DC-46

12.4K 491 166
                                    

CHAPTER 46.

CHARLENE'S POV.

Alam niyo yung kukuryente sa tao para muling mabuhay? Ganun. Ganun yung ginagawa kay Charm ngayon. Naging straight ang green line sa machine.

Wala na siya.

Kanina pa tumutulo ang luha ko. Hindi ako makagalaw. Hindi ko magawang magwala at sampal-sampalin ang ate ko.

Putangina. HOW COULD CHARM DO THIS? Bakit kailangan niyang iwanan ako? Hindi niya na tuloy mairereto sa akin ang mga boylet niya!

Kanina pa pinagsusuntok ni Prime ang mga dingding. At kanina pa din nagdudugo ang wrist niya. Napuno ng hagulgol ang kwarto maski si Papa ay nag break down na din.

Nakita ko ang putlang labi ni Charm. Medyo mainit pa ang katawan niya. Damn it. Sobrang sikip ng dibdib ko habang naririnig ang hagulgol nila at ang kamamatay lang na Ate ko.

"Charm.... Tangina, ang pangit mo talaga. Gumising ka na. Hindi na 'to joketime, pramis." Bulong ko sa sarili ko.

Ilang beses kinuryente ang katawan niya pero wala na talagang nangyari. Naupo na lang ako sa lapag at humagulgol. Sobrang sakit.

Wala na akong magagawa. Talagang binawian na ng buhay ang Ate Charm.

RIP, ate. Sana masaya ka na kung nasaan ka man.

-

THIRD PERSON'S POV.

"Fuck, wake up. Please." He whispered on her warm hands.

He was crying silently on her side. Ang pamilya ni Charm ay inasikaso na ang mga papeles para  sa pagimbalsamo.

"Charm please.. I'm begging you. Gumising ka na. Yung anak natin na nasa sinapupunan mo.. I think they're there.."

Puno ng pagsisisi si Prime sa lahat ng kagaguhan niya. He left, yes. And he never planned to get back with Charm. Yun na ang pinlano niya nang magkahiwalay sila.

And now, she's dead. And it's all his fault.

"Oh shit." Napatayo si Prime nang maramdaman niyang gumalaw ang mga daliri ni Charm ng kaunti.

Nagbakasakali si Prime. Kinuha niya yung pangkuryente at inoperate saglit, ofcourse. He knows how to use that. He bit his lip hard at pinress and dalawang kuryente sa dibdib ni Charm.

"OH SHIT!!!" Napatingin siya sa machine at muling nagpakita ang malulusog na green lines.

Agad na tumawag si Prime ng doctor and told the Dawn's about Charm. Hindi makapaniwala ang lahat. Damn, NABUHAY SIYA!

"Ha! Sinasabi ko na nga ba! Strong 'yang Ate ko!" Pumalakpak pa si Charlene. "Shet Charm! Drama mo talaga 5ever!" Hinampas pa neto ang paa ni Charm.

May kung anong injection ang tinurok sa magkabilang braso niya. The healthy green lines were dancing!

"K-kailangan niya pa ng blood donor? Surgeries? Anything? Fuck! Ibibigay ko lahat para lang maging maayos na siya!" Prime's voice were desperate.

"Mr. Yuchengco, kailangan pa natin siya idaan sa mga tests to determine internal damages, kung meron man."

3 days. At hindi padin nagigising si Charm. Halos hindi na silang lahat umuwi para obserbahan si Charm. Her heartbeat is getting faster than usual, mukhang malapit na nga talaga siya gumising

"Hoy. Sasabihin mo ba lahat kay Ate ang nangyari sa nakaraan?" Charlene spat at pinitik ang noo ni Prime. Mapanakit as ever.

"Damn it," napairap si Prime sa pagpitik ni Charlene. "No. She doesn't have to know."

Despicable's CharmTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon