Nakakapaso ang sikat ng araw pero nagsisimula na ring dumilim ang kalangitan dahil nagbabadya ang pangangalit ng panahon. Ang dating malilim na lugar na kung saan nababalutan ng napakaraming mga puno, ngayon ay mga tuhod na lamang ng mga natitirang bahagi ng mga puno at Pungkanto ang naroroon. Wala na ang mumunti pero napakagandang bahay ni Laurea. Ang dating lugar na punong-puno ng buhay ngayon ay tila kahit ano mang may buhay ay hindi na pipiliing pang mabuhay pa rito. Sa bahagi ng dati'y napakalinaw na tubig ng ilog ay nakatayo si Sagaway. Nakakuyom ang kanyang mga kamao at nasa harapan niya si Calisha na sinaniban ng matandang Bruha na dati na niyang nakalaban. Lubhang mapanganib ang matanda dahil sa napakalakas na kapangyarihan nito gamit ang itim na mahika.
"Impong Sendang?" ang namutawi sa mga labi ni Sagaway na hindi inaasahang dating kaaway na alam niyang namatay na pero nasa kanyang harapan ngayon at sinasaniban ang isang kaibigan.
Malulutong na halakhak ang pinakawalan ni Impong Sendang. "Kilala mo pa pala ako Sagaway! Hindi mo pa rin pala nakakalimutan ang aking boses"
"Paano ko makakalimutan ang isang mortal na kaaway? Paano ka nakaligtas sa mga galamay ni Octavia?" Ang nagtatakang tanong ni Sagaway sa espirito ng bruha na nakasanib kay Calisha.
"Masyado mo naman akong minamaliit sa aking kakayahan Sagaway. Hindi ko maaabot ang edad na ito kung isa lamang akong patpatin na mangkukulam." ang tugon ng matandang Bruha sa nanginginig nag alit na kapre.
"Kung totoong makapangyarihan ka, bakit mo ginagamit ang katawan ng isang walang malay na mortal? Iwan mo ang katawan ng babaeng iyan at muli ay maglalaban tayo tulad ng dati!" Ang hamon ng malaking kapre sa mangkukulam.
"Hindi ka pa rin nagbabago Sagaway! Mahina ka pa rin tulad ng dati. Ito nga ang mas maganda sa magiging labanan natin, ang buhay ni Laurea o ang buhay ng babaeng ito." Ang wika ni Impong Sendang kasabay pa rin ng mga malulutong nitong mga halakhak.
Mula sa isang nabuong lagusan ay nagsilabasan ang limang Sarangay. Tatlo sa mga ito ay nilapitan ang wala pa ring malay na si Laurea. Halos umusok ang ilong ni Sagaway sa galit nang makitang akmang tatangayin ng mga nilalang ang diwata. Patakbong pinuntahan ni Sagaway si Laurea, ngunit isa sa mga Sagaway ang bumundol sa kanya. Tumilapon si Sagaway ng mahigit sa limang metro sa mga nangaputol na mga katawan ng mga pungkanto. Mabilis na tumayo si Sagaway. Kitang-kita niya kung paano binuhat ng isang sarangay ang katawan ni Laurea. Perohindi niya hahayaang makukuha nila si Laurea kahit buhay pa niya ang kapalit.
"Paano na niyan Sagaway? Hinihintay na si Mariang Sinukuan ng aming panginoon. Huwag kang mag-alala iiwan ko rin para sa'yo ang dalawa sa mga kaibigan kong Sarangay para aliwin ka!" ang sarkastikong wika ni Impong Sendang na nasa katawan ni Calisha.
May kung anong batong itim itong ipinukol si Calisha sa kanyang harapan at biglang lumabas ang maitim na usok na sumaklob sa kanyang katawan nito. Biglang bumagsak ang walang malay na katawan ni Calisha sa maputik na lupa. Mabilis na tumakas ang itim na usok kasama ang tatlong Sarangay. Isa sa kanila ang buhat-buhat si Laurea. Mabilis na pumasok ang mga ito sa lagusan kung saan rin sila iniluwa nito.
Walang nagawa si Sagaway na mailigtas pa si Laurea. Dahil kasalukuyan siyang nakikipagbuno sa dalawang natitirang Sarangay. Halos kasing-tangkad niya ang mga Sarangay pero mas higit ang laki ng mga katawan ng mga ito. Mas mabibilis at malalakas ang mga Sarangay kumpara sa kanya. Bihasa sa mga sandata ang mga Sarangay, ngunit, tanging malalaking mga parte ng kahoy ang tanging alam gamitin ni Sagaway bilang sandata. Kahinaan ng mga kapreng tulad niya ang ano man klaseng metal. Puwede niyang ikamatay ang labis na pagdantay ng mga metal sa kaniyang katawan. Alam ni Sagaway na wala siyang panama sa mga naglalakihang mga Sarangay na bihasa sa pakikidigma. Pero hinding-hindi siya magpapatalo alang-alang kay Laurea.
BINABASA MO ANG
ODESSA'S REDEMPTION: THE FALLEN WORLD (COMPLETE)(on editing)
FantasyFILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 WINNER (Highest Rank #10 in Horror and #2 in heroes) (79 in Magic)(HORROR/FANTASY) A mysterious woman with no memories of her past. A woman who fought to seek for her revenge, bakit nga ba siya naghihiganti kung wa...