CHAPTER 43.
"Prime, nakita mo ba 'yung plastic bag ko na puro 2 piece? Hala naman! Nawawala!" I pouted. Bukas na kasi kami pupunta sa El nido. Naayos ko na lahat ng gamit ko saka ko lang narealize na nawawala yung mga 2 piece na binili 'ko.
Nag-iwas siya ng tingin sa akin. I think I know the answer!
"Prime, akin na."
"W-wala sa akin! You can just wear shorts and longsleeves swim suit." Umirap pa siya sa akin at mas lalong nag-iwas ng tingin.
"Prime, promise magt-2 piece ako pero papatungan ko ng sa sando at shorts. Pwamis. Just give it back, baby loves..." Niyakap ko siya mula sa likod. Nilingon niya ako. Seryoso.
"Promise?" Aniya.
"I promise."
"I'll punish you if you disobey me." He smirked. Na-dirty ako bigla. Kaynesss!!
"Anong punishment? Baby?" Niyakap ko siya at nag-lean. Just teasing him. Walang second round na nangyari, eh. Puro foreplay nalang ulit sa loob ng isang linggo.
"Grabe ka, minamanyak mo'ko Charlemagne, ah." Humalakhak siya.
"Luhhh! Anong manyak 'don! Kaw huh! May iba kang iniisip ah!" He just pouted. Pumunta siya sa may basurahan at kinuha ang isang plastic bag. Wow! So tinapon niya!
Sa buong gabi ay nag-asaran lang kami. Ang sarap sa pakiramdam na hindi namin iniistress masyado yung problema namin. Ayaw ko iopen up sakanya yung topic na iyon dahil baka mawala siya sa mood.
Kinabukasan ay maaga kaming nagising. 7:00 ang call time namin at ang meeting place ay sa blackwell's palace na pagmamay-ari ng dad ni Hades. May helipad sa rooftop non. We'll use Prime's helicopter papunta sa El nido. Bigtime.
Sa tuwing tumitingin ako kay Prime ay napapaisip ako. Hindi siya ordinaryong 20 year old man. He's rich. Filthy rich. He can build castle. He's a King. Of everything. She's every girl's dream; matalino, gwapo, mayaman, successful, may prinsipyo sa buhay at may respeto sa mga babae.
"May itatanong ako," tumabi ako sakanya habang nagsusuot siya ng polo.
"What?"
"Who was your first?"
Nag-iwas siya ng tingin. Namula ang mukha niya at inirapan ako. Anong problema nitong lalaking 'to?
"Huy! Sino nga?" Pangungulit 'ko.
"Damn it, Charm!"
"Nahiya ka pa! Sa dami ng ex mo, ilan sakanila ang nagalaw mo?"
Sinamaan niya ako ng tingin at naningkit ang mga mata niya. Uh-oh. Mukhang nabadtrip! Hay naku Charm! Epal ka talaga!
"Wag mo na nga pansinin yung tanong ko. Kainis." Tinalikuran ko siya at naghanap na ng pwedeng suotin. Ayaw kong mag-away kami dahil lang 'don.
Nagsuot lang ako ng maxi summer dress. I prepared my aviators and hat. Hindi ko muna siya pinansin kasi baka mamaya at mabanas pa siya sa akin at masira ang araw ko.
"You're my first..." Pabulong niyang sabi. Napatingin agad ako sakanya. Feeling ko dinidrible ang puso ko sa sobrang lakas ng tibok.
Seryoso ba siya? Ako talaga? Shit!?
"Seryoso? I mean.. 'Di naman ako magagalit kung may iba. Natural lang naman iyon sa lalaki. Kyur-yus lang ako." I smiled.
Inirapan niya ako, "Magtatanong tas di maniniwala. Seriously, anong problema niyong mga babae?" Sumimangot siya.
BINABASA MO ANG
Despicable's Charm
RomanceHe's a despicable man. She's a happy go lucky girl. Oh no! Is this a good or a bad idea?