CHAPTER 58.
Nakatitig ako kay Prime habang tulog na tulog siya. So much has happened last night. It was.... Memorable.
Tinakpan 'ko ang hubad 'kong katawan at niyakap ko siya ng mahigpit. I will cherish this moment. 2 years kaming magkakahiwalay. Kaya 'ko naman siguro, noh? Kakayanin 'ko.
Nangako ako kay Prime na siya lang ang magiging una at huling lalaki 'ko. Naexplain 'ko na sakanya ang pagiging scripted namin ni Justinn. Napanuod niya pala kami sa crown 'non at akala niya ay totoong nanliligaw si Justinn sa akin.
"Good... Afternoon." I smiled. Nginitian niya ako at hinagkan.
"I love you, Charm."
Pinigilan 'ko ang sarili 'kong huwag tumili, "I love you, Prime."
Nanatili kaming tahimik. Pagtapos nito, mawawala ulit siya sa akin kaya susulitin 'ko na ang panahong ito.
"2 years from now, ano kayang mangyayari sa atin?" I can't help but wonder. Kami kaya talaga?
"Pag balik 'ko, papaksalan agad kita. Tapos, magkaka-anak tayo ng quadruplets. Request mo diba? Tapos, papalakihin natin sila ng maayos. Tapos, magkaka-apo agad tayo-"
"Anong apo agad? Baliw ka ba?" Humalakhak ako. Hindi 'ko maimagine maging lola! Kaloka! Sa ganda 'kong ito?!
"Oo. Pero syempre, mga ano... Nasa 60s na tayo non or 70s. Ang saya noh?"
Ang saya nga. Kung sana ay umayon sa kagustuhan namin ang tadhana, mangyayari ang lahat ng pangarap na ito.
"Paano kaya kapag... Kapag hindi ako nagkaroon ng miscarriage? Ano kaya sa tingin mo ang nangyayari?"
"I... I don't know. Pero kontento na ako sa buhay 'ko. But... It'll be happier kung magsasama tayo at hindi tayo magkakahiwalay."
"This is kind of personal pero... Can i ask you something?" I bit my lip. Sana ay makuha 'ko ang sagot.
"Sure. Ano yon?"
"Bakit kailangan niyo magpakasal? I mean.. The case. Diba noon nakapag sampa kayo ng kaso? Anong nangyari?"
His jaw clenched, "K-kung ayaw mo, okay lang-"
"We lost the case." Panimula niya. "Supposedly ay makukulong ako at si Dad. Pero Vieve's really eager to marry me kaya iyon na ang ginawang kondisyon ng mga Tuazon. Nagmaka-awa si Daddy sa akin na um-oo nalang. Na-salvage kasi si Mommy nung mga araw na 'yon kaya wala akong choice. They're my family, Charm. I owe them everything."
Sumikip ang puso 'ko bigla. Sobrang lala pala ng nangyari noon. At wala ako sa tabi ni Prime para damayan siya.
Dahil sa nalaman 'ko, mas naging desido ako na magpakasal nalang siya kay Vieve. Susugal ako. Bahala na, basta ang gusto 'ko lang ay gawin 'ko ang parte 'ko bilang girlfriend ni Prime.
He sacrificed for his family. I will sacrifice for him. Because that's the real definition of Love. Hindi ang magpaka-selfish kahit madami na ang nasasaktan. But I can risk... Whichever options. Basta para kay Prime. Even if it means risking my life to death.
Ganon ko siya kamahal.
"Please tell me the real reason why you were sent to the hospital. We haven't talked about our lost angel...."
Mas nanikip ang dibdib 'ko. Naalala 'ko ang pagmamaltrato ni Nanay Lorna sa akin. Hindi 'ko siya magawang patawarin dahil sobrang sakit ng ginawa niya. From hurting me physically and for killing my baby. She's an evil.
"Minamaltrato ako ni Nanay Lorna," panimula 'ko. Nanlaki ang mata niya at alam 'kong galit na galit na agad siya. "I'm sorry for not telling you this noon. P-pero kasi, I want to please coz she's your family-"
"Wala akong pake! Why do you have to please her? Hindi 'ko kailangan ng approval niya! Damn it!"
"Huwag ka muna magalit! Syempre, babae ako Prime, ayaw ko naman ng magiging tayo pero ayaw sa akin-"
"Even if they want you for me or not, I'd still marry you!"
Naflatter ako sa sinabi niya. Sana totoong mahal niya ako. Sana hindi siya magmahal pa ng iba kapag nagkalayo kami. Sana ako lang ang mahalin niya ng sobra sobra katulad ng pagmamahal 'ko sakanya.
Sa hapon na iyon ay hinatid ako ni Prime sa location ng shooting namin sa Novaliches. Nasa tent lang siya at nakahiga sa silya 'ko. Hindi siya pinapalabas ng talent manager 'ko dahil baka maghinala ang fans namin ni Justinn.
Pumasok si Justinn ng tent 'ko at laking gulat niya nang makita si Prime doon.
"Uhm..." Napakamot si Justinn sa batok niya at nag chuckle. "Akala 'ko mag-isa ka,"
Sinamaan ng tingin ni Prime si Justinn. Kung ano ano nanaman siguro ang pinagiisip ng mokong.
"Deh, okay lang!" Umalis ako sa kanlungan ni Prime kasi medyo awkward para kay Justinn na makitang ganon ang posisyon. "Anyway... Justinn, si Prime. Prime, si Justinn."
Naglahad ng kamay si Justinn, tinanggap ito ni Prime pero agad 'ding tinanggal.
"Do you like my girlfriend?" Diretsang tanong ni Prime at tumayo. Magkasing-height lang pala sila ni Justinn. They're both tall.
"Dude, no." Natatawang sabi ni Justinn. "It's just ironic... Iniiyakan niya ako dati dahil sayo but you're now together again. 'Wag kana ulit iyak, ah?" Ginulo niya ang buhok 'ko at lumabas na ng tent.
"Uhm..." Awkward akong ngumiti kay Prime. Nakasimangot siya at halatang nagseselos. Sumabit ako sa liig niya at pinulupot 'ko ang legs 'ko sa bewang niya. "Baby loveeeee 'wag na tayo mag-away please? Wala 'yon... Friends lang talaga kami as in close na close pero ikaw padin ang pabebe boy ng pabebe life 'ko!" I kissed his cheeks and rested my face on his shoulder.
Magsasalita pa sana siya pero biglang nagring ang phone 'ko. Inabot niya iyon sa akin at umupo ako sa table habang nakapulupot ang legs ko sa bewang niya.
"Hello?"
"CK! NASA PINAS NA KAMI! 24 HOURS NALANG 18 KANA! ADVANCE HAPPY BIRTHDAY SIS!" Nilayo 'ko ang phone 'ko sa tenga 'ko dahil sa nakakairitang boses ni Charlene. Namiss ko ang gagit kahit papaano!
"Charlene! Omg! Nasaan kayo? Saan kayo magsstay?"
"Hmm. Nag check in kami sa city of dreams. Kasabay kasi namin si Hades at Demetria sa airport at pinilit 'ko siya na ilibre niya kami na mag check in 'don. At pumayag siya! Hihihi!" Nasapo 'ko ang noo 'ko dahil sa kahihiyan na pinagagagawa ng kapatid 'ko.
"Uuuuggghhh! Nakakahiya ka talaga kahit kelan Charlene Kattleia! Pwede naman kayong magbayad! Ugh! I'll pay Hades nalang..."
"No need! Basta invited daw siya sa debut mo... So I gave him an invitation! Hindi naman siguro magagalit si Prime? Ay teka, nagbalikan naba kayo?"
Napatingin ako kay Prime at tinaasan niya ako ng kilay. Nilayo ko saglit 'yong phone ko sa bibig 'ko, "Nabigyan daw ni Charlene ng invitation si Hades..." I bit my lip. "Okay lang ba?"
Umirap siya sa akin at nag-iwas ng tingin, "As if I have a choice?
"Oo na sige na..." Ani 'ko kay Charlene. "Bayleaf, 5pm."
"Got it! Alam mo ba... May sasabihin daw si Mama sa atin."
"Ano daw yun?"
"Ewan? Kelangan daw natin magusap. 'Yong tayong tatlo.. Drama nuhhh?"
Bigla naman akong kinabahan. Ano kayang kailangan sabihin ni Mama at bakit kailangan kasama ako?
BINABASA MO ANG
Despicable's Charm
RomansaHe's a despicable man. She's a happy go lucky girl. Oh no! Is this a good or a bad idea?