Ilang araw matapos ng insidente ay hindi na siya kinausap ng lalaki,kibuin dili siya nito at laging umaalis.Hangang sa natapos nalamang ang kanilang bakasyon ng ganoong sitwasyon.Aminin man niya't sa hindi ay may nakakapa siyang lungkot sa dibdib.
Mabigat ang kanyang kalooban lalo na't hinayaan siyang umuwi nito ng nag iisa.Hindi niya maipaliwanag ang kanyang nadarama.
May nakakapa siyang kahungkagan sa kanyang sarili.
Bakit ako nagkakaganito?Bakit ako nakakaramdam ng ganito?'Ah,siguro'y gutom lang siya.Kaya?Ipinilig pilig niya ang ulo.Hindi niya gusto ang nangyayaring ito.May nakakapa siyang takot sa sarili.Kung para saan,hindi niya alam.Ilang pagkakataon narin siyang tinatanong ang sarili kung ano ang nangyayari sa kanya nitong mga nakaraang araw ngunit wala parin siyang mahanap na kasagutan sa mga tanong niya.Ilang oras pa ay nakalapag na ang eroplanong kanyang sinasakyan.Mabuti naman at nakalapag na.Kanina pa kasi umaangat ng pwet niya sa nerbiyos dahil una,noon lang siya nakasakay ng eroplano sa tanang buhay niya.Akalain ba niyang darating pa ang ganitong pagkakataon sa kanya?Mas kapanipaniwala pa kasi kung magtatrabaho siya sa ibang bansa kaya makakasakay sa isang ganitong sasakyan.E hindi e,namasyal siya,namamasyal!Imagine?zozyahll!!
Habang nasa daan sakay ng sasakyang sumundo sa kanya mula airport sa utos narin ng matandang abuelo,ay nagpasya na siyang dumeretso sa bahay nilang mag asawa.
Mabigat ang kanyang pakiramdam.Siguro'y dahil narin sa biyahe.Dumeretso na siya sa higaan kahit hindi pa siya bihis.Damang dama niya ang bigat ng katawan.Medyo hilo din siya.Ito yata ang tinatawag na jetlag.Dalawang araw mula noon ay nagpatuloy siya sa pag pasok,at pagdalaw sa kanyang ina at kapatid.Napansin din ng mga ito ang kawalan niya ng gana at sigla,kahit naroon pa si Yvette na pilit siyang pinapasaya.
"Ano ba talaga ang problema anak?tila nasa malayo ang isip mo ngayon ah?Aba'y sa akin nalang nag paalam si Yvette ah!ni hindi mo man lang nagawang ihatid.Bakit ba anak?".
Ang nag aalalang boses ng kanyang ina."Wala po inay,siguro'y dala lang ito ng pagod galing sa bakasyon."
Sa kanyang mahinang boses."Isa pa yan,ni hindi ka man lamang nagkwento tungkol sa naging bakasyon niyo ng asawa mo."Nagtataka siyang tinignan ng kanyang ina.
Napasulyap naman kagad siya sa kanyang ina na agad namang tinuptop ang bibig.
"Ehe',,ang ibig kong sabihin e yung bakasyon ninyo ni Charles."
Pagbabawi nito sa sinabi."Wala namang ibang nangyari inay."
Walang gana niyang sagot dito."Ay di yung kung ano ang mga nakita mo roon!maganda ba ro'n talaga?Sobrang lamig ba roon?Ang sabi kasi ni mareng Saleng,ay--"
Napahinto ito ng pagsasalita ng makitang nakatulala parin siya sa kawalan.
Tinapik tapik siya nito sa balikat."O siya,maiwan na muna kita at kung handa ka ng magkwento ay magsabi ka at handa akong makinig."
Tumango lamang siya at naulinigan niya pang nagbubulungan ang kanyang mga kapatid mula sa salas.Pinanlakihan ng mata ang mga ito ng kanyang ina at nagkaisang manahimik nalang.
Maya maya'y nagpaalam na rin siya sa mga ito.
Dahil gabi narin ay ginamit niya ang kanyang motor pauwi sa bahay.Masyado na yata niyang namimiss ang kanyang asawa.Mula kasi ng nagbakasyon sila ay hindi man lang sila nagkasama nito.Pag apak na pag apak palang nila sa lupa roon ay magkaakbay na ang dalawang nilalang na para bang wala man lang kasama ang mga ito.Bahala siya sa buhay niya na namasyal mag isa kasama ang sariling tour guide.Minsan ay gumagamit pa siya ng mapa.Hindi niya nagawang maging masaya o ma appreciate man lang ang mga magagandang bagay at lugar na nakita niya roon.Ni wala nga siyang natandaan kahit na ano.Paano ba'y lumilipad ang kanyang isip.Hindi maunawaan ang sarili kung bakit siya nalulungkot gayong isa itong napakagandang panaginip na nangyari sa buhay niya.Puro pictures ang naipon niya.Nakakahiyang ipakita sa iba dahil kitang kitang nag iisa siya.Mukha siyang kawawa.Para siyang batang matapos dalhin sa pasyalan ay sukat iniwan nalang doon.
Mahaba na ang itinakbo ng utak niya gaya ng haba ng biyahe niya.Hinang hina siya.Ngayon lang siya nakaramdam ng pagod sa pagmomotor na hindi naman niya naramdaman noon.Bigla siyang nabuhayan ng loob ng makita niyang naroon na ang sasakyang isa sa pinakapaborito ng kanyang asawa.Napalitan ng tuwa ang kanina pa niya nararamdamang paninindim.
Dali dali siyang pumasok pagkaparada ng kanyang motorsiklo.
Sinuklay suklay pa niya ang buhok na medyo humaba na at tumapat sa side mirror ng motor upang manalamin.Nakahanda na ang kanyang ngiti at mauuna na sana niyang batiin ang lalaki,ng biglang maglaho ang kasiyahang kanyang naramdaman ng makita niya si Cassie at ang lalaki na naghahalikan sa sala.Para siyang natuklaw ng ahas sa nasaksihan.Nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib at pagbara ng kung ano sa lalamunan.Hindi siya kaagad nakakilos.At ano naman ang gagawin niya?Ano ang sasabihin niya?Basta ang tanging nadarama niya ngayon ay para siyang nahihirapang huminga.
Tumigil ang mga ito sa ginagawa ng maramdamang may tao.
''Jo'nandiyan kana pala!"
Nag aatubiling boses ng lalaki na habang sinasabi 'yon ay nakatingin sa babaeng katabi."Is it ok with you Jojo if I spend my night here?"
Si Cassie na may kasamang pakikiusap ang tinig."Oo naman,yun lang pala eh!"Ngunit sa tono ng boses niya'y para siyang nakalunok ng holen sa pagkakaipit ng kanyang boses.
Ngumiti ang babae sa kanya."Ah!oo nga pala Jo'magluto ka nga pala ng kakainin namin.Hindi pa kasi kumain tinamad kami dahil sa lakas ng ulan."Pagsasaboy pa ng asin sa kumikirot niyang sugat na sabing pahabol ng lalaki.
Tuluyan na siyang pumanhik sa itaas ng may mabibigat na paa.Para siyang may bolang bakal na nakakabit sa paa habang humahakbang papunta sa kwarto matapos magluto.Inihiga niya ang nanlalambot na katawan sa kama.Pinalaya niya ang mga luhang kanina pa niya pinipigilang pumatak.
Nag uunahan at tila kasing lakas ng ulan sa labas ang mga luha niyang di maampat sa pag agos.
Iyak siya ng iyak.Parang tinaga ang kanyang dibdib ng mga kutsilyo,palakol,lagare,piko,sinabuyan ng katakot takot na pako at maraming sili.
Shit!ang sakit!Bakit ganito?Ano to?Anong katangahan itong nararamdaman niya?Gago ba siya?Bakit sa isang katulad pa ng walanghiyang iyon?Marami siyang babae,marami ang nagkakagusto sa kanya ngunit ano 'to?
Baka tamaan siya ng kidlat sa ginagawa niya.
Kaya pala,kaya pala ilang araw na niyang gustong laging nakikita ang lalaki.Kaya pala badtrip na siya sa biyahe palang!Dahil nagseselos siya!Oo nagseselos siya at hindi niya iyon kayang pigilan.Nag umpisa na!Nag umpisa na siyang maging" baboy" Baboy na gustong pumatol sa isang "Aso"Asong maraming kalkal,maraming galis.
"NAKAKADIRI"May napatunayan siya sa sarili.
Babae siya!
Babae pala siya!
At iniibig niya si Charles..
BINABASA MO ANG
CINDERELL'O'?
RomanceSi Josa alyas(Jojo)ay pusong lalake. Kung kelan nya ito naramdaman ay hindi niya alam.Ipinanganak syang mahirap. Nanay nya na lamang at ang dalawa nyang kapatid na babae ang kasama nya sa buhay. Siya ang pinaka panganay sa magkakapatid.Pag ta tricy...