Hindi kalakasan ang ulan at nakasilip pa rin ang napakaliwanag na mukha ng buwan sa mga maiitim na ulap sa kalangitan. Naniniksik sa kanilang mga kalamnan ang lamig ng gabi at ang simoy ng hangin ay nagpapaalala sa kanila ang nalalapit na selebrasyon ng Pasko. Iilang araw na lang ay magpapasko na pero madalas pa rin ang mga pag-ulan na kadalasang wala na sa mga panahong iyon. Paskong tila hindi na muling mararamdaman pa pagkatapos ng mga pangyayari sa sangkatauhan.
Hawak-hawak ang kalibre 38 baril, marahang binuksan ni Caren ang bariles nito para kargahan muli ng mga bala na yari sa pilak. Hindi niya alintana ang patuloy na pagbuhos ng di-kalakasang ulan. Halos basa na ang kanyang pang-itaas na damit at nakaupo sa isang dating mataas na konkretong pader na nababalutan na ng mga natuyong lumot.
"Kailangan kong mahanap ang mga bata pati na si Alex. Sila na lamang ang pamilyang mayroon ako. Alam kong nandito lamang sila at naniniwala akong buhay pa sila." ang sabi ni Caren habang isa-isang ipinasok ang ang mga bala sa bariles ng gamit niyang baril.
Lumapit sa kanya ang isa sa mga tumulong at nagligtas sa kanya laban sa mga umatakeng mga taong-lobo. Maputi ito at may kalakihan ang kanyang katawan, matangos ang kanyang ilong at maganda ang hubog ng kanyang mukha. Katamtaman lamang ang kanyang taas at may pagkakulot ang kanyang buhok. Inalis niya ang telang tumatalukbong sa kanyang ulo at bumungad kay Caren ang nangungusap nitong mga mata.
"Lubhang mapanganib ang magpa-iwan dito miss. Kung nandito sila siguradong nilamon na sila ng mga taong-lobo." ang tugon nito kay Caren.
"Caren... SPO1 Caren Tejo." Ang pagpapakilala ni Caren sa lalaki. Tumayo ito at iniabot ang kanyang kamay.
Tumingin ang lalake sa iniabot na kamay ni Caren papunta sa mukha ng dalaga at saka siya ngumiti sa kanya.
"So..." Tumango-tango ito. "Now I know why you're very skillful with your gun. Pulis ka pala.
Tumaas ang kilay ni Caren sa naging pag-asta ng lalake sa kanyang harapan.
Presko.... Sabi ng isip niya.
"Yes I am. Is that a problem to you?" Ang tugon na tanong niya sa lalaki. Akala mo ikaw lang ang marunong mag-ingles ha. Hoy best in English yata ito noong nasa elementary ako. Ang bulong niya.
"No, no. It's not what I meant." Ngumiti an lalaki at lumabas sa kanyang mukha ang napakalalim na dimples sa magkabilang pisngi.
Hindi makatingin si Caren sa mga mata ng lalake. Sa tuwing napapatingin siya dito ay kaagad niyang iniiwas ang kanyang mga mata at pakiramdam niya ay gusto niyang lamunin na lamang ng lupa sa kaniyang kinauupuan. Napalunok si Caren nang umupo sa kanyang harapan ang lalaki at napasinghap pa siya nang malanghap niya ang hininga nito.
"Mexo." ang sabi ng lalaki at kinuha nito ang kamay ni Caren.
Lalong napalunok si Caren habang nakapako sa kanya ang mga mata ng lalaki. Napatayo si para umiwas sana at maalis sa kanya ang pagkakatitig ng preskong lalaki.
"Huh, o-okay. Caren. I am Caren, It's Caren. Caren ang pangalan ko." Ang nakangiting wika niya habang nakahawak pa rin sa kamay ng lalaki.
"Yah, I know you are Caren, makailang ulit mo na palang nasabi." Ang tugon ni Mexo at nakangiti rin siya kay Caren.
Binitawan nila ang kamay ng isa't-isa. Namula ang mukha ni Caren at naramdaman niya ang pag-init ng kanyang pisngi at dulo ng kanyang mga tenga.
"Ki-kilala mo 'ko?" ang biglang naitanong ni Caren kay Mexo.
"Actually, I don't know you. Kasasabi mo pa lang sa pangalan mo di ba? You said you are Caren and you kept on repeating it." Ang paliwanag ni Mexo sa kanya.
BINABASA MO ANG
ODESSA'S REDEMPTION: THE FALLEN WORLD (COMPLETE)(on editing)
FantasyFILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 WINNER (Highest Rank #10 in Horror and #2 in heroes) (79 in Magic)(HORROR/FANTASY) A mysterious woman with no memories of her past. A woman who fought to seek for her revenge, bakit nga ba siya naghihiganti kung wa...