Chapter 2: THIRST

2K 83 33
                                    

Mainit-init ang tubig na lumalabas mula sa Jacuzzi na nagbibigay ginhawa sa pagod na katawan ng negosyanteng Intsik na si Mr. Rodolfo Lee. Ang makapal na usok mula sa tabako ay tila mga lason na ulap na bumalot sa loob ng VIP room. Abalang-abala naman ang dalawang babae sa kanilang ginagawa sa pagpapaligaya sa mayamang matabang Intsik.

"Ohh that's it baby, yeah baby, yeah!" Ang napapangiwi sa sarap na si Mr. Lee habang sarap na sarap sa ginagawang pagpapaligaya ni Trish sa kanya.

"Do you like it?" Ang mapanuksong tanong ni Trish habang tila nagdedeliryo sa sarap ang negosyanteng Intsik sa kanyang ginagawa.

"Yeah baby, you are super f*cking good." Ang nanggigigil na tugon ng negosyante na halos tumirik ang mga mata sa sarap na nararamdaman.

Maya-maya ay pumaimbabaw na si Trish sa negosyante. Parang isang hinete ng kabayo na nakikipagkarerahan ang babae saginagawang pag-indayog nito sa matabang negosyante. Sa bigat na dalawang-daan at limampu't-pitong kilo, ay hirap nang maglakad at hinihingal kaagad si Mr. Lee, kahit malapit lamang ang nilalakad. Makailang ulit na rin siyang nagkaroon ng mild stroke sa loob lamang ng isang taon. Kaya pinag-iingat na siya ng kanyang doctor na iwasan na ang labis na pagpapagod at kumain ng matatabang pagkain. Pero, matigas ang ulo ni Mr. Lee. Kung ano ang bawal, ito ang gustong-gusto niyang gawin. Sabi niya, maikli lang ang buhay ng tao. Kaya hangga't nabubuhay gawin na ang kailangang gawin, kainin na ang dapat na kainin. Hindi mo nga nga naman ito magagawa pa o matitikman kapag malamig na bangkay ka na.

Magkahalong sakit at sarap ang nararamdaman ni Mr. Lee. Sakit na hindi niya maipaliwanag at sarap na parang ayaw na niyang matapos pa. Pakiramdam niya ay parang idinuduyan siya sa kaligayahan na siguradong hahanap-hanapin na naman niya. Hanggang nakaramdaman siya ng biglang pagkahilo. Ang kanina'y magkahalong sakit at sarap ay puro sakit na lamang ang nangingibabaw sa kanyang nararamdaman. Napansin ding umiikot na ang paningin kaya't minabuti niyang umahon na muna mula sa Jacuzzi para makainom ng gamot at magpahinga. Laking takot niya nang hindi siya makatayo at maramdamang namamanhid ang dalawang paa. Sa sobrang laki ng tiyan ay hindi na niya makita ang mga namamanhid na paa.

Biglang nakaramdam ng sobrang pagod at pagka-antok si Mr. Lee na pilit na niyang nilalabanan. Nakakaramdam siya ng labis na panghihina sa kanyang katawan. Maya-maya ay nahihirapan na siyang huminga at nagsimula na ring mamanhid ang mga kalamnan sa buo niyang katawan. Biglang naglaro sa kanyang isipan ang takot na baka inaatake na siya sa puso gaya ng paalala ng doktor nang huling nagpakunsulta siya. Hindi nakinig si Mr. Lee sa payo ng kanyang doktor na magpahinga na muna sa trabaho, pero tulad ng dati ay binalewala lamang ito.

Pinilit niyang magsalita at igalaw ang kanyang ulo upang humingi ng tulong sa dalawang babaeng kasama niya sa silid. Tahimik sa loob ng silid at parang siya na lamang ang mag-isa ang naroroon. Naisip niya na baka umalis na ang dalawang babaeng kasama sa kuwarto. Ngunit wala siyang maalala na nakitang umalis ang dalawa. Sumagi rin sa isip niya na baka nakatulog siya at hindi na ginising ng dalawang babae sa kanilang pag-alis.Pero wala ding maalala si Mr. Lee na nakatulog habang pinapaligaya siya nina Trish at Chelsea. Kung nakatulog man ay gaano ba ang kanyang pagkaka-idlip para hindi mapansin ang pag-alis ng dalawang babae? Maaaring nasa loob pa rin ng kuwarto ang dalawa at nakatulog na rin sa sobrang pagod.

"Hung...huuuh.." Ang tanging lumalabas sa bibig ni Mr. Lee para makahingi sana ng tulong kung naroroon pa rin sa loob sina Trish at Chelsea. Biglang nakaramdam na naman ng matinding pagkapagod ang lalaking negosyante. Parang dinadaganan ang dibdib ng napakabigat na bagay na lalong nagpapahirap sa kanyang paghinga. Pilit na hinahabol ni Mr. Lee ang kanyang paghinga at nagsisimula na ring dumilim ang kanyang paningin. Pinipilit niyang tumayo mula sa Jacuzzi pero wala na siyang lakas para gawin tumayo. Napako ang paningin niya sa mapulang tubig sa Jacuzzi at nanlaki ang kanyang mga mata sa nakita. Ang pulang kulay ng tubig ay dugo, hindi siya puwedeng magkamali dahil amoy na amoy niya ito. Ang amoy ng dugo na nakasanayan na niya kapag may inililigpit siyang kaaway sa negosyo. Dugo na bumabalot ngayon sa kanyang katawan. Ngunit kaninong dugo?

ODESSA'S REDEMPTION: THE FALLEN WORLD (COMPLETE)(on editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon