Chapter 6: LAUREA

1.3K 55 14
                                    

Nagising si Randy sa ilalim ng isang napakalaking puno ng mangga na hitik na hitik sa naglalakihang mga bunga. Nananakit ang kanyang ulo at napansin niya na nakabenda na ito ng malinis na puting tela. Kaagad siyang tumayo at napahawak sa katawan ng puno nang makaramdam ng pagkahilo. Muli ay nakaramdam siya ng paka-uhaw at naalala ang malinis na ilog kung saan siya nawalan ng malay matapos siyang paghampasin ng sungkit ng isang matapang na babae.

Inihakbang ni Randy ang kanyang mga paa habang hawak-hawak ang nananakit niyang ulo. Nanginginig ang kanyang mga kalamnan sa paa habang dahan-dahang inihahakbang ang mga ito papunta sa ilog. Natigilan siya nang may biglang naalala sa lugar na iyon. Nagpalinga-linga muna siya at hinanap ng kanyang mga mata ang matapang na babae sa paligid. Nang masigurong wala ang babae ay nagpatuloy sa paglalakad papunta sa malinis na ilog para matikman muli ang malamig at masarap na tubig nito. Ayaw na rin niya ng gulo at ayaw rin ng away lalo na sa mga babae, kaya pagkainom niya ng tubig ay lilisanin na ang lugar na iyon.

Pagsuong sa ilog ay sinimulan niyang hinilamusan ang kanyang mukha para alisin ang mga natuyong dugo sa kanyang ulo. Gamit ang dalawang kamay ay sumalok siya ng tubig at saka uminom sa kanyang palad. Ninamnam niya ang sarap ng sariwa at malinis na tubig na malayang dumadalaoy sa mga naglalakihang mga buhay na bato. Nang mapawi ang pagka-uhaw ay tumindig si Randy at nilanghap ang sariwang hangin saka pinakinggan ang mga iba't ibang huni ng mga ibon sa paligid. Hindi siya makapaniwala na sa dami na ng mga nangyaring kababalaghan sa buhay niya ay narito at buhay pa rin siya, na labis niyang ipinagpapasalamat sa Diyos.

Umahon na sa ilog si Randy at sinimulan ang pagbagtas sa mapunong lugar upang lisanin na rin ito. Sa kanyang paglalakad ay natisod niya ang kanina'y kinakain niyang papaya at muling sumagi sa kanyang alaala ang matapang na babae. Tumigil sa paglalakad si Randy at saka iginala ang kanyang mga mata sa paligid na tila may hinahanap at hinihintay.

"Nasaan na kaya siya?" Ang tanong niya sa sarili.

Hindi niya maintindihan bakit iniisip pa rin niya ang babae, gayong muntikan na siyang mapatay nito. Biglang gumuhit ang ngiti sa kanyang mukha nang maalalang may magandang mukha ang matapang na babae na umatake sa kanya. Marahil, siya rin siguro ang nagligtas sa kanya sa pagkakalunod sa ilog ng mawalan siya ng malay. Hindi rin mawala sa kanyang isipan kung sakaling magkikita silang muli ng masungit na babae ay ano kaya ang gagawin niya? Natural, hindi na niya hahayaan na hampasin pa siya nito ng kahit na anong bagay pa na puwedeng makapanakit pa sa kanya. Sa ngayon kasi ay kailangan na niya munang makabalik sa Maynila para na rin makuha ang kanyang gamit at naipong pera sa tinutuluyan niyang kuwarto sa kanilang ahensya. Pagkatapos uuwi na rin sa probinsya niya sa Concepcion, Tarlac.

Natatakot na rin siyang abutin pa ng gabi sa gubat lalo na't wala siyang kaalam-alam sa lugar na kinaroroonan niya ngayon. Natatakot na rin siya sa pagkagat ng dilim dahil hindi na niya alam kung ano pang nilalang ng dilim ang puwede pa niyang makita at makasagupa lalu na sa kinaroroonan niya ngayon. Tila nagkaroon na ng matinding phobia si Randy kapag sumasasapit na ang paglubog ng araw, dahil na rin sa mga naranasan niyang mga kababalaghan nitong nakaraang mga araw. Dahil sa mga alalaaning iyon ay naisipan niyang bilisan na ang paglalakad para hindi na siya gabihin pa sa paghahanap ng daan palabas ng kagubatan. Kung hindi lang sana naging masungit at nananakit ang magandang babae na nakaharap niya ay baka naituro pa nito ang daan patungo sa bayan at nasa biyahe na sana ngayon pabalik ng Maynila.

Sa paglalakad ni Randy sa gilid ng ilog ay may namataan siyang taong naliligo. Mabilis na nagkubli sa mga makakapal na damo sa paligid ng ilog ang binata at doon tumambad sa kanya ang isang babaeng naliligo. Maganda ang hubog ng hubad na katawan ng babae na lalong nagpapatingkad sa kanya ang napakakinis nitong morenang kutis. Napanganga si Randy sa kagandahang kanyang nakikita sa nakatalikod na katawan ng babaeng naliligo. Hanggang bewang ang alon-along itim na buhok at kitang-kita ang matangos na ilong nito sa tuwing napapalingon ito sa kanyang tagiliran habang naglilinis ng kanyang katawan. Halos hindi humihinga si Randy sa panonood sa napakagandang babae na walang kamalay-malay habang naliligo sa ilog. Ngunit nang humarap na ang babae ay mas lalong namangha ang binata sa taglay na kagandahan ng mukha ng babae. Muntikan ng mapasigaw si Randy nang mapansin na ang babaeng naliligo sa ilog at ang matapang na babaeng umatake sa kanya ay iisa. Tinakpan ng binata ang bibig pero hindi pa rin niya inalis ang pagkakatitig sa babae.

ODESSA'S REDEMPTION: THE FALLEN WORLD (COMPLETE)(on editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon