"Mas ligtas kayo dito mga bata kaya walang dahilan para matakot kayo." sabi ni SPO1 Caren Tejo habang nilalagay niya sa upuan ang bag na naglalaman ng mga gamit ni Jhayvee. "Huy ang cute cute naman ng batang ito!" dagdag pa niya habang pinisil-pisil nito ang makinis na pisngi ng bata.
Nakatingin lang si Caren sa bata na nakakunot ang mga kilay nito't maluha-luhan pa, habang nakatitig sa kanya si Jhayvee. Nagkasya na lamang na nakatingin sa kanilang kapatid sina Adrian at Margaux. Napakadungis ng kanilang mga mukha at namumugto ang mga mata sa kakaiyak kaya kumuha ng maligamgam na tubig si Caren at hinilamusan sina Margaux at Jhayvee. Ilang saglit pa ay natapos na si Caren sa paghilamos sa dalawang magkapatid at inalalayan naman ng isa pa sa mga pulis si Margaux para makaupo sa upuan.
"Lagazon, ayusin mo muna ang lounge room natin at doon muna pansamantalang matutulog ang mga bata. Tejo iinit mo muna yung tirang pagkain para makakain din ang mga bata bago sila matulog." utos ni PO2 Rodriguez sa dalawang kasama.
"Yes, sir!" Ang sabay na sagot ng dalawa.
Kaagad na pumasok sa lounge room si PO1 Rodelio Lagazon para ihanda ang matutulugan ng mga bata. Akmang kikilos na sana si SPO1 Tejo nang mapansin niya ang dumudugong sugat ni Adrian at ang namamagang kanang paa ni Margaux.
"Sir, gagamutin ko po muna ang mga sugat ng dalawang bata." ang nag-aalalang si Caren sa kalagayan ng mga magkakapatid.
"Sige ako na diyan para ipaghanda mo na sila ng makakain." tugon ni SPO2 Mark Rodriguez. Kinuha niya si Jhayvee kay Caren at nagpunta sa loob ng opisina ng kanilang hepe para kunin ang First Aid kit.
"Hindi pa po kami nagugutom." Ang saa sabi ni Adrian kay PO2 Rodriguez. "Kakakain lang po namin sa restaurant ng biglang nagkagulo roon."
Lumabas sa pinaka kusina si Caren at tinignan si Adrian.
"Mabuti na rin yung makakakain kayo uli. Lalo na mukhang napagod din kayo sa kakatakbo para makatakas sa mga aswang kanina." sabad ni Caren kay Adrian. "Ate Caren na lang itawag mo sa akin ha? Ikaw ano pangalan mo at mga kapatid mo?"
"Adrian po pangalan ko, heto naman po si Margaux," sabay turo sa inaantok na si Margaux."at si Jhayvee po ang bunso namin." ang mabilis na tugon ni Adrian sa babaeng pulis.
"Ha okay. Ang mga magulang niyo pala nasaan sila?" Ang muling usisa ni Caren.
Napatingin sa sahig si Adrian. "W-wala na po sila. Parehong tinangay ng lumilipad na aswang." Ang maluha-luhang sagot ni Adrian.
Parang nakaramdam ng panghihina si Caren pagkarinig kay Adrian. Hindi siya makahanap ng tamang salita na sasabihin sa binatilyo. "Pa...pasensiya na. Anyway hindi namin kayo pababayaan dito. Tatlo kami magbabantay sa inyo kaya walang dahilan para matakot."
"S-salamat po." Ang tanging tugon ni Adrian. Iginala niya ang kanyang paningin sa loob ng presinto. Tahimik ang paligid maliban lamang sa boses ng apat na lalakeng nakakulong sa kanang bahagi ng gusaali.
"Bata!" tawag ng isa sa mga nakakulong.
Napatingin si Adrian sa lalaki na nakatayo sa harapan ng rehas. Pagkakita sa balbas-saradong bilanggo ay tila nakaramdam siya ng kaba kaya mabilis niyang inalis ang tingin niya rito.
"Psst! Bata!" Muli ang tawag ng lalaking bilanggo sa kanya.
"A-ano po iyon?" tanong ni Adrian sa bilanggo.
"Halika lapit ka rito dali..." utos nito sa bata.
"Ayoko po!" ang kinakabahang tugon ni Adrian sa lalaki.
"Lapit ka dito sabi eh..." ang pigil na pasigaw ng nanggigigil na bilanggong lalake sa kanya.
"Kapag hindi ka lumapit dito-"
BINABASA MO ANG
ODESSA'S REDEMPTION: THE FALLEN WORLD (COMPLETE)(on editing)
FantasyFILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 WINNER (Highest Rank #10 in Horror and #2 in heroes) (79 in Magic)(HORROR/FANTASY) A mysterious woman with no memories of her past. A woman who fought to seek for her revenge, bakit nga ba siya naghihiganti kung wa...