Chapter 19: THE REUNION

829 39 5
                                    

"Maria Odessa, kapatid ko!" Ang malakas na sigaw ni Laurea at patakbong nilapitan si Sagaway habang dahan-dahang ibinababa si Odessa sa isang papag na gawa sa kawayan.

Hindi maikakaila ang takot sa mukha ni Laurea sa kalagayan ng kapatid. Pansamantalang nawala ang takot at pag-aalala nang makitang nagkakamalay na si Odessa. Pero bakas pa rin sa mukha ng dalaga ang hirap na dinanas niya sa kamay ni Impong Amasale. Kapansin-pansin pa rin ang mga bakas ng pagkalapnos sa balat ni Odessa kahit na tuluyan na itong naghilom.

"A-ate Laurea?" mahinang sambit ni Odessa sa kanyang kapatid at kaagad na niyakap si Laurea paglapit sa kanya. Parehong umiyak ang dalawa dahil na rin sa kaligayahan na buhay pa rin sila at muling nagkita.

"Natutuwa akong ligtas ka, mahal kong kapatid. Salamat sa Diyos at hindi niya hinayaang mapahamak ka sa kamay ng matandang aswang na dumagit sa'yo." ani Laurea na humihikbi sa pag-iyak. Pinupog niya ng halik si Odessa sa sobrang tuwa nito na nakaligtas ang kapatid sa kamatayan.

Mahina pa ang katawan ni Odessa, nararamdaman iyon ni Laurea. Napansin niya na unti-unti na ring nawawala ang mga bakas ng mga sugat sa mukha ng kapatid. Laking pasasalamat pa rin niya na buhay si Odessa at nailigtas siya ni Sagaway. Hinagod niya ang likuran ni Odessa katulad ng ginagawa niya noon para mapaamo ang galit sa puso nito. Inalis ni Laurea ang pagkakayakap sa kapatid at tumitig siya sa mahigit walong metrong taas na nilalang na nakatayo sa kanyang harapan. Ngumiti si Laurea kay Sagaway. Pagpapakita ng kanyang kasiyahan sa pagkakaligtas ng kapatid. Pagpapakita rin ito ng pagtanaw niya ng utang na loob sa nagawang kabutihan ng kanyang kaibigan. Sinuklian din iyon ng ngiti ni Sagaway. Nakatingin ito sa kanila at naaaninag sa kanyang mukha ang kasiyahan na naibalik niya ng ligtas si Odessa.

Iniyuko ni Laurea ang kanyang ulo at buong puso na nagpugay kay Sagaway.

"Maraming salamat, kaibigang Sagaway. Muli ay hindi mo binigo ang aking kahilingan." ang taos-pusong pasasalamat ni Laurea sa kaibigang Kapre.

Muli ay ngumiti ang kapre, saka iniyuko ang ulo at nagwikang: "Isang karangalan ang paglingkuran ka Reynang Sinukuan. Tulad ng sinabi ko sa'yo kahit buhay pa ang kapalit ibubuwis ko mapaglingkuran lamang kita pero ang pasasalamat na iyan ay hindi nauuko para sa akin." Ang pagpapakumbabang tugon ni Sagaway kay Laurea.

"Huh? Anong ibig mong sabihin Sagaway?" ang nagtatakang tanong ni Laurea sa tinuran ng Kapre.

Umupo si Sagaway sa tabi ni Odessa. Sumandal naman si Odessa kay Sagaway tulad ng ginagawa niya dati kapag bumibisita siya sa dampa ni Laurea.

"Si Alimog ang nagligtas kay Odessa."

"Alimog? Sino siy?" usisa ni Odessa kay Sagaway.

"Si Alimog ay isang Malakat mula sa kagubatan ng Purag. Nagkataon na natalo ko siya sa labanan at nabanggit ng tatlong beses ang kanyang pangalan kaya naging alipin ko siya." Ang paglalahad ni Sagaway.

"Isang Malakat? Napakatagal na panahon nang huli pa akong nakakita ng isang Malakat. Sana naisama mo siya para personal kaming magpapasalamat ni Odessa sa kanya." Ang tila nanghihinayang na sabi ni Laurea.

"Pinakawalan ko na siya," malungkot na tugon ni Sagaway. "Pinakawaan ko na siya kapalit ng pagliligtas niya sa'yo kaibigang Odessa. Malaya na siya."

Nakaramdam naman ng pagkalungkot ang magkapatid para kay Sagaway, pero masaya sila dahil isang nilalang na malakat ang nabigyan ng kalayaan mula sa kanilang pagkaalipin. Lalong tumaas ang respeto ng magkapatid sa ginawang pagsasakrapisyo ni Sagaway mailigtas lamang si Odessa sa kamatayan.

"Salamat, kaibigang Sagaway. Napakabuti mo." Ang pasasalamat ni Laurea.

"Maro!"

Isang sigaw ng babae ang pumukaw sa kanilang pansin.

ODESSA'S REDEMPTION: THE FALLEN WORLD (COMPLETE)(on editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon