PROLOGUE

6.8K 156 33
                                    

MANILA, PHILIPPINES 1897

Napakadilim ng gabi at walang taong dumaraan sa kahabaan ng isang kalye sa Intramuros. Ang mga bituin ay nagkubli sa mga ulap habang ang buwan ay sumisilip sa mga maiitim na ulap na tila natatakot makita ang mga mangyayari sa paligid. Maalinsangan ang panahon at walang hanging nakikipaglaro sa mga dahon ng mga mayayabong na mga puno sa kahabaan ng kalsada. Ang nakakabinging katahimikan ay hudyat ng mga bali-balitang paglusob ng mga katipunerong Pilipino laban sa mga sundalong Kastila. Halos lahat ng mga kababaihan, bata at matatanda ay maagang nagsipagtago sa kani-kanilang mga tahanan. Karamihan naman sa mga kalalakihan ay matiyagang nakikiramdam sa kung ano ang mangyayari sa napipintong kaguluhan. Ang buong Maynila ay nababalot ng kaba at takot sa posibleng kahihinatnan ng nagbabadyang kaguluhan. Kaguluhang puwedeng magpahamak sa mga inosenteng mamamayan at malagay sa panganib ang kani-kanilang mga buhay.

Mula sa pantalan ay sumakay ang isang dayuhang lalaki sa isang lumang kalesa na nakaparada mula sa harapan Pier Siyete. Matangkad ang dayuhang lalake, may suot itong itim na sumbrero at kapang itim na tumatakip sa suot na puting long-sleeve na polo. Sa kanyang kanang kamay ay hawak-hawak ang itim na tungkod na may naka-ukit na mukha ng isang hindi pangkaraniwang nilalang na ang mga mata ay yari sa mamahaling bato. Sa kadiliman ng gabi ay di gaanong maaninag ang hitsura ng dayuhan. Nagpadagdag ito sa kabang nararamdaman ng pitumpu't-tatlong taong gulang na kutserong si Victor Dela Cruz. Kaba na hindi maipaliwanag kung bakit niya ito nararamdaman. Kanina pa niya inaaro ang balisa at takot na takot nitong kulay abong kabayo na labis niyang ipinagtataka.

Pagkasakay nang dayuhan sa kalesa ay may iniabot itong maliit na puting papel sa matandang kutsero. Pagkakuha sa papel ay napakamot ng ulo si Victor sa kadahilanang hindi ito marunong magbasa. Itinapat niya ang papel sa mumunting gasera na nakasabit sa itaas na bahagi ng kalesa. Ang gasera na tanging nagbibigay ng mumunting liwanag sa kanila. Ang kanyang noo ay tagaktak ng pawis at patingin-tingin sa pasaherong dayuhan na nakatitig sa kanya. Ibinuka ng matandang kutsero ang bibig para itanong na lamang sana kung saan niya ito ihahatid. Pero, hindi niya ito itinuloy nang maalalang hindi rin niya alam kung paano kakausapin ang dayuhang lalaki.

Tahimik lamang ang dayuhan. Tila naiinip na rin ito sa di pa nila pag-alis sa pier. Halos isang buwan din ang itinagal nang kanyang paglalakbay sa karagatan bago narating ang Pilipinas. Ito ay para sa importanteng pakikipagkita sa isang mayamang hacienderong Kastila sa bansa. Pakikipagkita na magpapabago sa buhay niya.

"Ha..." ang tanging salitang namutawi sa bibig ng matandang kutserong si Victor. Sabay kamot sa nakakalbong ulo at nakangiting tumingin sa dayuhan. "Paano na ba ito? Anong gagawin ko?" ang sabi niya sa sarili.

Tila napansin naman siya ng dayuhan at inilapit nito ang mukha sa matandang kutsero. Sa hindi malamang dahilan ay bigla na lamang nakaramdam ng kakaibang takot Si Victor nang makita ang nagliliwanag na mga mata ng lalaki. Napansin din niya ang mala-papel na puting balat nito na parang hindi na dinadaluyan ng dugo. Pero pinilit pa ring ngumiti sa dayuhan kahit na kinakabahan.

"Bu-buenas noches amigo." Ang isa sa mga iilang salitang Kastilang alam ni Victor, nagbabakasaling maintindihan siya nito. Ngumiti naman sa kanya ang lalaki at tumango bilang tugon sa kanyang pagbati. Inilapit ng dayuhan ang mukha ng lalaki sa matandang kutsero at naamoy ni Victor ang napakabangong amoy nito.

"Old man, I don't speak Spanish. We can talk in English if you want." Ang saad ng lalake at muling ngumiti sa matandang kutsero. Kinuha ng dayuhan ang papel na ibinagay sa matanda at itinuro ang nakasulat. "Can you take me in this address please?" dagdag pa ng dayuhan habang nakaturo ang naka-guwantes na kamay sa maliit na puting papel na may napakagandang sulat-kamay.

Lalong natulala ang matanda sa di maintindihang salita na sinabi sa kanya ng lalaki. Nagkamot uli ito sa kanyang maubang buhok at tumingin sa dayuhan.

"Señor, amigo..." Ang naka kunot-noong sabi ni Victor. "Naku, paano ito?" Ang pabulong na dugtong ng matanda habang kinakamot ang kanyang ulo.

ODESSA'S REDEMPTION: THE FALLEN WORLD (COMPLETE)(on editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon