CHAPTER 18.
Hinatid ako ni Prime sa school atsaka dumiretso sa trabaho niya sa Crown.
Hindi parin natanggal sa isip 'ko yung sinabi niya. He is vocal kanina. O baka nadulas lang siya?
Wala kaming lecture at walang pumapasok na prof sa classroom. Yung grupo nila Vieve ay nagp-practice ng role play nila, yung kabila busy sa pag-gawa ng booth nila. Yung isa pang grupo nagb-brainstorming about sa lulutuin nila. Kami naman, pinagp-practice ni Junie maglakad. Yung cat walk.
"My gosh! Gagaling ng mga model 'ko!" Pumalakpak si Junie.
Yung student council, busy magkabit ng banderitas sa buong campus. Pati highschool students ay tumutulong rin. Pakiramdam 'ko sobrang saya nitong University fiesta.
Madami akong nakikitang gumagawa ng booths nila. Kissing booth? Pwede pala iyon? Jail booth, Lucky Nine booth, Fortune telling booth at madami pa. Kadalsan ng booths ay naassign sa high year levels.
Naeexcite talaga ako!
"I heard bibisita daw yung mga alumni, diba?" Gelle.
"Yup! Aaahh! Sana makapunta sina Prime and yung mga kaibigan niya!" Maxee.
"Kaloka! Sino kaya judges sa fashion show? Be ready ah, may question and answer 'don and talent portion." Junie.
"Seryoso ka ba? Bakit ngayon mo lang sinabi?" Kira.
"Kanina 'ko lang kasi nakausap si Ate Matet. Yung president ng SC. Mas maganda daw kung may mga pakulo pa, 'di lang basta-basta rarampa." Junie.
Hindi 'ko alam 'kung ano ang talent na gagawin 'ko. I can sing, I can dance.... Err. Mas magaling ako sa pagsasayaw, bihasa ako doon, kasama ako ni Mama noon kapag naiinstruct siya ng sayaw. Madami narin akong nasalihang contest noon.
"Kaw babe? Ano talent mo?" Kira.
"Sing? Dance? Both? Ewan ko pa." I pouted. Srsly! Ang dami mo kayang gawin Charm, choose!
"Talented naman pala ang ating babe." Nagtawanan silang tatlo. Mga baliw.
"Anyway, Junie, paano ang grade mo?" I asked.
"Ip-present 'ko lang yung sketch 'ko tapos yung mga gown niyo ipapakita 'ko. There. May grade na ako." I pouted. Ang bilis lang ng gagawin niya! Hay!
"Sing and Dance ka nalang, babe?" Gelle.
"Oo nga, babe. Bagay sa'yo." Maxee.
"Basta ganito... Magdala kayo ng extra casual clothes. Hindi 'ko sure kung makakailang palit kayo ng damit but atleast bring two casuals." Junie.
Natuloy ang sleepover kina Junie. Nagkwentuhan lang kami at nagshare sila ng mga pangyayari sa buhay nila.
"Kilala niyo si Patrick? Yung.... Yung bestfriend ni Prime? Ano.... Wala wala pala.." biglang nagblush at nagtakip ng unan si Kira.
"Malandi kaaa! OMG!" Kinikilig na hinampas ni Maxee si Kira. "May iseshare din ako!"
"Kayo na may lovelife. Mga punyatera." Pinaghahampas sila ni Junie ng unan
"Don't worry babe, I got you." Nag-apir sina Gelle at Junie. Hindi ako kumibo. Right time, Charm. Perfect timing.
"Kasi... N-nagkakatext kami. Tapos clingy siya. Tapos I feel so attached. Ewan?" Kira finally spat.
"Oh my! Eh si Miko? Kilala niyo? Yung dancer?" Maxee.
"Oo! Diba kasama 'yon sa dance troupe 'non?" Gelle.
"Oh. Ano meron sainyo?" Tanong 'ko.
"Wala.. Walang kami. Napogian lang ako. Hihihi." Maxee.
Binatukan siya nina Kira at Junie.
"Kung makalandi akala mo sila! Kilala ka ba?" Kira.
"Punyeta ka! Bakit! Kayo ba ni Patrick mo? Huh?" Pangasar ni Maxee.
"Soon! Mwahahaha!" Kira.
"Soon soon? Lul landian lang 'yan! Sa simula lang sweet 'yan!" Gelle.
"Bitter! Feeling may ex teh?" Junie.
Katulad 'ko ay NBSB din pala si Gelle. Daig pa kami ni Junie na nakatatlong boyfriend na.
Nanuod kami ng I spit on your grave, Carrie, Poltergeist at Insidious 3. Alas kwatro na ng umaga pero mukang alive na alive 'tong mga kasama 'ko..
"'Di pa kayo inaantok?" I asked.
"Tangnaipot kasi yung Insdious 3, eh! Can't sleep tuloy!" Junie pouted.
Dinalaw na ako ng antok kaya natulog na ako. Ewan 'ko nalang sa mga kasama 'ko kung ano ang pinag-gagawa nila.
Nagising ako dahil sa sunod-sunod na pag vibrate ng phone 'ko. Pikit pa ako habang sinagot ito.
"E-lo?"
"Charlemagne. I'm already outside." Napabangon agad ako dahil sa sinabi niya. Pagkatingin 'ko sa relo ay 7:23 am pa lang. Jusko! 3 hours pa lang ang tulog 'ko.
"Uuhhh. Pababa na ako."
Nagtoothbrush muna ako. Hanggang ngayon ay pikit parin ang mata. Fekkkk. Antok na antok pa ako. Gahd!
Lumabas ako ng bahay habang nagkukusot pa ng mata. Pagkakita niya sa akin ay agad siyang tumawa. As-in. Halakhak! Ngayon 'ko lang siya narinig na humalakhak ng ganito.
"Wh-wha-HAHAHAHAHA!" Napahawak pa siya sa tiyan niya habang tumatawa.
"Ano ba Prime? Tss." Pumasok na ako sa loob ng sasakyan niya.
Hanggang sa biyahe ay tumatawa siya. Feeling ko mabubuntis na ako sa halakhak niya, eh. Para siyang bata na kinikiliti. Hindi 'ko na lang siya sinita. I could just listen to his laugh forever.
"Prime hindi pa ba sumasakit ang tiyan mo kakatawa?" Tanong 'ko nang naglalakad kami papasok ng Condo. Pansin 'kong pinagtitinginan nila ako. Oo na! Mukha akong bruha kasi kakagising 'ko lang.
Pagpasok ng elevator ay hindi mapakali si Prime sa kakatawa. Sinamaan 'ko siya ng tingin, sinulyapan niya ako pero mas lalo lang siyang humalakhak.
Napatingin ako sa reflection 'ko sa salamin. Teka... Ako ba ito?
"What the?" Hinawakan 'ko ang mukha 'ko. Anakng! Ang daming drawing sa mukha 'ko!
May pentlepen ang kilay 'ko na sobrang kapal, may tuldok-tuldok sa buong mukha 'ko. May mustache at kung ano ano pa.
SHET! MUKHA AKONG TANGA!
"HA-HA-HAAA-HAHAHAHAHHAHAHAHAHAAHAHA" Pusang galang Prime na ito. Tuwang tuwa pa.
Kinuha 'ko ang mirror 'ko at wet wipes atsaka pinahiran ang mukha 'ko. Hindi ito tatalaban ng hilamos! Lintek!
Napaupo ako sa sofa nang makarating kami unit niya. Umupo siya sa tabi 'ko habang tumatawa pa din.
"Prime tigilan mo ako, ah."
"He-he-he--Hahahahahahaa"
Sinamaan 'ko siya ng tingin pero lalo lang siyang natawa. God! Hindi 'ko man lang maramdaman ang inis dahil he's making fun of me! Ang cute niya kasi! Kakainis!
"Joke-Joke lang talaga. Eto na, I'm serious na....." Nagpigil siya ng tawa. "Hi-hi-hihihihihihi" napangiti ako habang tinitignan siya. Kung makatawa akala mo kinikiliti sa paa!
Pinagpatuloy 'ko ang pagpahid ng wipes sa mukha 'ko. Inagaw ito ni Prime sa akin at siya mismo nagpunas nito.
"Tawa ka pa." Sarcastic na sambit 'ko.
He pouted at nagpatuloy ang pagpupunas sa mukha 'ko. Lagot talaga sa akin ang babes!
Napadilat ako at napatitig sakanya. Ang swerte 'ko talaga. Ang gwapo niya, tapos responsable, matalino at amoy baby.
Hinalikan niya ang labi 'ko. Peck lang pero iba yung epekto sa akin. Shit. Shit.
"Wag kang ganyan, Prime...." baka mahulog ako.
BINABASA MO ANG
Despicable's Charm
RomanceHe's a despicable man. She's a happy go lucky girl. Oh no! Is this a good or a bad idea?