"Jojooooooo!!!!......
Abot hanggang dulo ng impyerno ang bunganga ni aling Panyang sa lakas ng boses na umabot sa utak nya.
"Eto naaaaaaaaaaahh!!!
nanay naman.
Kamot kamot ang ulong bumaba galing sanin ng bahay nilang barong barong si Jojo,pupungas pungas at nagkukusot pa ng mata.
Kahit maikli ang buhok ay nagkakamot siya sa sobrang yamot ng maistorbo sa pag tulog.
Nakita niya ang kanyang nanay na may hawak na siyanse habang nakapameywang na nagtatatalak ng umagang iyon."Oyyy mahal na Prinsipe abay tanghali na ah?! hindi kaba lalabas ngayon?"
"Lalabas po mahal na reyna!abay ano naman po ang kakainin ng dalawa kong prinsesang mahal at ang ina kong reyna ng binguhan.kung hindi lalabas ang pogi nilang kuya't mapagmahal na anak."
"Asus asus! abay bilisan at kumain kana baka masalisihan ka nanaman sa pamamasada."
"Ok na yun nay.Kinausap ko na si bossing na 'wag ng ipapalabas ang tricycle sa iba dahil araw araw nako'ng mamasada.
Abay,highschool na ata ang mga prinsesa ko."Sabay halik sa dalawa nyang dalagitang mga kapatid.
bigla naman nalungkot ang kanyang ina pag tingin niya rito."Kung nabubuhay lamang sana ang tatay ninyo.
Disin sanay may katuwang tayo sa pagtatrabaho."
Malungkot ang mukha nitong biglang natigilan."E ikaw kasi nay eh,kung hindi ka sana sumuway nuon ke lolo at kung nagpakasal ka sa mayamang pinili niya para sayo, e di mayaman po sana tayo ngayon?"
Sabi naman ng kapatid niyang si Jinky habang nagsusuklay.
"Oy,oy,oy" Jinky! tumigil ka at hindi mo alam ang sinasabi mo ha! Eh kung sa iba ko pumatol e hindi ko rin sana kayo naging anak?! at isa pa, ang tatay nyo ang una't huling lalaking minahal ko!".
"Uyyyy si nanay!!!
sabi nya."Hehhhh!tumigil nga kayo!Hindi ba itay?pinatawad n'yo nako no?saka matagal nayon."
Sabay haplos nito sa lumang picture ng lolo niyang sundalo nuong unang panahon.
"Isa pa nay, bakit ba idinidisplay nyo pa diyan ang mga pictures ni lolo?
E halos madidilim na yang mga iyan ah? Kinikilabutan tuloy ako pag nakikita ko yan."
Aniya sa inang hinahaplos haplos ang mga larawan."He!Tumigil ka josa!
"Inay naman. Jojo ho jojo!"
"Itong batang ito saan ba ko nagkulang at naging abnormal ka?"
"Inayyyy!"
"O sya sya.Nasaan na nga pala yung sing-sing na naman na ipinasusuot ko sayo
itinago mo nana man?diba sabi ko sa iyo ay palagi mo 'yong isusuot at malaki raw ang maitutulong sa atin noon sabi ng lolo mo!.""Alin nay?? hanggang ngayon ba ay naniniwala pa kayo sa bilin na yan ni lolo? abay, baka sinuot pa ng matronang hapon sa kabaret yan nung unang panahon tapos ipapasuot nyo sakin? ang baduy ah!"
Uum".......
"aray"!!!Batok sa kanya ng nanay niya.
"Tumigil ka nga!basta isuot mo palagi at wala namang mawawala.""Ang cheap ni lolo ah! magbibigay na lang ng alahas hindi pa ginto!."
sabad ng isa niyang kapatid."Oo nga nay".
Singit niya."Ah hindeh!basta !isuot! at higit sa lahat isuot!"
"O sya,sya .Isinuot!"
Sabay dukot sa bulsa niya at isinuot ang singsing na yari yata sa stainless na may nakaukit na mga letrang hindi niya maintindihan.Maige nalang at hindi dyahe sa get up nya dahil pabilog lamang ito at walang bato.Kung may bato?nungkang isuot nya ito.Pagkatapos magbihis ng pantalong kupas at butas butas sa bandang tuhod,Ang abuhin niyang t-shirt na tinernuhan niya ng walang kamatayan niyang converse shoes na kulay putim dahil nanlilimahid sa grasa ng motor na galing pa sa ukay ukay na nabili niya sa naipon nyang pera sa loob ng isang taon,sa halagang 2hundred.
Nagwisik sya ng paborito nyang pabango.Ang suisse na kulay asul.
Ito ang pinagkakagastusan niya buwan buwan.Ipinagtatabi niya ito para sa mga chicks nya.Alam mo naman ang mga hitad. Gusto yung lagi kang mabango.At lumabas na siya para pumasada.
Gaya ng dati lahat ng chicks na magdaan ay napapalingon sa kanya.Kung pagbabasihan kasi ang kanyang hitsura ay mukha talaga siyang lalaki.Nagpapasalamat siya sa binder na pinasadya niya pa sa kilalang mananahi sa kanilang eskenita.Wala naman siyang masyadong ginasta.Basta ang ginamit niya lang ay ang mga pinaghihihingi niyang pinaglumaan ng mga nagbabasket ball na ginagamit ng mga itong pangbalot sa mga naipitang ugat na siya niyang pinapaduktong duktong sa mananahi upang pigilin ang kanyang dibdib.
Matangkad din naman siya at mestiso.Medyo chinito siya at palibhasa'y balbon kaya para siyang laging nagbibinata sa bigote niya.Pinagaahit niya rin ang mga balahibo sa kamay at paa upang medyo kumapal ito.Kung ikukumpara siya sa artista hindi siya pahuhuli kay Richard Gutierrez.Maganda naman kasi ang kanyang ina talaga.Namana naman niya ang kanyang kulay sa yumaong ama.Ayon sa kwento mayroon daw silang dugong banyaga.Yun lamang sila ay napalinya sa mga dayukdok.Sa mga apat na kahig dalawang tuka.Ewan kung bakit sa ganito nauwi ang kanilang buhay hindi na niya alam ang buong kwento ng kanilang angkan.
Kung ang tungkol naman sa sinasabi ng kanyang ina na may makakatulong sa kanila pagdating ng panahon ay hindi na niya inaasahan.Bakit?E panahon pa ng hapon iyon eh.Malay ba niya kung may pakielam pa sa kanila yung mga iyon.Baka tulad ng kanyang lolo ay matagal ng tigbak ang mga iyon!.Ewan ba niya sa kanyang ina,hindi parin patay ang pag asa nito na balang araw ay darating pa ang inaasahan nito.
Basta siya?kung makakaangat lang sila at makakakain ng tatlong beses isang araw ay ayos na sa kanya.Marami kasing nagsasabi na kapag daw marami ka nang pera ay nagiiba naraw ang ugali.Mas mabuti raw na mayroon tayong kakuntentuhan.Kayang kaya niya namang maitaguyod ang kanyang dalawang kapatid.
Handa naman siyang marungisan at mapagod alang alang sa kanyang mahal na pamilya.Kung bibigyan lang siya ng pagkakataon kahit ano pa ito para lang sa kanyang pamilya ay handa siyang magsakripisyo.Ilang beses narin kasi siyang sumubok sa lotto pero walang nangyari.Bigla siyang napatingin sa singsing na suot.
Ano nga kaya ang drama mo sa buhay ko?totoo nga kaya na balang araw daw ay makakatulong ka samin?hump!Baka naman pinagloloko mo kami?Mabuti sana kung naging lampara kanalang o di kaya carpet,baka sakaling maniwala pa ako sa iyo! Isa pa sa pagkakatanda ko,ay wala namang naging palabas sa tv na may yumaman ng dahil lamang sa singsing na wala namang halaga.Ay nako!...
BINABASA MO ANG
CINDERELL'O'?
RomanceSi Josa alyas(Jojo)ay pusong lalake. Kung kelan nya ito naramdaman ay hindi niya alam.Ipinanganak syang mahirap. Nanay nya na lamang at ang dalawa nyang kapatid na babae ang kasama nya sa buhay. Siya ang pinaka panganay sa magkakapatid.Pag ta tricy...