Chapter 43: BLOODY NIGHT

620 33 4
                                    

Sa kadiliman ng gabi ay di alintana nina PO1 Perez at Queenie ang kasalukuyang nangyayari sa kanilang paligid. Naroroon sila sa may halamanan at kanilang ninanamnam ang kaligayahang dulot ng mga nakaw na sandali. Binata at wala pang responsibilidad sa ibang babae ang pulis, samantalang kalian lang nabyuda ang kasama nitong babae. Ilang oras pa lamang silang nagkakilala ay nagkayayaan na samantalahin ang pagkakataong maangkin ang isa't-isa. Nauna ng nagpaalam si Daisy sa kanila dahil na rin sa responsibilidad nito sa may-sakit na asawa.

Dahil sa may hitsura at guwapong-guwapo sa sarili ang binatang pulis, ay ginawa niya itong puhunan para makuha ang gusto sa mga babaeng nagkakandarapa sa kanya. Puhunan ni PO1 Perez ang hitsura at matatamis na pananalita kaya madalas ay madali niyang nabibilog ang pag-iisip ng mga babae. Kapag nakuha na ang gusto ay basta na lamang niya iiwan ang kawawang mga babae.

Maiinit ang bawat mga yapos sa isa't-isa nina Queenie at PO1 Perez sa ilalim ng mga mayayabong na halaman sa likurang bahagi ng center. Tuluyan na silang tinupok ng kanilang pagnanasa kaya wala silang pakialam sa mga nangyayari sa loob ng center.

Yumakap ng mahigpit si Queenie kay PO1 Perez pagkatapos ng kanilang maiinit na sandali. Unang kita pa lamang niya sa binatang pulis ay kaagad na nitong nakuha ang atensyon niya kaya nakahanda siyang paglingkuran ito kahit kamamatay pa lamang ng kanyang asawa.

"Yan ha, pag sinabi mo pang hindi kita mahal makakatikim ka na sa akin. Kahit pa ba nakisalo si Daisy sa atin ay pumayag na rin ako. Ganyan kita ka mahal." wika ni Queenie kay P01 Perez na nakatingin sa malayo.

Tumitig ang binatang pulis kay Queenie.

"Ganun ba yun? Kakakilala pa lang natin kahapon mahal na kaagad? Malay ko bang kaguwapuhan at katawan ko lang ang habol mo sa akin?" ang natatawang tugon ng pulis kay Queenie.

"Wow, sobrang guwapo mo naman yata at sobrang ganda ng katawan mo para ganyan na lamang ang lakas ng loob mong sabihin yan. Napakaswerte ko naman pala sa'yo." ang sarkastikong tugon ni Queenie na napaupo dahil sa narinig mula sa pulis.

"Talagang suwerte mo dahil marami ngang nagkakagustong magaganda sa akin at ikaw pa ang pinili ko. Pero...sa totoo lang gustong-gusto ko ang mga ginagawa mo sa akin. The best ka." Ang mayabang wika pa rin ni PO1 Perez saka bumangon mula sa pagkakahiga.

"Ang suwerte ko naman pala at ako pa napili mo. Hmp!" Tumalikod si Queenie sa binatang pulis at lumayo ng kaunti sa kanya. "Para mo na rin sinabing panget ako!" dagdag pa niya, saka tumayo mula sa kinauupuan at sabay na nilagay ang mga kamay sa magkabilang bewang.

Tumayo na ri si PO1 Perez at lumapit kay Queenie at dahan-dahan niyang pinadaan ang kamay sa hubad na katawan ng babaeng biyuda. "Hindi mo ba nagigets? Kaya nga ikaw ang pinili ko dahil maganda ka." Ang pabulong nitong sabi at saka dinilaan ang kahabaan ng tenga nito. Nakiliti si Queenie sa ginagawang iyon ng pulis. Umilag siya sa pagdila ni PO1 Perez sa kanyang tenga at itinulak ng kaunti ang pulis.

"Ano ba? Kakatapos lang natin ha?" ang wika nito na kilig na kilig sa ginawang iyon ng pulis.

"Hmm... Hindi ka kasi nakakasawa eh." Ang tugon ng lalaki sa kanya at niyakap siya ng mahigpit nito.

"Sige. Dahil napakaguwapo mo at talagang type na type kita pagbibigyan kita." ang kilig na kilig na tugon ni Queenie sa pulis.

Muling nagdikit ang kanilang mga labi at ninamnam ang init ng bawat isa. Halos matunaw sila sa kaligayahan ng humiwalay ang bibig ni PO1 Perez sa mga labi ni Queenie. Nangungusap ang mukha ni Queenie nang tumingin siya sa pulis.

"Iiihi lang ako sandali. Diyan ka lang." ang sabi ng pulis.

"Puwede ka naman umiihi dito." ang ngingiti-ngiting wika ni Queenie sa kanya.

ODESSA'S REDEMPTION: THE FALLEN WORLD (COMPLETE)(on editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon