CHAPTER 1.
Mugto ang mata ko nang magising ako kinaumagahan. Naiyak ako sa fact na unang araw ko palang sa Maynila ay ang gulo na agad.
Una, baka paalisin ako ni Pride dito. Kasi bahay niya ito, eh! Pangalawa, nakita ako ng manyakol na iyon na walang saplot. Ginoo! 'Di ko akalain na ang itinatatago ko sa loob ng 17 years ay effortless niyang nakita! Pangatlo, nasira ko ang relasyon nila ni Rary! Baka maghiganti ang tigre na iyon! Huhuhu! Pangapat..... ikakasal kami ni Pride! Jusko! Anong ginawa ko at miserable akong ikakasal?!
Imbis na magpakalunod ako kakaisip ay naligo ako at pumunta sa university. Pasado ako sa entrance exam at scholarship grant kaya enrollment na lang ang kulang. Considered as transferee na ako kasi nagsisimula na ang 2nd semester nila.
Bumili ako ng uniform at dumiretso sa tiangge para bumili ng sapatos. Jusko! Required ang 3-4 inches heels sa kurso 'kong Hotel and Restaurant Management! Ang gara pa ng uniform! Hays!
Pagdating ko sa bahay ay naglinis ako at nilabhan ang uniform ko na isusuot ko agad bukas. Pagtapos ay pinagluto ko ang sarili ko ng paksiw ng bangus.
"WHERE ARE YOU?!" Nagulantang ako nang marinig ko ang sigaw ni manyakol. Tsss?
"Ano!!??" Sigaw ko mula sa kusina.
Ano ba yan! Ang sarap sarap ng kain 'ko! Hays! Epal!
Sarap kamayin nitong bangus.
"Cook for me. I'm hungry!"
"Ito oh! May isang isda pa." Nginuso ko sakanya 'yong nasa pinggan 'ko.
"Don't you know how to use utensils? What the..... babae ka ba talaga?"
"Nakita mo na nga, nagdududa ka pa." Shet! Bakit ko pa pinaalala sakanya?! Nakita 'kong nagiwas siya ng tingin. Uyyy! Nag-blush ba siya?
"Uhmmm... K-kakain ka pa ba?" I asked. Kasi naman, bitin yung isang isda! Nakakaubos ako ng limang hiwa ng isda, lalo na kapag bangus! Paborito ko ata ito!
Masama niyang tinignan ang ulam 'ko, "What shit is that?"
"Hoy! 'Wag mong ginaganyan ang paborito ko! Hmp! Kung ayaw mo, edi huwag! Kaasar ka ha? Napakasungit!" Nag pout ako at nagiwas ng tingin. Nat-tempt ako kainin ang huling hiwa ng isda!
"I am hungry. Do I have a choice?" Umupo siya sa harap 'ko. Naghugas ako ng kamay, pinagtimpla siya ng grape juice at sinandukan ng kubyertos.
Tinignan niya na naman ako ng masama. ANO NA NAMAN?
"I hate grapes."
"'Wag kang maarte! Inomin mo yan! Mahal ang isang sachet ng juice!" Nakakaasar! Kapag anak mayaman talaga, daming ayaw! Daming arte! Tss.
"I said i hate grapes." Bossy tone na. Ayan na. I should not mess with him na.
"O-okay." Edi ako na lang ang iinom nito! Hmp! Nakakainis ang bossy na ito!
Tinitigan ko siya habang nandidiri niyang tinititigan ang paksiw. Masarap yan! Hays!
"Masarap 'yan, bH0zXcS."
"If it tastes awful as what it looks like, you're a dead parrot." Inirapan niya ako. Natuwa ako ng sa wakas ay humawak siya ng kubyertos. Sana masarap siya sa luto 'ko!
"Kamusta? Sabi 'ko sayo masarap, eh! Ano bat ka 'di nagsasalita? Uyy! Spokeningless--..."
"You shitty parrot!!!!" Dinura niya yung kinain niya. Sayang!! "ANONG LASA 'YAN!"
"'Di ka ba nasarapan!?!"
"Sa tingin mo ba idudura 'ko kung masarap?!"
"Lintsak! Maarte ka lang talaga!" Tinignan 'kong mabuti 'yung dinura niya. Teka.. "Sibuyas ito, eh!"
"What? Onion?" Umirap siya. "Nevermind! I'll get something to eat!" Tumayo siya at umirap sa'kin.
Nireregla ang taong regla. Tsk.
"Maarte! Sus! If I know natatakot 'kang i-admit na nasarapan 'ka sa luto 'ko! Wushooo! Lunok lunok 'din ng PRIDE! Nakuu, mabibilaukan ka! Bareta pa naman 'yan!" Sigaw 'ko kahit alam 'kong nakaalis na siya. Nababaliw na siguro ako! Hays!
Dead parrot..... Ako? Parrot? Atleast cute. Hmp!
Inubos ko ang paksiw at nagpakabusog. Inubos 'ko na din yung grape juice na hate kuno niya. Artii!
Kinagabihan ay nanood lang ako ng TV. Ganda ni Yna. Kaso mas maganda ako, eh. Pasalamat lang 'yang si Kathryn Bernardo at wala pang nakakadiscover sa'kin. Pag ako sumikat? Babagsak career niyan! At sa'kin maiinlove si Daniel Padilla.
Hahehihohu. Galing ng imagination.
Hindi bumalik sa Pride sa gabing 'yon. Bahala siya 'kung nasaan man siya!
-
Kinaumagahan ay maaga akong naligo. Kinakabahan ako! Ngayon na magsisimula ang pasok ko! Hahehihohu! May maging kaibigan kaya ako? Hays!
Naintimidate 'kong tinignan ang sarili 'ko sa salamin. Blouse na puti at itim na pencil skirt na 3 inches above the knee. Maikli ito kasi small lang. Maluwag siya pero masikip sa bandang pwet. Yung blouse ko naman, medyo maluwag din pero may kasikipan sa dibdib.
Perks of being curvy. Ugh! Nagsisisi na tuloy ako kung bakit ako nag work out ng 1 year noon sa gym ni Papa.
Nagalakad ako palabas ng village at nagabang ng bus. Badtrip! Standing na! Naka-takong pa naman ako.... tsk.
"Miss, upo 'ka." Tumayo mula sa upuan 'yung lalaki. Nagpasalamat ako at umupo na din.
Buti naman ay uso pa ang mga gentleman ngayon, ah?
Nakarating ako sa university. Kinakabahan ako ng 100% habang papunta ako sa room 'ko. 8 pa ang klase 'ko, 7:30 palang. Ayos! Pagpasok 'ko ng room ay nasa tatlo pa lang ang tao. Isang lalaking mukhang nerd, isang babaeng maputla at tahimik at isang babaeng...... sobrang taba at madaming pimples.
Napagdesisyunan 'kong umupo sa pinakaharap. Sinuklay 'ko ang mahaba at maitim 'kong buhok para naman presentable ako at para 'di mabully.
"Hello..." nagulantang ako nang may bigang bumulong sa tabi 'ko. "Transferee ka?" Si taba pala ito.
"Hi! Oo, eh. Ako nga pala si CK. Ikaw?" Pagpapakilala 'ko.
"I'm Genevieve. Vieve nalang. It's nice meeting you." Naglahad siya ng kamay. Tinanggap ko 'to at nginitian siya.
Padami na ng padami ang tao sa classroom at dumating na rin 'yung prof.
"So... we have a transferee." Ngumiti sa akin ang dalagang prof. "May I have your blue form?"
Kinalakal 'ko ang bag 'ko at agad na ibinigay sakanya 'yon. Buti mabait ang unang prof!
"Charlemagne... How to pronounce your name?" Naguguluhang tanong niya.
"Char-meyn po. Silent le. Kei-lee."
"Ohh. Charlemagne Kailey Dawn." She smiled. "Nice name!" Nagpasalamat ako sakanya at nagsimula na siyang magturo.
Dalawang subject sa umaga bago mag break time. Iisang section pala kami. Section 2B3-HRM. Sila padin ang mga kaklase ko sa lahat ng subjects.
Nung break time ay nilibot namin ni Vieve ang campus. Tutal 1 hour naman ang break time, eh.
Habang naglilibot kami sa campus ay napatingala ako sa napakalaking tarpolin.
Napanganga ako nang makita sa tarp ang pagmumukha ni Pride! Lumapit ako lalo para mabasa ang nakapaskil.
"Summa cum laude batch 201*-201* BS ENTERPRENEURSHIP: Prime Maximo Yuchengco with the average of 1.69"
SUMMA CUM LAUDE! ARE YOU KIDDING ME! AT.... hindi pala Pride ang pangalan niya. Prime pala! Hahehihohu.
Pero... seryoso? Summa cum laude ang manyakol na 'yun? Siya pa may pinaka-mataas na average sa lahat ng cum laude! Woaaahhhh!
BINABASA MO ANG
Despicable's Charm
RomansaHe's a despicable man. She's a happy go lucky girl. Oh no! Is this a good or a bad idea?