CHAPTER 11.
Pagtapos ng dinner ay hindi na ako umimik. Kahit mapanis ang laway 'ko dito, okay lang. Basta 'di ko siya kakausapin! Lagi na lang akong sinusingitan o galit sa akin, wala ba akong kwenta? Parrot nga ako sa paningin niya, eh. MALAMANG MAGDADALDAL AKO! KAINIS!
Hanggang sa condo niya ay 'di ako nagsasalita. Nangangati na 'yung bibig 'kong dumaldal pero... bahala siya. Para naman 'di na siya mabanas sa akin.
Naligo ako at nagsuot ng yoga pants at shirt. Kinuha 'ko ang cellphone 'ko at tumambay sa balcony ng unit ni Prime. Buti ay may upuan dito.
Naisipan 'kong itext si Mama.
To: Mama
Ma. Musta ka? Kamusta si Char at Papa? -Charm
Naghintay lang ako sa reply ni Mama habang nagpapatugtog. Pasensya, wala akong earphones, eh. Hahehihohu.
May nag text sa akin, Akala ko si Mama na pero si Junie pala.
From: Junie
TUMAKAS KA NA NAMAN HA. HATE U
Natawa ako. Naiimagine 'ko 'yung itsura ni Junie! Haha!
Nakaramdam ako ng antok. Nakakarelax naman kasi talaga dito. Medyo malamig nga lang. Mas gusto 'ko naman dito kesa sa loob, iinit lang ang katawan 'ko dahil sa tensyon dahil andon si Prime.
-
Kinaumagahan ay maagang nag-ring yung alarm 'ko. Nagising na naman ako sa kama ni Prime. Paano kaya nangyari 'yon? Siguro ay naglakad ako patungo dito. LOL!
Naligo ako at agad na nagbihis. Nowhere to be found na naman si Prime. Bahala siya! Bahala talaga siya! Mas mabuti iyon, para maiwasan 'ko siya.
Nagsuot na ako ng uniform bago magluto. May 1 hour pa ako at 20 minutes lang ang byahe. Nilutuan 'ko na rin si Prime, baka sakaling 'di pa nagbbreakfast.
Saktong pagtapos 'ko mag-breakfast ay dumating si Prime. Nag-jogging pala siya. Pinaghandaan 'ko siya ng plato, baso, utensils at kanin bago 'ko hugasan ang pinag-kainan 'ko. Hindi 'ko parin siya kinikibo.
Nagsimula na siyang kumain. Ako naman, nag toothbrush saglit at sinukbit na yung bag 'ko. Magpapa-alam ba ako? O wag na? Wag na lang. Baka mabadtrip pa siya.
Bago pa ako makalabas ng unit.... "Charlemagne." Hindi ako sumagot at hindi 'ko din siya nilingon. "Be home early."
Hindi ko iyon pinansin at lumabas na ako. Hay. Hindi ako sanay na nagtatampo sa isang tao, lalo na't kay Prime pa.
Nag-taxi ako patungong university. Wala kasi masyadong dumaan na bus dito, sa kabila ang route nila, 'don malapit sa village ng bahay.
Magpapaalam nga ako kay Prime na babalik na ako sa bahay. Hmp. Mas mapapamahal pamasahe ko dito, eh.
Habang nasa byahe ay binabasa 'ko ang journal 'ko. Di kaso nakapag-review kagabi, eh. Bawal akong bumagsak sa anumang activities dahil nga, scholar ako.
Sana pala nagbaon na lang ako para 'di na ako gumastos. Lintsak! 250 ang binayaran ko sa taxi! Pangkain ko na iyon ng lunch nang isang linggo! Lintsak! Babalik na talaga ako sa bahay!
"Uy!" Nakasabay 'ko si Vieve sa hagdan. "Okay ka na? Sorry 'di kita nabisita, ah? Alam mo na. 'Di ko pa alam 'kung saan ang bahay niyo." I hugged her.
"Okay lang, maayos na ako. May quiz ba or what?"
"Nako, oo! Sa English II meron."
BINABASA MO ANG
Despicable's Charm
RomanceHe's a despicable man. She's a happy go lucky girl. Oh no! Is this a good or a bad idea?