CHAPTER 8.
Nahimasmasan ako pagtapos maligo. Napasabunot ako sa sarili 'ko nang marealize kung anong ginawa 'ko kanina. Ewan? Tsk! Pero bakit 'di 'ko pinagsisihan 'yung ginawa 'ko kanina? Parang nakakadismaya pa nga na naudlot iyon.
Hindi 'ko siya pwedeng magustuhan. Katulad nga ng sabi 'ko, kung magmamahal ako, 'dun na sa taong kayang tumbasan ang pagmamahal 'ko. But Prime? I'm not his type. Kaya pagkakagusto 'ko pa lang sakanya, pipigilan 'ko na ang puso 'ko.
Pumasok siya sa kwarto habang bitbit ang isang tasa. Hula 'ko ay kape iyon. Binigay niya iyon sa akin.
"Wrap your hands." Pinulupot 'ko ang kamay 'ko sa tasa. Nilalamig ako pero nakatulong ang kape para mag-lessen iyon.
"Don't drink when I'm not around you." Seryosong sabi niya. Napapikit ako at napayuko. Nahihiya ako sa ginawa 'ko! "Do you really kiss men when you're drunk?" Iritang tanong niya.
"H-hindi! First time 'kong uminom... At first time 'ko din gawin 'yun."
"Imagine if you had few drinks and you're with tons of bastards. Will you kiss them the way you kissed me? Huh, Charlemagne?" Galit na tanong niya. "Will you seduce him the way you did to me?"
Uminit ng 100% ang pisngi 'ko, "S-sy-yempre hindi!" Hindi na talaga ako iinom ulit.
Tinignan 'ko siya, nahuli 'ko siyang nakatitig at agad siyang umirap sa akin at nagiwas ng tingin. Sungit na naman.
"S-sorry sa ginawa 'ko."
"Don't drink again, Charlemagne. You're having weird transformation." Umirap siya.
"Oo... Pangako." Ngumiti ako sakanya. "Salamat pala sa pagtulong huh? Pumunta ka pa ng Cebu para lang 'don."
Nilingon niya ako, "How did you know anyway?"
"Syempre! Tinawagan ako ni Mama. Parehas pala kayo ng blood type ni Papa, eh."
"Yeah right." Umirap siya.
"Anong gusto mong gawin ko? Para pambawi. 'Di biro 'yung tinulong mo sa'kin, Prime."
"Just want you to do your job well. That's it."
"Okay! 'Yun lang pala!"
Bumungisngis ako. Tinignan niya ako ng masama kaya nag belat ako sakanya kaya inirapan niya naman ako. Cute cute naman ni Prime!
"Sleep on the floor." Umirap siya. Ngumiti lang ako. Okay lang! Sanay na naman ako!
Nilatag 'ko yung extra mattress ni Prime sa lapag at nahiga na.
"Goodnight Prime! Gising kapa?" Tanong 'ko habang nakahiga.
Hindi siya sumagot kaya dinalaw na din ako ng antok.
Kinaumagahan ay nagising ako dahil sa matinding sikat ng araw. Nakakainis! Bitin pa tulog 'ko!
Napabangon ako at narealize na nasa kama ako. Sa pagkakatanda ko kagabi ay sa lapag ako natulog? Hmp. Baka naman sa sobrang likot ko matulog ay nakarating ako dito? Imposible! Or is it Prime? Ay.... nako, Charm! Bawal mag-assume!
Naghilamos ako at nag toothbrush. Paglabas 'ko ng kwarto ay wala si Prime. Naisipan 'kong magluto na lang dahil humahapdi ang tiyan 'ko. Nagluto ako ng century tuna at itlog. Pinaghandaan 'ko rin ang sarili 'ko ng Milo at wheat bread.
Pinalaman 'ko ang tuna sa wheat bread 'ko. Sarap! Pero mas masarap 'kung pancit canton ito.
Iniwanan 'ko si Prime ng breakfast para pagdating niya ay may makain siya. Nasaan kaya ang isang 'yun?
BINABASA MO ANG
Despicable's Charm
RomanceHe's a despicable man. She's a happy go lucky girl. Oh no! Is this a good or a bad idea?