CHAPTER 27.
Nag-mall kami ni Prime. Naisip 'ko kasing ibili ng grocery ang parents 'ko, binigyan lang ako ni Mama ng pera at listahan.
"Damn it." Rinig 'kong angal ng taong regla sa likod 'ko.
Nilingon ko siya, "Bakit?"
Inirapan niya lang ako at bumaling sa cellphone niya. I pouted. Sino kaya ang katext niya? Si Hillary kaya?
Nagpatuloy ako sa pag-grocery at pumila na sa counter para magbayad. Ini-scan lahat ng groceries at nilagay sa mga plastic.
"Magkano lahat?" I asked.
"No need to pay for it, Mam." Ngumiti sa akin ang counter girl.
"Hala. Okay lang, may dala akong pera."
"Let's go." Ani Prime.
"Pero hindi pa ako nakakabayad! Baka mamaya pagkamalan akong shop lifter!"
"I said let's go!"
"Bakit! Ikaw ba ang may-ari nito!" Inirapan 'ko siya at nag-isist kay Ateng counter na kunin ang bayad 'ko.
"Tss." Nauna siya maglakad kaya pumamewang ako. Bossy much!
"Mam, kapag po related kay Sir. Yuchengco means libre na po ang grocery and shopping sa department store."
"Huh?"
"Congressman Yuchengo owns this mall, mam."
Napanganga na lang ako at nginitian siya. Kinuha ko ang pagkabigat-bigat na plastics. Hay naku! Letseng Prime iyon! Hindi gentleman!
"Done?" Tanong niya nang makalapit ako sakanya.
"Oo!" Inirapan 'ko siya at naunang maglakad.
Naramdaman ko na nakasunod siya sa akin. Aba't! Hindi niya talaga bibitbitin itong groceries? Ugh.
Ikinagulat 'ko ang pagkuha niya sa apat na plastic at sinabayan ako sa paglakad. Napatitig ako sakanya at napangiti.
Jusko, mahuhulog na talaga ako nito ng tuluyan.
Madami ang tumitingin sa amin. Syempre! Pinagbubuhat ko ba naman ang gwapong lalaking ito? Mainggit kayo! Hmmppp!
Madami din akong napapansin na lalaking tumitingin sa akin. Naka shorts lang kasi ako at itim na v neck shirt ni Prime. Oo, suot ko shirt niya. Angal? Hahehihohu.
"Damn it. Bakit ka kasi nag-shorts?!" Binalingan niya ako.
I smiled, "Syempre! May sugat ako I can't wear pants. 'Kaw kasi, eh. Pabebe kapa."
"You can wear maxi dress."
"Wala akong ganun, eh. Lahat ng dress 'ko above the knee. Hek-hek." Inirapan niya lang ako kaya nag-pout nalang ako to stop myself from smiling.
"Prime, maganda ba ako?" Pabiro 'kong tanong kaya sinimangutan niya ako. "Ang dami kasing tumitingin sa akin, eh."
"Tss. They're looking at your legs. Damn it. Pashort-short pa kasi."
"Anong binubulong-bulong mo diyan?"
"Nothing!"
Bipolar talaga ang isang 'to. Tsssss.
"Gusto mo mag-beach tayo? Madami dito. Yung kaibigan 'ko may resort sila sa bantayan island. Ano?"
"No."
BINABASA MO ANG
Despicable's Charm
RomanceHe's a despicable man. She's a happy go lucky girl. Oh no! Is this a good or a bad idea?