At kung wala ako, siguro walang mangyayaring ganito. Siguro magpapakasal si Prime. Siguro mananalo sa eleksyon si Congressman!

"Lumayas ka!" Kinaladkad niya ako habang hinihila ang buhok 'ko palabas ng bahay. Sunod sunod ang kulog at kidlat kaya mas dumoble ang kaba 'ko.

"Nanay Lorna-'wag po! Please!" Umiiyak na ako dahil tumutulo na ang ulan at nandito na ako ngayon sa labas at pinagsasarhan niya ng pinto. "Nanay Lorna please!" Hinarang 'ko ang dalawang braso 'ko sa gate para hindi niya ito masara. Mas lalo akong naiyak dahil natatamaan yung braso kong may paso na mula sa green tea.

"Punyeta kang malas ka! Umalis ka na dito at huwag ka ng magpapakita!"

Malakas ang pagtulak niya sa akin. Naramdaman 'kong tumama ang ulo 'ko sa simento at kumirot ang tiyan 'ko ng sobra. I felt some warm liquid in between my thighs.... NO!

"B-ba-bakit-Bakit ka nagdudugo?!" I heard the panic on her voice pero tuluyan akong nanghina at umitim na ang paningin 'ko.

Despicable's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon