Chapter 9: BLOOD MOON'S CURSE

1.1K 58 22
                                    

"Maro?" Ang tanging naisambit ni Calisha nang mailawan ang mukha ng kaibigan mula sa nahulog niyang cellphone.


"Sshh...tara, sumunod ka sa akin." ang pabulong na wika ni Maro sa kaibigan. Suot-suot nito ang hapit na hapit na kasuotang kulay itim na yari sa purong balat na animo'y kagagaling niya sa isang cosplay.


Nang masiguro ni Calisha na si Maro nga ang nasa harapan niya ay mahigpit niya itong niyakap, kasabay ng paghagulgol nito. Biglang nawala ang takot sa kanya at pakiramdam niya ay ligtas na siya sa piling ng kaibigan. Pero bakit naroon si Maro? Bakit hindi siya sinipot nito kanina pagkatapos ay nandito siya sa lugar na ito? Biglang kumawala sa pagkakayakap ni Calisha kay Maro nang mula sa labas ay biglang umalingawngaw ang sigaw ng isang babae. Nanlaki ang mga mata ni Calisha at naging alerto naman si Maro sa kanilang narinig.


"A-ano 'yon?" Ang tanong ni Calisha sa kaibigan na halos mapasigaw sa takot.


"Lish," ang tugon ni Maro sa kaibigan. "...kailangan na nating umalis nandiyan na sila." ang nagmamadaling sabi niya kay Calisha.


"Hindi ko maintindihan. Ano'ng nangyayari? Sinong sila?" ang naguguluhang tanong niya kay Maro.


"Hindi ngayon ang tamang oras para ipaliwanag ko sa'yo ang lahat. Kailangan muna nating makalayo rito. Mapanganib na madatnan tayo rito. Nasa kalakasan nila ngayon dahil sa pulang buwan." Ang mabilis na paliwanag ni Maro kay Calisha.

Iniabot ni Maro ang kamay niya sa kaibigan, ngunit tila nagdadalawang-isip pa si Calisha kung sasama siya sa kanya o hindi.


"Sino sila? At ano'ng kinalaman ng pulang buwan sa nangyayari? Please, kailangan ko ng kasagutan dahil muntikan na akong mapahamak ng dahil sa sinasabi mong sila." ang usisa niya kay Maro. Napailing na lamang si Maro sa kaibigan dahil hindi siya nito titigilan hangga't hindi nito sinasagot ang mga katanungan nito.


Bumuntong hininga si Maro at saka sinumulang nagpaliwanag kay Calisha. "Sila ang mga anak ng buwan. Mga alagad ng dilim. Nagmula sila sa mga Sangre na kilala bilang mga Bampira, mga nilalang na nabubuhay sa pag-inom ng dugo ng tao." Ang maikling tugon niya kay Calisha.

"Ba-bampira?" ang di makapaniwalang tugon nito sa kaibigan.

Tumango lamang si Maro sa di makapaniwalang tugon ng kaibigan. Napangiti naman si Calisha at biglang napalitan ang ngiti ng pagtangis. Hindi niya alam kung totoo nga bang nangyayari ito sa kanya o nananaginip lamang siya at kailangan lang niyang gumising na mula sa pagkakatulog.

"Ipaliliwanag ko sa'yo lahat mamaya at kailangan na nating tumakas hangga't may oras pa!"

Muli ay iniabot ni Maro ang kamay sa natulalang kaibigan. Hindi pa rin kasi makapaniwala si Calisha sa tinurang iyon ni Maro tungkol sa mga bampira.


"Lish, kung gusto mo pang mabuhay kailangan makalayo na tayo dito! Tara, sumama ka sa akin at kailangan na nating tumakas." ang malakas na sabi ni Maro sa kaibigan. Bakas sa mukha nito ang takot sa puwedeng mangyari sa pinakamamahal niyang kaibigan.

Ngunit bago pa man sila nakatakbo papalayo sa lugar na iyon ay biglang kumalabog ang bakal na pinto at tumilapon ito malapit sa kanila. Napasigaw ng malakas si Calisha sa pagkabigla at napayakap ng mahigpit kay Maro na nabigla rin sa nangyari. Isang matangkad na lalake ang iniluwa ng kadiliman mula sa nasirang pintuan. Nakakatakot ang mapupula at nanlilisik na mata nito at napakabangis ng kanyang maputlang mukha. Ang kanyang mapulang labi ay namamantsahan pa ng sariwang dugo mula sa taong kakabiktima pa lamang niya. Titig na titig siya kay Calisha at takam na takam na tila nakahain sa kanya ang napakasarap na pagkain. Ngunit nang makita niya si Maro ay parang nawala ang gutom nito at napalitan ng pagkadismaya.

ODESSA'S REDEMPTION: THE FALLEN WORLD (COMPLETE)(on editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon