CHAPTER 13.
Inabutan niya nga talaga ako ng kape. Aba. Ayos talaga, ha? Parang walang nangyari!
"Here's your coffee."
"'Di, okay lang. Hindi ako lasing, o tipsy or what.. I'm fine." Hindi ako makatingin sakanya. Kapag naalala ko yung kanina ay naiintimidate ako.
"Well, I think--.."
"Hindi, Prime. Kung hinalikan kita at ginusto mangyari yung kanina? Hindi iyon dahil sa champagne." Hindi parin ako nakatingin. Aba? Awkward kaya! Hindi ko akalaing sa pangalawang pagkakataon ay muntik na naman.... 'Lamniyona.
"You mean, you're sober? You really want me?" Napangiti siya. Anong nakakatuwa 'don? Nakakasar 'yon! NAKAKAASAR! I hate that I want him so badly! "Charm, baby ka pa." Humalaklak siya. Oh, really?
Jusko... Charm? Seventeen ka pa lang! Makati ka agad? Ampfzxc. Tama si Prime! Baby pa nga ako!
"H-hindi... Nadala lang siguro ako." Tumayo ako at inayos 'yung sweat pants 'ko. "K-kailangan 'kong mag-jogging. Ang dami 'ko kasing nakain, eh." Mabilis akong lumabas ng unit.
Mabuti ay may playground, basketball court, outdoor pool and etc dito sa condo. Kumpleto ang amenities na pang-outdoor kaya pwede akong makapag-jog.
Nagsimula akong mag-jogging paikot sa basketball court at playground. Gabi na kaya hindi ganoon kadami ang tao. May grupo ng mga babaeng nags-swimming at may mga lalaki 'din. Mukhang masaya sila, ah.
"CHARM!?" Nakilala 'ko ang boses ni Queen. Siya ba talaga 'yon? Lumapit ako at napagtantong si Queen nga.
"OMG!" Andito rin si Charee at Gladys. "Charm! Namiss kita!" They hugged me. I love that their clingy kahit isang beses pa lang kami nagkaka-bond.
"Yo, Charm. 'Lam ba ni Prime na andito ka?" Ngumiti sa akin si Yuji.
"Jeeez, ito 'yung fiance ni Prime?" Aning isang lalaki na katabi ni Yuji.
"Yep, Jeric. Ano, ganda noh?" Tumawa si Yuji. Sinamaan siya ng tingin ni Queen. Selosa rin pala ang isang 'to.
"Hey!" Tumayo mula sa pool si Jeric? "I am Jeric Antonio Yuchengco. Prime's cousin."
"Hello, Jeric." Ngumiti ako.
"Hey, hands off, Jeric!" Rinig 'kong sigaw ng isang babae.
"Shut up, Heaven." Umirap si Jeric at kinamayan pa din ako. Nahihiya 'kong tinanggap ang kamay niya.
"What izzzz uuuppppp my nigga!" Umalingawngaw ang boses ni Yuji. Napatingin ako sa likod 'ko, si Prime. Lagot! Hiniwalay 'ko agad ang kamay 'ko kay Jeric at lumapit kay Prime. Matapang 'kong hinawakan ang kamay niya at ininterwine ito.
"You're back." Ani Prime kay Jeric.
"Yeah, bro. I'm with..." Bumuntong hininga siya. "Heaven."
"Yeah, Hi, Prime!" Tumayo si Heaven, lumapit kay Prime at nagbeso. For water's sake! Naka 2 piece lang siya!
"Heaven umupo ka lang!" Galit na saad ni Jeric.
"Damn boy, you also made me jealous! Were quits!" Inirapan siya ni Heaven at bumaling kay Prime. "Kailan ang kasal!"
"Next year. After her 18th birthday." Tipid na sagot ni Prime.
Lumapit ako kayna Queen, Charee at Gladys. Nagkkwentuhan ang magpi-pinsa, eh. Hayaan 'ko na muna.
"Seriously. Mag-ano ba si Heaven saka si Jeric?" Gladys.
"Bakit? Selos ka?" Mapangasar na tanong ni Charee.
"Gago! Hindi! Tangina nito?" Hayun at nagsabanutan sila habang binabato sila ni Queen ng buhangin.
"Palibhasa itong dalawang 'to, hayahay na! Kamusta naman ma-devirginized?" Nag-apir sina Charee at Glayds. Naalala 'ko ang nangyari kanina... Shetlags.
"Mashaket... Anshaket..." Nag 'pabebe' face pa si Queen kaya napahalakhak kami. Baliw talaga ang isang 'to. "Joke! Wala pa leche, hanggang momol pa lang!" Mas lalo silang nagtawanan.
"Ano yung momol?" Tanong 'ko.
"Oy, nako bad influence talaga kayo! May menorde edad dito, oh!" Tumawa si Gladys at inakbayan ako. "Wag mo na alamin. Hahehahe."
"Charlemagne, let's go." Nabosesan 'ko si Prime sa gilid 'ko. Nagpaalam ako sa kanilang lahat at sumama na kay Prime.
Tahimik kami habang tinatahak ang unit niya. Pinahiran 'ko ng face towel ang pawisan 'kong mukha at liig. Nakngtipaklong, kakaligo ko lang eh!
Wala kaming imikan hanggat sa makarating kami sa unit niya. Nagpalit ako ng sando at cotton shorts. Nilatag 'ko ang mattress sa sahig at nahiga doon.
"Uhm.. Charlemagne, you can sleep here." Rinig 'kong sabi niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso. Sa buong stay 'ko dito sa condo niya, never niyang sinabi iyon. Pero madalas naman akong nagigising na nakahiga na ako sa kama niya.
"Hindi, ayos lang." Mahinang sabi 'ko. "Uhhmmm. Prime? Mas mabuti siguro 'kung balik na ako sa bahay? T-tutal, alam naman na ng parents mo na magkasama tayo sa isang bubong."
Sa totoo ay ayaw 'kong bumalik 'don. Mas gusto 'ko dito kasi atleast naaalagaan 'ko si Prime, pinagluluto ko siya ng masustansya. Hindi 'yung araw-araw sa mamahalin na restaurant siya kumakain, or worse, yung hindi siya nakakakain.
Pero kasi... pag andito ako, ang mahal ng pamasahe! 250 kasi taxi lang ang tanging ride dito para makarating ako sa university! Atsaka.... masyado na kaming close ni Prime? Hindi ko akalain na hahantong kami sa ganon... na... muntik ng... mag-ano.
Tumikhim siya, "If that's what you want..." he sighed.
I bit my lip. Hard. Ayaw ko talaga pero I think kailangan ko talaga ng kaunting space.
Kinaumagahan wala na naman si Prime. For the first time, sa buong stay ko dito, nagising ako sa mattress kung saan ako natulog kagabi.
Naligo ako at nagbihis. Nasa isip ko parin si Prime. Nasaan kaya siya? Bakit kada gising ko ay wala siya? Ay, baka nag-jogging na naman.
Habang nagluluto ako ay dumating siya. Tama ako, nag-jogging siya. I can hear him panting... Shet. Ang hot pakinggan.
"P-prime... Kakain ka?" Tanong 'ko nang kumuha siya ng baso.
Bakit ko naramdaman 'to? Yung kinakabahan ako pag malapit siya? Siguro dahil.... Tsk. HINDI PWEDE!
"Nope." He said bago uminom ng tubig. Tinitigan ko siya, pati ang pag galaw ng lalamunan niya habang nilulunok ang tubig ay ang hot na tignan.
"I-ipagluluto kita. 'Dali na, huy. Request ka na."
Tinignan niya ang wall clock sa likod niya, "It's already 7:30. You're running late."
"Okay lang. Isang beses pa lang naman ako nalate."
"No, Charm. Ang scholar hindi nalelate. 5 lates and wala na agad iyon. You want to graduate summa cum laude right? Be resposible. And I'm not your resposibility." Tinalikuran niya ako at pumasok sa kwarto niya.
Sumikip ang dibdib 'ko. Bakit parang galit siya? Hindi. Hindi. Hindi. Masungit lang talaga siya.
Bakit ba ako apektado kung galit siya? Bahala siya! Ano naman ngayon 'kung ayaw niyang kainin ang luto 'ko? Bakit sumisikip ang dibdib 'ko? Ah, siguro masikip ang bra 'ko. Hay nako.
BINABASA MO ANG
Despicable's Charm
RomansaHe's a despicable man. She's a happy go lucky girl. Oh no! Is this a good or a bad idea?