DC-30

15K 548 143
                                    

CHAPTER 30.

Kakalapag lang namin ni Prime ng Maynila at agad kaming dumiretso sa condo niya.

Hindi padin ako makapaniwala sa nangyari kagabi. It really happened! Sa nangyaring iyon ay mas lalo akong nabaliw sa kanya. .

Halos lahat ng gamit ko ay nandito na sa condo niya kaya hindi ko na kailangang bumalik muli doon sa bahay.

Naging busy si Prime sa mga meetings niya. Nahuli ko pa siya kaninang kausap ang Daddy niya, they're talking about the site kung saan itatayo ang hotel and casino. Pagtapos noon ay nagpaalam siya sa akin na aalis siya, he didnt tell me where he's going basta hinayaan ko na lang siya.

It's monday. Hinanda ko ang sarili ko para sa balik eskwela. Nakakapagtaka dahil halos lahat ng tao sa university ay nakatitig sa akin. Mostly... masama ang titig. Bakit kaya?

Siguro.... dahil 'don sa jail booth na game? Aish. Sana ay hindi sila nakahalata doon.

Pumasok ako sa room. Napatingin ako kay Vieve at inirapan niya lang ako. Yung babes, wala pa. Kaya heto ako at loner. Tahimik din ang mga kaklase ko. Ang weird.

Dumating si Prof at agad na bumaling sa akin, "Ms. Dawn! Bakit hindi ka na umattend sa university fiesta after ng napakasayang jail booth game niyo?" Masungit na sabi niya sa akin.

Kinabahan ako dahil sa sinabi niya. How did she know about the jail booth thingy? Naging trending talaga iyon?

"B-binisita ko po kasi ang pamilya ko sa Cebu. Naaksidente po sila kaya bumisita po muna ako para kamustahin sila.."

"Yeah right. At dahil sa ginawa mo, may minus ka sa final average mo." Umirap siya at naglecture na.

Ano kayang meron? Sobrang weird ng mga nangyayari.

Break time at hindi padin pumapasok ang babes. Ilang beses kong tinetext si Kira pero never din siyang nagreply.

May kaguluhan na nangyayari sa bulletin board. Hindi ko malaman kung ano kasi ang daming tao, hindi ko alam kung ano ang nakapaskil sa board.

Habang naglalakad ay nakasalubong ko sina Maxee, Gelle at Junie.

"Uyyy! Namiss ko kayo!" Sinalubong ko sila. "May pasalubong ako sainyo." Kinalkal ko ang bag ko. Binigay ko sakanila yung dried mangoes, i love cebu tshirt at mga key chains.... Pero hindi nila iyon tinanggap.

"Traydor ka, Charlemagne!" Pumiyok si Gelle sa pagsigaw niya.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko..... Shit..

"Akala ko totoo ka. Why Charm? Tinuring ka naming kaibigan! Why do you have to fool us and made us believe in your lies! I can't believe you!" Junie.

Nakakaagaw na ng atensyon ang nangyari. Sa sitwasyong ito, gusto ko na lang maglaho.

"Alam mo, una pa lang nakakahalata na ako, eh! Pero isinantabi ko iyon kasi... Kasi akala ko hindi ka ganon klaseng tao! Pero ngayon?! Ang ganda mong ahas, Charm." Umiling-iling pa si Maxee.

"Tama! Haru! Malandi!"

"Sus! Katawan lang habol ni Prime dyan!"

"Ikr! If I know, pineperahan niya lang si Prime!"

"Tama! Diba na-aksidente yung family niya? Baka ginamit ang ganda para makahuli ng big time!"

"Transferee palang pero... damn. Hindi ko akalain na ganyan siya kasahol!"

"Tangina. ANG LANDI MO PO TEH!"

"Well.. Sexy siya, pero pangit naman pala niya pag walang make up."

Despicable's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon