"Bakit wala pa si Demetria?" Ang tanong ni Randy kay Odessa sabay subo sa saging na kinuha nila sa tabi ng sapa.
Maagang naglakbay ang dalawa para marating na nila ang lawa ng Pinatubo at makuha na ang nektar ng Myrho. Inaasahan ni Odessa na masusundan naman sila ni Demetria na nagpaalam sa kanila para ipagawa ang kasuotan na magagamit ni Randy.
"Ang paalam kasi niya kagabi ay bago magtanghali, makakasama na natin siya at konting tiis na lang magkakaroon ka na ng kasuotan. Magiging espesyal iyon dahil bibigyan ito ng mahika para hindi na tatablan pa ng apoy.
"Ha? Salamat naman at hindi na ako giginawin ng ganito." Ang tuwang-tuwang wika ni Randy. Pero ang tototo ay hindi siya komportable na nakahubad sa harapan ni Odessa,
Malamig pa rin ang paligid kaya halos manginig ang katawan ni Randy habang binabagtas ang masukal na kagubatan. Madalas ay ikinikiskis niya ang kanyang mga palad at saka hinihipan ang mga iyon para mainitan kahit paano ang nilalamig na mga kamay.
Ngumiti lang si Odessa sa naging tugon ni Randy at patakbong tinungo ang paanan ng bundok sa may Sapang Uak. Sumunod na ring tumakbo si Randy at halos malula siya sa napakataas na tila pader na nakaharang sa kanila. Tumingala si Randy at napalunok sa taas ng kanilang aakyatin. Tumingin si Odessa sa kanya at ngumiti na tila hinahamon niya si Randy sa pag-akyat.
"Aakyat ba tayo riyan?" tanong ni Randy habaang nakatingala sa tila pader sa taas na bahagi ng bundok na aakyatin.
"Oo. Yan lang ang puwede nating daanan papunta sa bunganga ng bulkan." ang tugon ni Odessa na hinahanda na ang sarili sa pag-akyat sa bundok.
"Nagbibiro ka di ba?"ang di makapaniwalang tanong ni Randy kay Odessa.
"Bakit ako magbibiro? Heto nga inihahanda ko na ang sarili ko sa pag-akyat. Ikaw, hand aka na ba?"
"Ganon ba?" Napalunok ang binata sa tanong ni Odessa. "Hindi ko alam, wala pa akong karanasan sa mga bundok eh, lalo na sa pag-akyat sa mga matatarik na bangin."
Muli ay tumingala si Randy para pagmasdan ang aakyating bangin ng tila pader sa paanan ng bundok paakyat sa bulkang pinatubo.
"Kaya mo 'yan mahal na Banaual." Natatawang biro ni Odessa habang tinititigan ang makakunot-noong si Randy.
"Banaual ka diyan." ang seryosong tugon niya. "Kung ako nga yung sinasabi ni Demetria na anak ni Bathala di sana may kapangyarihan din ako."
"Malay mo, baka late bloomer ka lang." Ang natatawang pa ring sagot ni Odessa. "Sige, pag di mo na kaya papasanin kita hanggang sa bunganga ng bulkan. At kung mahulog ka sa kalagitnaan sasaluin kita." Ang dagdag pa ni Odessa na binibiro ang kinakabahang kasintahan.
"Huh?! Eh bakit di mo pa ako pasanin para di na ako mahihirapan pa." Ang pabirong wika ni Randy at saka bigla itang natawa.
"Ganon? At ako ang pahihirapan mo?"
"Joke lang!" Sabay tawa. "Ikaw ha di ka na mabiro. Yun ay kung makakalusot din naman."
Ngumisi si Odessa na tila nang-iinsulto. Pero natawa rin siya nang maisip na bakit ba nasasabi niya ang mga ganoong salita kay Randy. Ang pag-aalala at pagbibigay malasakit nito sa kanya ay kailanman ay hindi pa nito ginawa sa iba. Ganon nga ba niya ka mahal si Randy?
"Okay lang naman na kargahin kita hanggang sa bunganga ng bulkan, kung kakayanin ng kunsensiya mo na pahirapan ang isang babaeng tulad ko, pagkatapos mong sabihan na mahal mo ako." Ang madramang tugon ni Odessa.
"Huh? Mahal naman talaga kita ha, saka Joke lang naman yun. Lambing ko lang sa'yo yun." Biglang bawi ni Randy sa kanyang mga sinabi sa babaeng kanyang minamahal.
BINABASA MO ANG
ODESSA'S REDEMPTION: THE FALLEN WORLD (COMPLETE)(on editing)
FantasyFILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 WINNER (Highest Rank #10 in Horror and #2 in heroes) (79 in Magic)(HORROR/FANTASY) A mysterious woman with no memories of her past. A woman who fought to seek for her revenge, bakit nga ba siya naghihiganti kung wa...