CHAPTER 60.
Pagtapos ng after party ng debut ko last night ay dumiretso kami ni Prime sa condo niya. Nag out of town si Vieve kaya free na free kami. But she'll be back later this week so bilang nalang panahon namin.
Nagsuot ako ng tshirt niya. I can't believe may nangyari nanaman kagabi, kahit ikakasal na siya. And, I don't regret it. Never will. Kasi ako ang mahal niya at sa papel lang naman sila ikakasal.
Pinagluto 'ko siya ng breakfast pati ng green tea.
"Good morning," i heard his voice. Nilingon 'ko siya at naka boxers lang siya at shirtless. His hair is messy. Ang sexy ng bebi ko!
"Good morning!" Lumapit siya sa akin at niyakap ako.
Nagbreakfast kami ng magkasama at nagjogging pagtapos. Hindi ko inalala ang mga taong nakakita at nagtatapat ng camera sa amin. Fuck publicity! I will never hide Prime! He's too precious to be hiden!
Nagtext si Mama na pumunta ako sa city of dreams ngayon kung saan sila naka check in. Hinatid ako 'don ni Prime at umalis din after dahil may iilang meetings siya na aattendan.
"Ano 'yon, Ma?" Tanong 'ko agad. I've been dead curious about her revelation. Is that good? Or bad? "Bakit wala si Papa?"
"Ah, nag-casino.."
"Maaaa ano na yung sasabihin mo?" Pangungulit ni Charlene.
Mama sighed. Umupo siya sa kama habang nakatayo kami ni Charlene sa harap niya.
"I had 2 boyfriends before I met your dad..." Panimula niya. "I got pregnant by my first boyfriend. After 3 years, nabuntis ako ng pangalawa 'kong boyfriend, and they were fraternal twins. And after 3 years again, I got pregnant by your dad..."
"What? So may mga kapatid kami?" Ang una 'kong tanong. How... Is that even possible?!
"Mama eh nasan sila?" Charlene.
"My first daughter was... Hillary Smith." Tinignan ako ni Mama. "Yes, Charm. Prime's ex girlfriend."
Napanganga ako sa rebelasyon ni Mama. Is that.. True? Is she for real? Bakit hindi ko napansin iyon? Smith ang apilido niya at Smith din ang middle name 'ko...
"Bakit Smith ang apilido niya? W-hy not use his father's surname?"
"Hindi kami kasal ni Henly kaya Smith ang ginamit niyang apilido-"
"Bakit ngayon mo lang sinabi 'to Mama? You... Hid our ate from us! Mama alam mo bang nagaway pa kami ni Hillary dahil ako ang dahilan kung bakit pabagsak ang negosyo ng daddy niya? Mama i didnt even tried to ask an apology to her!" Sobrang nagagalit ako. All this time... Yung taong nanakit sa akin at taong nasaktan ko ay kapatid ko pala? Oh, what a small world! Naiiyak ako sa sobrang inis! Naiiyak ako sa sobrang pagka-konsensya!
"Anak h-huwag ka munang magalalit-"
"Alam ba ni Hillary na magkapatid kami?"
"Nakausap ko siya lately... Nang umuwi sila ng Cebu ni Henly dahil tuluyan ng bumagsak ang negosyo nila.." Nasapo ko ang noo ko at napaiyak. Kasalanan ko iyon! Kasalanan ko! Fuck! I'm sorry, Ate... "I tried to convince her na tumira na sa atin. Pero ang sabi niya, ayaw niya dahil.. Ikaw daw ang dahilan kung bakit naghihirap sila..." Nagpahid ng luha si Mama.
"H-how about the fraternal wins?" Tanong ni Charlene.
"Anak..." Nagsisimula ng humahagulgol si Mama. Natatakot ako sa sasabihin niya... Shit. "You and Genevieve... Are fraternal twins..."
Mas lalong sumikip ang dibdib 'ko. No! No! No way! "Ma, h-hindi ito joke time so please! Let's be serious!"
"Napagdesisyunan namin ni Gregorio maghiwalay at paghatian ang bata... Napunta ka sa akin, at si Genevieve ang kinuha niya.."
Oh my god... No. "You are a Tuazon, Charm."
No... Oh my god. Hindi ko masikmura lahat ng sinasabi ni Mama. It's... Unrealistic. But it's true! Bakit? Why does this have to happen?!
Wala akong masabi... Tahimik lang ako habang tinatry na sikmurahin lahat ng nalaman 'ko.
"So hindi kami buong magkapatid ni Charm?" Tanong ni Charlene. Tumango si Mama at napailing si Charlene. "Kaya naman pala mas maganda ako, 'eh!"
Napairap ako at muling kumawala ang mga luha 'ko. I don't know what to do. I... Shit. Nalilito ako. Dapat ko bang ipaalam kay Prime na isa akong Tuazon? I'm not a Dawn after all... I am a Tuazon! Fuck! Hindi ako makapaniwala!
"May balak ka bang sabihin ito lahat kay Prime?" Tanong ni Mama. Umiling ako. Ayoko ng gumulo pa ang sitwasyon at mapahamak pa sila.
Lutang akong umalis sa city of dreams. Nagpahatid ako sa driver ko sa bahay 'ko. Doon ko iniyak lahat ng hinanakit 'ko. Yung dalawang babae na nasaktan 'ko... They're my sisters. Oh my god! Hindi talaga ako makapaniwala!
Bakit hindi ko napansin iyon? Ang similarities namin ni Hillary sa katawan at sa buhok. Tapos ang ilong namin ni Vieve na matangos at matabang pisngi. Fuck! Bakit hindi ko man lang nahalata iyon?!
Ilang araw mula ngayon ay birthday na ni Prime. Text siya ng text sa akin pero hindi ko siya sinasagot. Hindi ko na alam ang mararamdaman 'ko... Should I let him go? Magparaya para sa kambal ko? Coz I know eventually.... Maffall din sila sa isa't isa.
"Alam mo ba 'yong parents 'ko, sa fixed marriage 'din sila nagsimula?" Ani Justinn. Napatingin ako agad sakanya.
"Totoo?"
"Oo. 9 months lang sila nagkasama at naghiwalay.. Pero ngayon tignan mo, their love is eternal." Ngumiti siya. Kinakabahan naman ako, eh! Kainis!
"H-hindi ka nakakatulong ha!" Bulyaw 'ko sakanya.
"No, I'm serious. Who would have thought diba? They hated.. Oh I mean, they despised each other back then. Tapos ayun, nadevelop... Nagmahalan, nagka-anak."
Inirapan 'ko lang siya. T-that won't happen to Vieve and Prime.. Right? RIGHT? Hindi!
"May girlfriend ba si tito Jacob noon?" I asked.
"Wala ata.. Pero he used to like Tita Cheska."
Like lang iyon kaya madali siyang nahulog kay Tita Candice! Pero si Prime.. Mahal niya naman talaga ako! Kaya hindi magiging madali sakanya para ma-out of love... Diba?
Saktong birthday ni Prime at kasal nila ni Vieve. Ilang linggo matapos nung birthday 'ko ay hindi kami nagkita ulit kahit nakailang text at tawag siya sa akin.
Ngayon narin ang lipad 'ko patungong London. Tinulungan ako ni Tita Candice na makapag-aral sa London at isantabi muna ang pagaartista. Nakapag ipon ako ng sapat na pera para tustosan ang pangangailangan 'ko. I might have to find a part time job kahit naapprove ang scholarship 'ko doon.
Dumaan muna ako saglit sa Cathedral sa Taguig. Readyng ready ang kasalan. Tuloy na tuloy ang pagiisang dibdib ng mahal 'ko at ng kambal 'ko. I shed a single tear at nilagpasan na iyon.
"See you again, Prime."
No proper goodbye. No proper conversation before I leave. You're so great, Charm. Take the sacarcasm as a your champagne. Tsk!
Kung kami talaga... Our paths will find its way. Pero kung magkadevelopan sila ng kambal 'ko... Well.... Magiging masaya ako kahit sobrang sakit tanggapin.
________________________________
Epilogue na ang sunod! Kapit bisig!
May mga taong pinagtatagpo... Pero, hindi itinakda.
BINABASA MO ANG
Despicable's Charm
RomanceHe's a despicable man. She's a happy go lucky girl. Oh no! Is this a good or a bad idea?