CHAPTER 9.
Nakaupo lang ako habang naglalaro sila ng beerpong. Hindi natanggal ang kamay ni Prime sa gilid ng pwet 'ko habang nakaupo kami. Namamanyak na ang mokong, baka tinamaan na.
"Ilang taon ka na nga?" Tanong ni Gladys. Kailangan niya pa isigaw dahil maingay.
"Seventeen!"
"Talaga?! Jusko! Bente na ako! Hahahaha!" Kung ganoon, ako ang pinakabata dito.
Magkatabi kami ni Prime pero may iba siyang kausap kaya 'di niya naririnig ang pinaguusapan namin ni Gladys.
"I really can't believe Prime's a pedophile!" Humalakhak si Queen.
"Prime's only 20! 3 years lang! 'Di naman pedophile." Charee.
"Yeah! Kapag tinamaan ka ni kupido, Age is just a number." Gladys.
"Uloool!" Nagtawanan silang tatlo.
Pinisil-pisil ni Prime ang gilid ng pwet 'ko. Napatingin ako sakanya, nakatulala siya habang nakahawak sa labi niya at habang kinakausap siya ng isang lalaking kaibigan niya.
"Sayaw tayo sa ibaba! I am really hyped tonight!" Queen.
"Naku! Lagot ka na naman kay Yuji!" Gladys.
"Sino si Yuji? Boyfriend mo?" Tanong 'ko.
"Yuuuup! Yuji Fortunato Yuchengco! Ang bastardong pinsan niyang pedophile mo'ng fiance!" Sigaw ni Queen na may halong bitterness. May pinsan pala si Prime? Ilan kaya? Gaano kadami?
"Naku girl, pagpasensyahan mo, mukhang LQ na naman sila ng boyfriend niya. Paano, ang playboy ni Yuji. I guess it runs in the blood." Nagkibit balikat si Gladys.
It runs in the blood? Ibig sabihin playboy din si Prime? Dahil sa curiousity 'ko ay tinignan 'ko si Prime. Nahuli niya ang titig 'ko kaya napa-taas siya ng kilay.
"What?"
"Prime playboy ka ba?" Kasi kung playboy siya, ayaw 'ko talagang magustuhan siya.
"Noon. I'm so done with girls. Why?" Naningkit ang mata niya habang tinitignan ako. "Si Yuji at Hades ang pinakagago sa lahat ng mga pinsan 'ko. I was one of them. Was."
Hades? Kapangalan ni.... Nevermind.
"PRIME!" nagulat ako ng bigla akong hinigit ni Queen at muntik pa akong masubsob. "Sasayaw kami nitong fiancee mo sa ibaba ah?!" Bumungisngis siya.
Napatayo si Prime, "No. Queen. 'Wag mong idamay si Charm sa pagsaya mo."
"Kainggit!" Halos maiyak si Queen sa harap namin. "Bakit si Yuji hindi ganyan ka-caring!!!" Sigaw niya.
Inagaw ni Prime ang baso 'ko mula kay Queen.
"Hoy Reynang rosas! Tara na! Sayaw na tayo!" Gladys. "Prime... hiramin namin si Charm saglit."
Sana pumayag si Prime!
"Oonga! Masamang sinasakal ang girlfriend!" Humalakhak si Charee.
"Do you want to?" Malamig na tanong ni Prime. Mabilis akong tumango. "Take care of my Charm." Atsaka niya pinakawalan ang bewang 'ko.
"We'll take care of the Despicable's charm." Humalakhak si Queen.
Despicable's charm?
Nagpahila na ako kay Queen na sabik na sabik bumaba.
BINABASA MO ANG
Despicable's Charm
RomanceHe's a despicable man. She's a happy go lucky girl. Oh no! Is this a good or a bad idea?