Chapter 39: SARANGAY

699 39 2
                                    

Hindi makapaniwala si Odessa kung bakit nakita mismo ni Randy ang kanyang pangitain sa kanyang mga mata. Kitang-kita niya ang matinding takot sa binata habang nakaupo ito sa tabi niya.

"Anong ibig sabihin ng nakita ko?" Ang tanong niya kay Odessa.

"Hindi ko rin alam kung anong ibig sabihin nang nakita nating pangitain. Hindi ko makita ang mukha ng babae at ang sanggol na dinagit ng uwak. Hindi ko alam kung anong ibig sabihin nito. Kung buhay pa sana si Tandang Ursula, maipapaliwanag niya sa atin ang." paliwanag ni Odessa habang nakatingin sa napakaliwanag pa ring buwan sa kalangitan.

"Ano bang ginawa mo bakit pareho nating nakita iyon?" nag-aalalang tanong ni Randy sa kanya.

"Wala akong ginawa. Ngayon pa lang nangyari ito sa haba na ng panahong namalagi ako sa dito sa mundo." anang Odessa na hindi pa rin makapaniwalang nangyari iyon.

"Nakakatakot ang mga pangitain, parang...parang isang bangungot. Sana walang ibig sabihin 'yon." ang wika ng nababahala pa ring sabi ni Randy.

"Maaaring dumaloy ang aking kapangyarihan sa'yo kaya...kaya 'yon ang naging dahilan para makita mo ang pangitain ko." paliwanag ni Odessa. Tumayo siya at pilit na huwag na rin mabahala sa nangyari. "Bukas maaga tayong lalakad para kaagad na nating mahanap ang halamang Myrho. Magpahinga ka na para may sapat na lakas ka bukas dahil nasa kagubatan na tayo ni Apo Mayari." Dagdag pa ni Odessa.

"Apo Mayari?"

"Ang tagabantay ng bundok ng Pinatubo. Kinatatakutan ang kagubatang sakop niya dahil sa mga kakaiba at mababangis na mga nilalang."

"Anong klaseng nilalang?" tanong ni Randy na napalunok na rin dahil sa narinig mula kay Odessa.

Napatingin si Odessa sa kanya alam niyang may pagkaduwag si Randy sa mga nilalang ng dilim.

"Mga halimaw..." Ang sagot ni Odessa.

"Halimaw?"

Tumango lang si Odessa. "Wala kang dapat ikatakot dahil kasama mo ako. Kaya matulog ka na. Maaga pa ang alis natin bukas."

"Hindi. Ikaw ang dapat na magpahinga. Ako na muna ang magbabantay siyempre ako ang lalake kaya ako muna para kahit man lang ngayon magpapakagentleman ako sa'yo at makabawi sa mga naitulong mo na sa akin." Ang sabi ni Randy na nadismaya naman nang biglang tumawa ng napakalakas si Odessa.

"Sorry..." Ang tugon ni Odessa na pinipigilang huwag muling matawa.

Takang-taka naman si Randy bakit ganun na lamang ang naging reaksiyon ni Odessa sa sinabi niya. Pilit niyang inalala sa mga sinabi niya kung may nasabi ba siyang mali. "Ba-bakit?" Ang tanging naisambit niya habang nakatitig siya sa dalaga.

"W-wala. Huwag mo na lang akong pansinin." ang pigil pa rin sa pagtawa na si Odessa.

"Bakit kita hindi papansinin eh pinagtatawanan mo ako. Hayan o maluha-luha kana sa kakatawa." Ang sabi ng naguguluhang si Randy.

Patuloy pa rin sa pagtawa si Odessa. "O siya siya. Hindi kasi ako sanay na makita ka na nagiging gentleman sa akin. At saka yang style na yan kumita na marami na akong nakilalang lalakeng ang style katulad ng sa'yo." tugon ng pigil pa rin sa pagtawa ni Odessa.

"Grabe ka naman. Hindi naman ako ganon. Ang sinabi ko lang naman ay ako na ang magbabantay muna para makatulog ka na at makapagpahinga, bilang pasasalamat na rin sa ilang ulit na pagliligtas mo sa akin." ang paliwanag ni Randy na humaba na ang nguso sa tawa ng tawa na si Odessa.

"Okay sige, naiintindihan ko na di mo na kailangang magpaliwanag. Pumapanget na hitsura mo nawawala na ang kaguwapuhan mo."

"Ha? Nagagwapuhan ka sa akin?" ang napalakas na wika ni Randy na nagpaliwanag sa kanyang mukha.

ODESSA'S REDEMPTION: THE FALLEN WORLD (COMPLETE)(on editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon