Chapter 59: THE ROAD TO REDEMPTION

649 23 7
                                    

Hawak-hawak ni Odessa ang maliit na bote na ibinigay sa kanya ni Demetria. Laman iyon ng iilang hibla ng kanyang alala. Marahan ay tinititigan niya ang mga ito at kinukumbinsi ang kanyang sarili na ibalik na ang mga ito sa kanyang isipan para maalala na niya ang tungkol sa kanyang pagkatao at nakaraan. Ikinuyom niya ang bote at saka pinaikot-ikot ito sa kanyang palad. Bumuntong hininga siya at tila nag-iipon ng tamang lakas ng loob para harapin kung ano ang kanyang nakaraan.

Halos mapalundag si Odessa sa kanyang kinatatayuan nang maramdaman ang mainit na kamay ni Randy sa kanyang balikat. Gumapang iyon sa kanyang braso at hinawakan nito ang kanyang kamay. Inilapit ni Randy ang kanyang mga labi sa kanyang kamay at marahang hinalikan iyon.

"Alam kong mahirap para sa'yo ang mga nangyari sa mga nagdaang mga araw. Alam kong may takot kang nararamdaman sa'yong dibdib at mga agam-agam." Tumingin si Randy sa mga mata ni Odessa at hinawakan nito ang magkabilang pisngi ng kanyang kasintahan. Idinikit niya ang kanyang noo sa noo ni Odessa at dahan-dahang nagdikit ang kanilang mga labi at ninamnam ang mga sandaling iyon. Pagkatapos ay hinawakan niya ang makinis na mukha ni Odessa. "...gusto ko lang sabihin na kahit ano pa ang mangyari ay hinding-hindi ako mawawala sa tabi mo. Hindi kita iiwan sa lahat ng laban mo. Hinding-hindi kailan man. Dahil ang laban mo laban ko na rin."

"Salamat... Salamat." Ang naging emosyonal na tugon ni Odessa sa mga sinabi sa kanya ni Randy na kanyang kasintahan.

Sa napakahabang panahon ay nag-iisa siyang lumalaban sa mga anak ng buwan. Nasanay siyang mag-isang lumalaban para mahanap niya ang kanyang pagkatao at nakaraan. Ngayon ay nasa palad na niya ang matagal ng gustong malaman tungkol sa kanyang nakaraan. Oo't may kapangyarihan siya at malakas pero hindi pa siya naging buo. Hindi buo ang kanyang pagkatao dahil hindi man lang niya nakilala ang kanyang mga tunay magulang.

Napansin niyang nabaling ang tingin ni Randy sa malayo. Tila malalim ang iniisip nito.

"Okay ka lang ba?" Ang tanong ni Odessa kay Randy, marahan ay hinawakan nito ang kanyang kamay.

Tumango ang binata at ngumiti sa kanya. "Oo okay lang ako. Mamaya ay lulusob na tayo sa mansyon ni Claudius para iligtas ang kapatid mo. Alam kong magtatagumpay tayo sa pakikipaglaban natin." Ang tugon nito sa kasintahan.

"Hindi pahihintulutan ni Bathala na magwagi ang mga kampon ng kadiliman mahal ko. Hindi niya pahihintulan iyon..." ang wika ni Odessa na yumakap kay sa kasintahan.

Sana nga ay hindi iyon pahihintulutan ni Bathala. Si Bathala na sinasabi nilang ama ni Banaual na sumasanib sa katawan ni Randy. Natatakot si Randy sa kahihinatnan ng kanilang paglusob kay Cladius. Natatakot siya hindi para sa sarili niya kundi ang kahihinatnan ng magiging labanan sa bawat panig. Oo't sumasanib sa kanya ang espiritu ni Banaual pero marami pa siyang hindi alam at hindi naiintindihan sa magiging papel niya sa buhay ni Odessa lalo na sa gagampanan niya sa nakagisnan niyang mundo, ang mundo ng mga tao.

Muli ay naging mapusok ang kanilang mga damdamin sa paghalik nila sa isa't-isa. Matagal ngunit punong-puno ng emosyon at pagmamahal. Pagmamahal na nagpalambot sa kanilang mga puso. Hindi namamalayan ni Randy na umiiyak na pala siya nang maghiwalay ang kanilang mga labi. Mabilis niyang itinago iyon kay Odessa pero alam niyang napansin iyon ng kanyang kasintahan.

"Huwag... hindi mo kailangang matakot mahal ko. Kung itinadhana tayo ni Bathala ang magkita at para magsama sa ganitong sitwasyon, hinding-hindi niya hahayaang may mangyaring masama sa'yo o sa akin. Nandito tayo para tuparin ang ating tadhana, ang ating misyon para sugpuin ang muling tangkang pag-agaw ng mga anak ng buwan sa daigdig na nilikha niya na kinabibilangan natin. Ang pagliligtas sa aking kapatid at ang tagapangalaga sa mundo ng mga mortal." ang sabi ni Odessa sa kasintahan upang palakasin ang loob ng bawat isa.

ODESSA'S REDEMPTION: THE FALLEN WORLD (COMPLETE)(on editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon