CHAPTER 37.
Hinatid ako sa ni Hades sa condo ni Prime. Bukas magsisimula ang deal namin. I just hope that, in that way, mafigure out ko na itong nalilitong damdamin ko.
Mahal ako ni Hades, randam ko iyon. Ang dami niyang tinalikuran noon para lang makadate ako. He loves me, pero lalaki lang siya at nangangailangan. He asked me once pero agad akong humindi. I'm just 16 that time at hindi pa nga kami!
Naabutan ko si Prime sa may balcony, may hawak siyang champage at cigarettes. Damn. Naninigarilyo pala siya?
Dahan dahan akong lumapit sakanya at niyakap siya mula sa likod, "You smoke pala."
"Yeah... When I'm... stressed." Tinapon niya ang kanyang sigarilyo at uminom sa champage. "Why are you here?"
"Syempre, kahit naman anong mangyari, ikaw parin ang uuwian ko." Sumuksok ako sa ilalim kaya naman nasa harap niya na ako ngayon habang naka tungkod siya sa railings ng balcony.
Isang pitik na lang ay mahahalikan ko na siya. Diretso ang titig sa akin. Expressionless at mukhang walang balak ikiss ako.
"Kiss mo 'ko." I pouted. Nagsalubong ang dalawang kilay niya. Inirapan niya ako at iginilid ang kanyang mukha.
Sumimangot ako at kiniss ang cheeks niya, "May kasunduan kami ni Hades." Naagaw ko agad ang atensyon niya kaya tumingin siya sa akin. "I'll give him one last chance that will only last for 10 days."
Mas lalo siyang sumimangot at nilayo ang katawan niya sa akin, "Ang labo mo. Alam mo, wala naman akong pakealam kung piliin mo siya. Hindi mo naman ako mahal, at mas lalong hindi kita mahal. Kaya pwedeng pwede na kayong dalawa." Malamig na sabi niya.
Parang dinurog ng pinong pino ang puso ko sa sinabi niya. And there he admitted, hindi niya talaga ako mahal. Tumulo ang luha ko at napatawa nalang. So, ganon lang yun. Naglaro lang kaming dalawa, he made me fall at pagtapos ay ibabasura na lang.
"Hindi ko ito ginagawa kasi hindi kita mahal, Prime--..."
"Stop sugar coating your words Charlemagne! Tell me the truth, rebound lang naman ako diba? Yung lalaking kailangan mo para makamove on ka sa first love mo?" Galit niyan sabi at halos mapasigaw na.
Nanlumo ako at mas lalong napaiyak. Ganon ba ako kasama? Feeling ko tuloy ang landi landi ko. Pero..... hindi nga ba siya rebound? Parang oo, eh.
Ang sama sama kong babae!
"Prime makinig ka muna please..." Suminghap ako at hinarap siya, "Mahal kita.. maniwala ka, mahal na mahal kita. Pero importante sa akin si Hades, hindi ko iyon idedeny. Kaya nga bibigyan ko siya ng last chance, eh! To figure out my feelings for the both of you! Ikakasal ako sayo, at ayaw kong may doubts ako sayo kapag kasal na tayo. And Hades told me na titigil siya kapag hindi nag work ang feelings namin. Nagegets mo ba yung point ko?"
Umiling siya, "You're wrong. Mahal mo siya, at importante lang ako sa'yo. That's the ugly truth. Pwede ba? 'Wag mo akong paasahin, kasi hinding hindi ako aasa sa playgirl na tulad mo."
Napapikit ako ng mariin. Swallow that playgirl thing, Charm! Dahil sa ayaw o sa gusto ko, that's the ugly truth.
"Bago si Hades, ilan ang lalaki mo?" Naoffend ako sa tanong niya. Pero napaisip ako... madami. Pero landian at tweetums at pakilig lang ang lahat ng iyon at hindi na humigit pa doon.
"H-hindi ko alam." I bit my lip. Nakakahiya akong babae!
He smirked, "See? Ilan ang naka-finger sa iyo?" Hindi ko napigilan ang pagsampal ko sakanya. Now that's very offensive!
"Ang kapal ng mukha mo Prime! You are the only one! Ikaw lang! How dare you?!" Nahirapan akong huminga dahil sa sinabi niya. Shit! Ang kapal ng mukha niya! Ang sakit niyang magsalita!
"You can't blame me. You love boys so much you can't live without one."
Nagsisi ako kung bakit ang dami kong lalaki noon. Playgirl ba ang tamang term don? Malandi? Maharot?
"Pero maniwala ka.. Ikaw lang ang minahal ko ng ganito." Umiyak ako sa harap niya.
Umiling siya, "No. Kasi kung totoo 'yang sinasabi mo, you won't be confused with your feelings. You don't have to give him one last chance just to figure out your feelings."
Napaupo na lang ako at umiyak. May mas isasakit pa pala ito. Akala ko pinaka masakit na yung nangyari kina Papa at Charlene pero kakaibang sakit ito. Ikakamatay ko ata kung hindi ko masosolusyunan ito.
Tatlong araw ako walang kain kaya eto si Kira at pinipilit akong kumain. Naaapektuhan ang pagaaral ko at hindi na ito tama.
"Girl magkwento ka naman! Ano? Nagaway ba kayo? Tampuhan? Or ano?" Nagaalalang tanong ni Kira.
"B-bumalik na siya."
"Sino?"
"Yung first love ko na malaking threat para kay Prime. He's been asking me if naka move on na ba ako. I always say yes kasi alam kong wala na talaga. But when I saw him after ng ilang months? Ewan ko. Nablanko ako." Napayuko ako at kumopya ng notes kay Kira kasi nakapag-absent ako.
"So.. you're gonna choose between the two of them?"
"Oo. Pero Kira, kampante akong mahal na mahal ko si Prime. Pero kapag andyan si Hades, nabubuhol ang utak ko."
"Ganto, charm. I'll give you some words." Umayos siya ng upo. "I think you need a closure with that Hades. Wait... sino ba ang lamang sakanila?"
Napatitig ako kay Kira. Sino nga ba?
"Hay. Okay ganto, always choose the number two." Aniya.
"Huh? Bakit?"
"Kasi hindi naman magkakaroon ng number two kung talagang mahal mo pa si number one. Ganon lang kasimple." Ngumiti siya.
She's right. Kung talagang mahal ko pa si Hades, hindi ako magkakagusto kay Prime.
"P-paano kung ginawa ko lang rebound si number two?"
"Edi eventually you'll fall for him or you're gonna move on na sa ex mo. Tignan mo ang sarili mo, hulog na hulog ka kay Prime." She smiled. "Charm, you just need space and time. Kung ako sayo, stay away from the both of them for a while. Kung sino una mong hanap-hanapin, go for him."
Pagtapos ng school ay dumiretso ako sa star creatives. Ngayon na ishoshoot yung commercial namin ni Tammy. Makapal ang foundation at concealer ang nilagay sakin ng bakla dahil sa eyebags.
Naging okay ang shoot. After daw nilang iedit ay irerelease ang commercial at magkakaroon kami ng mga mall tour ni Tammy for promotion.
"Hey, t'was nice working with you." Ngumiti sa akin si Tammy "Let's take a selfie. Wait, what's your instagram and twitter?"
"My instagram is ckgandasobra, twitter ko naman ay magandasiCharm. Hehe, jeje ba? Noon pa 'yan, eh."
Humalakhak siya at nagselfie kami. Nakakatuwa kasi napaka down to earth ni Tammy.
"Ck, you done?" Pumasok si Hades sa dressing room ko.
"Almost. Hatid mo agad ako sa condo ni Prime--..."
"But I thought we're gonna have dinner tonight?"
Nasapo ko ang noo 'ko, "Oonga pala. Sige na, basta pagtapos hatid mo na ako agad. Wait... pwede sa crown tayo mag dinner?" Kakamustahin ko kasi si Prime.
"If you're tired, we can cancel our dinner. Ayaw kong napapagod ka." He smiled. He's still daddy-like.
"Okay lang. Basta sa crown tayo kumain." I smiled at tumango naman siya.
Ayaw kong sumama kay Hades pero kasi gusto kong bisitahin si Prime sa office niya. Kanina kasi ay hindi ko na siya maabutan, ang aga ng alis niya. Kaya ngayon, gusto ko siya kamustahin at dadalhan ko siya ng pagkain. Baby loves here I come!
BINABASA MO ANG
Despicable's Charm
RomanceHe's a despicable man. She's a happy go lucky girl. Oh no! Is this a good or a bad idea?