CHAPTER 52.
Maluha-luha ako habang hinahatid ako ni Prime sa aiport. Agad-agaran ang pagalis namin dahil baka ipa-ban kami sa airport ng mga Tuazon kapag pinatagal pa.
Imbis na sa Ireland ay sa Dubai na ang tungo namin. Mga Blackwell kasi ang nakatira sa Ireland at mga Yuchengco naman sa Dubai kaya mas pinili ko doon. At isa pa... Nagmaka-awa si Charlene kay Prime. 'Don nadin ata magaaral si Charlene at hinanapan na siya ni Prime ng magandang university. At ako, nag-hire ng mga body guard si Prime at tatlong nanny para magalaga sakin. Para sakanya ay baby girl niya talaga ako.
"You'll be fine. Stop crying." He interwined our hands together at hinalikan ang noo 'ko. "I'm doing this for you. Okay? Hush.."
Mas lalo lang akong naiiyak habang pinapatahan niya ako. Sobrang bigat ng dibdib 'ko. Ayoko... Ayoko talaga! Kaso kailangan, eh. Leche! Mamatay na lahat ng hadlang!
"Prime... Hindi ko ata talaga kaya." Humagulgol na ako at niyakap siya. He hugged me back and sighed. "Prime mamatay ako sa lungkot..."
Tininangala ko siya at nakita kong nagpapahid din siya ng luha. Mas lalong bumigat ang dibdib ko at nahirapan ako lalong huminga. Prime.... Huhuhuhuhu!
"Please? 'Wag na..." Halos lumuhod na ako sakanya para lang 'wag umalis.
"HOY! Charlemagne Kailey! Kapag naiwan tayo ng eroplano, mauuna kang lilipad 'don sa Dubai! 'Wag mo akong iprovoke! Beast mode na ako!" Napairap ako dahil sa ingay ng kapatid 'ko. Punyeta Charlene! Hindi mo alam nararamdaman ko! Huhubells!
"CK, tara?" Mommy.
"Hey... Are we late?" Napatingin kami lahat sa nasa likod ni Prime. It was Prince and Pearl! Bakit? Sasama ba sila?
"Why are you here?" Masungit na tanong ni Prime sa magkapatid. "I said you're staying in Palawan!"
"Ganun? Pag fiance sa ibang bansa? Kami local? Kuya naman!" Nagdrama si Pearl at nagcling sa kay Prime. "Babantayan ko si Ate CK! Hihi!"
"Alam ba ni Mommy at Daddy 'to?"
"Yup, bro." Sumulyap si Prince sa kapatid 'kong si Charlene. Napatingin ako kay Charlene na matamis ang ngiti pero agad na inirapan ako ng mahuli akong nakatingin sakanya.
'Wag naman sana mabuntis ng maaga ang kapatid 'ko. 'Wag sana siyang matulad sa akin. Hehe. Kilala ko kasi 'yan, eh.
"Ano! Let's go? Ate CK?" Nagcling sa akin si Pearl pero wala akong nagawa kundi ang mag pout at tumitig kay Prime.
"Damn it," kinamot niya ang batok niya at hinigit ako palayo kay Pearl. "Mauna na kayo 'don, ihahatid 'ko nalang po si Charm." Ngumiti siya sa parents 'ko.
"Charm ano ka ba? Masasayang ang pera ni Prime! Hindi mumurahin ang plane ticket..." Papa. Alam 'kong dissapointed parin siya sa akin and, I will please him.
"Okay lang... Kung pwede next year ako sumunod para mapagipunan ko pa-Aray!" Sinamaan ko ng titig si Charlene na binatukan ako.
"Mahadera! Hmp!" Umismid siya. "Tara na nga!" Hinila niya ang kamay ni Prince. Narealize niya siguro ang ginawa niya kaya iniwas niya ang kamay niya at nag cross arms. "Ma? Pa? Ano, tatayo nalang tayo dito at dito magdramahan? Halika na kayo!" Nauna na siyang maglakad habang nagseselfie. Charlene Kattleia, you're such a mess. Haha!
Nagpaalam sa akin sina Mama't Papa at nagbilin bago sila umalis. Ngiting ngiti ako habang nakayakap kay Prime habang palabas sa aiport. Nagpipigil siya ng ngiti and I find it cute. Nahihiya kiligin ang libag na 'to!
BINABASA MO ANG
Despicable's Charm
RomansaHe's a despicable man. She's a happy go lucky girl. Oh no! Is this a good or a bad idea?