DC-45

13.2K 638 231
                                    

CHAPTER 45.

Charlene's POV.

"Ate Charm.... Gising...." Bulong ko sa tenga niya niya. Hindi ko akalaing nakaratay ngayon sa stretcher ang ate ko nang walang kamalay-malay!

Kagabi ay agad kaming lumipad patungong Manila. Nabalitaan namin na na-comatose si Ate. Natagpuan siya ng isang bangkero sa el nido palawan na palutang-lutang sa dalampasigan. At agad kaming tinawagan ni Hades. What's miraculous is... She was still breathing that time! Lumaban ang ate ko mula sa pagkabagok!

Naaksidente si Ate Charm noong unang tapak namin sa Manila. 8 years old palang siya noon. She had an amnesia na until now ay hindi padin bumabalik. Ang tanging sinasabi lang sakanya ni Mama ay nagkasakit siya noon kaya wala siyang maalala noong bata pa siya. And Ate Charm being naive, naniwala siya doon at hindi na siya nangusisa about sa past niya.

Prime Yuchengco found Ate Charm's body before. He was 11 years old that time. And yes, noon ko pa kilala si Prime kasi siya ang bumuhay sa ate ko. Kaya hindi ako nagtaka na nahanap niya agad si Ate Charm nang magdalaga.

So yun na nga... Yung ate ni Prime na si Primera Yuchengco ay 50/50 na that time kaya pumayag siyang ibigay ang puso niya kay Prime. At yung puso ni Prime ang nasa loob ni Charm ngayon. Gusto sana namin na ang puso ni Ate Primera ang ilagay kay Prime pero ayaw niya. He wanted his Heart ang bubuhay kay Charm. Ganon niya kamahal si Ate, kahit kapalit ang buhay niya basta safe lang si Charm.

Noon pa man ay sobrang mahal na mahal na ni Prime si Ate Charm dahil bestfriends sila noon bago pa maaksident si Ate. After ng surgery niya ay bumalik kami nang Cebu at 'don na ipinagpatuloy ang buhay namin. Charm has forgotten everything about manila. Nakalimutan niya din si Prime panandalian.

Hindi na ako nagtaka kung bakit inangkin niya agad ang Ate ko. He was devastated nang nalaman niyang dinedate ni Hades si Charm. Yes, Prime was stalking Charm for 9 years. 9 long years. Ganun katagal. Masyado siyang tinamaan kay Charm.

"I've dated alot of girls just to get over her. But I never fucked one. Siya lang ang gusto ko. Damn it." Sinabi ito sa akin ni Prime nang umuwi siya ng Cebu at namanhikan.

True enough that the doctors said, permanente ang amnesia ni Charm kaya hindi niya maalala na ang papakasalan niya ngayon... Ay ang first love at bestfriend niya bago pa siya magka-amnesia.

3 weeks na ang lumipas. At hindi pa nagigising si Charm. Pukineyney na babaeng ito, masyadong naenjoy matulog.

"Hoy Charlemagne Kailey. Pangit nito! Gumising ka na nga dyan at manlalalaki pa tayo?" I tried to pinch her chubby cheeks pero walang nangyari.

Kinwento ko kay Ate ang lahat ng meron sila ni Prime noon kahit wala siyang malay. Ofcourse! Kinwento niya sa akin noon ang bawat detalye ng namamagitan sakanila ni Prime. 8 palang siya noon at malandots na. 'Yan ang ate ko. Mahilig siya sa lalaki, that's a fact. Gusto niyang pinagsasabay mga kafling niya, fact. Gusto niya marami ang nagkakagusto sakanya, fact. Gusto niya kapag crush niya, dapat crush din siya, fact. Pero sobra magmahal. If I say sobra, i mean it. Yung tipong iisipin niyang magpakamatay just to end the pain. She's stupid, I know. Pero mahal ko 'yang malanding 'yan.

"Nasaan ba ang nobyo nitong ni CK? Bakit hindi man lang bumibisita." Tanong ni Papa kay Hades.

"He's out of the country, Tito. Break na po sila kaya wala na din pong dapat ipaalam kay Prime."

"Akala ko ba papakasalan niya ang anak ko?"

Sus. Prime! Really? Hiniwalayan mo ang ate ko? Ulul! Ilang beses mong sinabi noon sa akin na pagod na pagod ka nang maghintay. Pero nalaman-laman ko nalang noong college semestral break niya na umuwi siya ng Cebu para istalk ang highschool life ng Ate ko. Tss!

Naalala ko pa noon na halos araw-araw niyang pinapadalhan ng boquet at ibat ibang brand ng chocolate si Ate noon. Take note; ALMOST EVERYDAY. Pero dahil body conscious si Ate noon at gusto niyang magka-abs, ako ang kumakain sa madaming chocolates. At kapag naumay na ako, binibigay niya sa mgaclassmates niya. At ang ginawa niya sa mga boquet, ayun, nagkaroon kami ng garden sa bahay. LOL!

After 9 long years? Susukuan niya ang Ate ko? That. Is. So. Impossible.

"Pahina ng pahina ang katawan ni Miss. Dawn. She needs a blood donations. Sino ba ang ka blood type niya dito?"

Nagtanungan kami kung sino ang type 0. Si papa! Pero galing din siya sa disgrasya kaya hindi siya pwedeng mag-donate. Halos magmaka-awa si Papa na dugo niya na lang ang idonate para kay Ate pero ipinagbabawal ito ng doctor dahil baka maubusan naman ng dugo si Papa o kaya'y ma-infect si Ate Charm.

Kakailanganin daw naming makahanap ng kablood type ni Charm o kaya ay bibili kami mula sa ibang hospital. Shit. Lumaban ka Charm! Please lang! Wait for a blood donor!

"I'm Type O."

Napalingon kaming lahat sa nagsalita. IT WAS PRIME! Kalmado lang siya at nakapamulsa habang nakatitig sa Ate ko.

Hindi ko siya nakausap. After niyang mag-donate ng blood, pinaalis niya kami lahat sa kwarto ni Ate at siya lang ang nandoon.

"DOC!!!!" I heard Prime's scream. "NURSE!!!!! DOC!!!!!"

Bumilis ang tibok ng puso ko at agad na tumawag ng doctor.

SHIT! CHARLEMAGNE! LUMABAN KANG HINAYUPAK KA!

_________________________________

Wag na po kayong silent readers. On our way to ending na tayo. As-in few chapters nalang... (:

Despicable's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon