Chapter 62: VILLA HERMANUEVO

766 30 27
                                    

Naging palagay na ang loob ng mga tao sa mga kasama ni Odessa. Malayang nakipaglaro ang mga bata kina Alimog at Sagaway. Samantalang ang mga tinedyer naman ay kay Randy sila nakipagkuwentuhan. Pansamantala ay nakalimutan nila ang napakasalimuot na napagdaanan nila noong mga nakaraang mga araw sa kamay ng mga anak ng buwan. Hindi matatawaran ang mga malulutong nilang halakhak habang ang iba'y pansamantalang nakalimutan ang mga bangungot na nangyari sa mga nakalipas na mga buwan.

Kausap nina Odessa at Demetria ang mga namumuno sa Santuaryo kasama sina Kapitan Ben, si Fr. Mexo at ang dalawang kasama niya, pati na rin si Caren. Marami silang napag-usapan tungkol sa mga paglusob ng mga anak ng buwan sa kanila. Nalaman din nila na ang paglusob ng mga kampon ng kadiliman ay nangyari rin sa iba't-ibang panig ng bansa. Maaring naisagawa rin ito sa iba't-ibang bansa ayon na rin sa mga narinig ni Demetria nang dumalo ito sa pagtigipon sa mansion.

"Makakatulong ako sa inyo Odessa sa pagtugis ninyo kay Claudius." ang sabi ni Fr. Mexo kay Odessa.

"Alam ko na malaki ang maitutulong mo sa amin father, pero mas kailangan ka nila dito sa Santuaryo, kayo nina Caren. Para sa mga taong umaasa sa inyo rito." ang tugon ni Odessa.

Nakaramdam ng pagkalungkot si Fr. Mexo sa di pagpayag ni Odessa na sumama siya sa kanila. Pero alam niya na tama si Odessa sa kanyang sinabi, mas kailangan siya ng mga tao sa Santuaryo. Hindi na siya nagsalita pa tungkol sa kagustuhan niyang sumama bagkus ay nakuntento na lamang siya na pagtuunan na lang ng pansin ang kaligtasan ng mga taong nasasakupan ng kanyang parokya.

Hindi naman maalis ni Caren ang kanyang tingin kay Alex na hinihilamusan ang katawan ng kanyang asawa. Alam niya sa kanyang sarili na natutuwa siya dahil nakita rin ni Alex ang kanyang hinahanap. Pero ang asawa lang niya ang kanyang nakita at hindi ang kanilang anak. Sabi ni Kapitan Ben, nasawi ang anak ni Alex nang papatakas si Isabel sa kanyang bahay habang umaatake ang mga taong-lobo sa barangay Mancatian kung saan siya nakatira. Nakaligtas si Isabel pero dahil sa nangyari sa kanyang anak ay nawala siya sa katinuan ng kanyang pag-iisip.

Awang-awa si Caren sa sinapit ng mag-ina ni Alex. Gusto niyang tulungan siya para maibsan ang nararamdamang sakit nito na dala-dala niya sa dibdib.

Ilang saglit lang ay narinig na lamang ni Caren ang pamamaalam nina Odessa kina Kapitan Ben at Fr. Mexo. Nalipat ang mga mata ni Caren kay Fr. Mexo na seryosong-seryoso ngayon sa mga bagong kakilala. Pero natutuwa rin siya na makakasama pa rin niya rito si Fr. Mexo. Kung hindi sana naging pari ang lalaki mas gugustuhin niyang kilalanin pa niya ito.

Inihatid nila sa labas ng Santuaryo sina Odessa na may ngiti sa kanilang mga labi. Ngayon ay masasabi nilang mayroon pa ring natitirang pag-asa para sa kanila na maibalik nila dati ang kanilang normal na pamumuhay. Pag-asa na malalampasan nila at maipanalo ang kanilang laban sa mga nilalang ng kadiliman.

Bago pa man sila tuluyang makaalis ay binasbasan sila ni Fr. Mexo para patnubayan sila ng Diyos sa kanilang pakikibaka sa mga alagad ng kadiliman at ang leader ng mga ito. Sa sandaling pananatili nila sa Santuaryo ay nakitaan ng mga ngiti sa mga mukha ng mga taong dati'y nawalan na ng pag-asa sa kanilang buhay.

"Naniniwala ako na mananaig pa rin ang kabutihan laban sa kasamaan at iyon ang inyong gagawin Odessa!" Ang pahabol na wika ni Kapitan Ben sa papaalis na sina Odessa.

"Gagawin po namin ang lahat para sa ikatatahimik na ng mga mundo ng mga tao at ng mga anak ng buwan kapitan!" Ang tugon ni Odessa at tuluyan ng bumalot ang bola ng kuryente sa kanilang dalawa ni Randy

Sa isang iglap ay unti-unting ng umangat ang sinasakyan nilang bola ng kuryente at tuluyan ng lumipad sa himpapawid. Nagpalit ng anyo si Demetria at sumabay na rin siya sa paglipad ni Alimog na nakasakay naman sa kanya ang Kapreng si Sagaway.

ODESSA'S REDEMPTION: THE FALLEN WORLD (COMPLETE)(on editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon