MANILA, Present Day
Nakakatukso ang bawat indayog ng mga kababaihang sumasayaw sa saliw ng mapang-akit na tugtugin sa entablado. Mga naggagandahang katawan na gumigiling sa loob ng isang bar sa bahagi ng Ermita sa Maynila. Ang mga malalambot na balakang ng mga kababaihan sa entablado ay lalong nagpapadagdag sa init na nararamdaman ng mga parokyanong naroroon. Ang nakakasulasok na amoy ng naghahalong pabango, pawis, alak, at mapanghing palikuran ay lalong nagpadagdag sa pananakit ng ulo ni Mr. Rodolfo Lee. Isang mayaman at maimpluwensyang negosyanteng Intsik dito sa Pilipinas si Mr. Lee. Kaibigan siya ng president ng bansa kaya madalas kapag nasasabit sa mga kaso, laging nadadawit ang pangulo. Marami kasing mga bulung-bulungan na leader ng malaking sindikato ng droga sa bansa ang matandang negosyante. Nasali rin ang kanyang pangalan sa mga kidnaping ng mga mayayamang Intsik sa bansa. Maraming nalusutang malalaking kasong kinasangkutan si Mr. Lee. Pero lagging nakakalusot dahil na rin sa pagiging malapit nito sa president.
Nakaupo ang negosyanteng Intsik sa may gitnang harapan ng entablado habang minamasahe nang isa sa mga staff ng bar ang kanyang sintido. Nang makitang nagsilabasan na ang magaganda at nagseseksihang mananayaw ay biglang nawala ang sakit na nararamdaman. Halos lumuwa ang singkit na mga mata ni Mr. Lee at napapasayaw pa sa bawat indak ng mahaharot na tugtuging sinasayaw ng mga belias sa entablado.
Titig na titig ang matabang negosyante sa mga kababaihang maalindog na nagsasayaw. Kani-kaniyang pagpapakitang-gilas ang mga ito sa mga manonood na kostumer lalong-lalo na sa mayamang negosyanteng tulad ni Mr. Lee. Halos tumulo ang laway sa nakangangang bibig ng negosyante lalo na nang lumapit at mapanuksong umupo ang isang babaeng walang saplot sa kanyang kandungan. Dahan-dahang iginiling-giling ng babae ang kanyang balakang bago ito tumayo at itinapat ang dibdib sa mukha ng matabang negosyante. Napahawak si Mr. Lee sa kanyang harapan na nagpagising sa kamunduang naglalaro na rin sa kanyang isipan. Basang-basa na ng pawis ang suot na pink na polo na paboritong gamitin sa mga business meetings.
Iginala ni Mr. Lee ang kanyang mga mata para hanapin ang manager ng bar. Kanina lang ay nakita niya itong may kausap na ibang kostumer sa kanyang likuran. Matagal nang suki sa naturang bar si Mr. Lee. Kilalang galante sa mga babae ang negosyante kaya gayon na lamang sa pagkandarapa ang mga mananayaw kapag bumibisita siya rito. Ang ilan sa mga ito ay isinasama niya at nagiging karelasyon sa maikling panahon. Ang iba naman ay binibigyan ng malaking halaga kapalit ng lahat ng hihilingin nito sa babaeng nagustuhan niya. Walang problema ang pera sa matandang negosyante. Basta nasiyahan sa serbisyo, kahit magkano ibibigay niya.
Dalawa sa personal na body guard ni Mr. Lee ang nakatayo isang metro ang layo sa sa kanyang likuran. Tulad ng kanilang amo, kanina pa nag-iinit ang dalawa sa mga eksenang nagaganap sa loob ng bar. Kapwa armado sila ng baril, at hindi nawawala sa tabi ng negosyante para sa kaligtasan nito. Hindi kagandahan ang ugali ng negosyanteng Intsik sa mga empleyado nito at madalas hindi tao ang turing sa kanila. Hindi rin ito nagbibigay ng tamang pasahod at benepisyo sa mga manggagawa, kaya tambak ang kaso sa DOLE. Para sa dalawang body guard ni Mr. Lee ay kailangan na muna nilang magtiis dahil na rin sa hirap ng buhay at kawalan ng trabahong mapapasukan.
Sinenyasan ni Mr. Lee ang dalawang personal na body guard. Nagkatinginan ang dalawa at nagtuturuan kung sino sa kanila ang lalapit sa amo. Minabuti nilang mag-jack-and-poy para kung sino ang matalo ay siyang pupunta sa kanilang amo. Tatlong ulit na natalo ang mas bata sa dalawa na si Roberto Ramirez o Bert. Kaagad siyang lumapit sa kanyang amo at binulungan siya nito. Pagkatapos ay kaagad na umalis ang body guard na parang may hinahanap sa loob ng bar.
Muli ay ibinalik ni Mr. Lee ang atensiyon sa mga kababaihang nagsasayaw sa gitna ng entablado upang makapili na rin sa mga babaeng nagpapapansin sa kanya. Halos lahat sa mga kababaihan ay magaganda, bata, at mapang-akit ang mga galaw kaya't hindi nya alam kung sino ang pipiliin. Natuon ang pansin ni Mr. Lee sa isang babaeng kakaiba ang mga mapanuksong galaw at ang mga titig nito na parang tumatagos sa kanyang kaluluwa. Ang maganda at napaka-among mukha nito ay tila tumatatak sa kanyang isipan. Ang magandang hubog ng katawan ng babae ay lalong nagpapatakam sa kanyang pagkagutom sa makamundong pagnanasa. Sinundan niya ng tingin ang babaeng nagustuhan, na tumitig din sa kanya.
BINABASA MO ANG
ODESSA'S REDEMPTION: THE FALLEN WORLD (COMPLETE)(on editing)
FantasiFILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 WINNER (Highest Rank #10 in Horror and #2 in heroes) (79 in Magic)(HORROR/FANTASY) A mysterious woman with no memories of her past. A woman who fought to seek for her revenge, bakit nga ba siya naghihiganti kung wa...