CHAPTER 47.
"Kuya kuya! Anong name mo?"
"What? Why?"
"English spokening ka pala. What is your name?"
Umirap siya at nagpatuloy sa paglalaro ng kanyang psp, "Hala! Ang swerte mo naman! Ang ganda ng cellphone mo!"
"Stupid. This is not a cellphone."
"Psp o cellphone, iisa lang yan. So ano? Pwede humiram?"
Kinuha ko ang psp niya at nilaro. Wow! Super mario ang nilalaro niya!
"Theft! Give me that!"
Dahan-dahan akong dumilat. My eyes are so heavy. It felt like i've been sleeping for months.
"OH MY GOD! ANG PANGIT MO!" I heard my sister's voice.
Napahawak ako sa ulo ko. It hurts so bad. Sino yung batang lalaki sa panaginip ko? Kailan nangyari yun? Ako ba yung batang babae? I don't know. Ayaw kong alahanin.
"Charm, how are you feeling?" Inayos ni Mama ang higaan ko. Hindi ako masyado makapagsalita dahil sa sobrang pagod na nararamdaman ko.
"P-prime?" I asked. Hindi ako masyado makapagsalita. Where is he? May pakealam pa ba siya sa akin?
Nanakit ulit ang ulo. The memories of me drowning and begging for help came rushing. Paano ako nasagip? Why am I alive?
Naiihi ako. Gusto kong sumuka. Gusto kong kumain. I don't know what to feel. I don't know what I want to do first. Bigat na bigat ako sa sarili ko.
"Charm, hey..." Sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita ko siya. My man. He's here.
"P-prime..."
"Shh.. Rest. Okay?"
"Rest pa? One month na ngang natulog iyan?" Singit ng mahaderang kapatid ko.
May mga doctor na nagpalit ng dextrose ko. May tinurok din sila sa magkabilang braso ko. They kept on asking what I'm feeling pero hindi ko masabi. Ang alam ko lang ay pagod at mabigat ang pakiramdam ko.
"Gusto mo bang kumain, anak?" Mama.
"Wag na Mama! Isang buwan 'yan walang kain, kaya na niya 'yan." At humalakhak pa siya. Kapag ako nakarecover, tatadyakan ko agad itong kapatid ko.
Tumango ako kay Mama. Gusto ko ng siopao. Gustong gusto ko ng maraming mangga at bagoong. Gustong gusto ko din ng buko juice.
"What do you want to eat?" Marahang tanong sakin ni Prime. Marahan niyang hinahaplos ang mukha ko. I smiled at him. He's making me strong. He's my strength.
"Siopao.... Mangga bagoong... Buko juice..."
"I'll buy it for you." He stood pero agad 'kong hinawakan ang kamay niya kahit nanghihina ako.
"Don't leave..." Bulong 'ko.
"Mahadera! Bibili lang ng pagkain, eh!" I swear. Tatadyakan ko talaga 'tong kapatid ko pag ako gumaling.
Si Mama at Charlene ang bumili ng pagkain na nirequest ko. Nakatitig lang ako kay Prime habang marahan niyang pinipisil ang kamay ko habang nakapout. I want to kiss him. Miss na miss ko siya.
Ginalaw-galaw ko ang daliri ko kaya napatingin siya sa akin. I pouted. Tumawa siya ng marahan at hinalikan din naman ako.
"Kamusta?" Mahinang tanong 'ko sakanya.
BINABASA MO ANG
Despicable's Charm
RomansHe's a despicable man. She's a happy go lucky girl. Oh no! Is this a good or a bad idea?