CHAPTER 33.
"A-anong g-ginagaw--..a mo dito?" Nahihirapan akong huminga habang kaharap ko siya.
Bakit ganun? Bakit ngayong nakita ko siya..... Parang iba? Noon confident ako na naka move on na talaga ako sakanya. Pero nang makaharap ko siya? Parang... iba?
"It's not important. Tama pala si Sia, nasa Manila ka na nga. Galing akong Cebu kanina, 'don ako dumiretso para makita ka... God damn it! You're here, my love." Niyakap niya ako ng mahigpit.
"CK my love so sweet, i love you!"
"Uuhh! So sweet naman my love! I love you too!"
Napailing ako dahil sa naalala ko. Hindi! Si Prime na ang mahal ko ngayon. He's just a piece of memory.... right?
"Ugh! Hades! Let me go!" Tinulak ko siya. "Tapos na tayo, okay!?"
He chuckled, "Bago mo ako pagtabuyan 'non, diba nangako ako na ipagpapatuloy ko ang panliligaw ko? Um-oo ka. I'm here CK. I'm here to fulfill my promise."
Kumalabog ang puso ko sa sinabi niya. Oo, kahit niloko niya ako, gusto ko pa siyang bigyan ng chance noon.
"CK... I promise, pagbalik ko, manliligaw ulit ako.. Please."
"Lintek 'kang lalaki ka! P-pagtapos mong manloko?!" Pinaghahampas ko siya ng unan. Ang kapal ng mukha! Grrr!
"Ouch! Ouch! My love, kaya kong patunayan na ikaw lang ang mahal ko. At pagbalik ko, magsisimula ulit tayo--.."
"Wala! Walang sisimulan dahil simula nung umapak ka sa hotel na iyon ay tapos na tayo, Hades!"
"Hindi ako titigil, CK. I will win you back."
"Win me back. Okay. Papayag ako. Pero kailangan mo munang dumaan sa butas ng karayom... Umalis ka na nga!"
"Hades iba na ngayon... Hindi na kita mahal." I bit my lip. Hindi na ba talaga, CK?
He smiled, "Sabi mo noon dadaan muna ako sa butas ng karayom, diba? Gagawin ko 'yon. All for you, my love." Hinalikan niyang muli ang tungki ng ilong ko, tinulak ko palayo ang mukha niya kaya tumigil siya pero humalakhak. "Tigasin ka pa din."
"Tumigil ka na! Hindi! Hindi na kita bibigyan ng chance.... Hades, I'm getting married."
Mas lalong lumapad ang ngiti niya, "Asawa nga naagaw, eh. Fiancee pa kaya? Mas gusto ko 'to. May challenge."
"Oh, come on! Hibang kana!" Tinalikuran ko siya ngunit hinila niya ako ulit papasok sa banyo. Damn! Umatras ihi ko!
"CK... I still love you so much." Niyakap niya ako sa bewang. His head rested on my neck.
I pushed him away, mali ito! Maling mali! "Stop this, Hades! Wala ka ng makukuha sa akin! My virginity that you've been dreaming? Naisuko ko na sa mapapangasawa ko. I love him so much. Oh, wala ka ng makukuha sa akin. So please! Tumigil ka na!" I lied. Hindi pa naman kami nag-aano ni Prime. But he fingered me once. I'm sure sakanya ko lang maisusuko ang bataan.
I saw pain in his eyes, pero ngumiti pa din siya. "I don't care with the virginity thing. Ikaw ang gusto ko. Your whole package. Kahit may kulang na, pupulitin ko. I... I just can't lose you."
Napapikit ako ng mariin. Natatakot ako. Natatakot ako kasi yung pagmamahal na hinahanap ko kay Prime ay mabibigay sa akin ni Hades ng buong buo.
BINABASA MO ANG
Despicable's Charm
RomansaHe's a despicable man. She's a happy go lucky girl. Oh no! Is this a good or a bad idea?