35:THANK YOU!

1K 41 6
                                    

Hindi niya malaman ang uunahing gawin ng umagang 'yon ng alas syete.Nakita niyang himbing pang natutulog ang anak sa kanyang tabi.Ganito ba ang kapalit ng kanyang kasiyahan kagabi?Kailangan kailangan pa naman siya ngayon sa opisina.Marami siyang nakatenggang trabaho,mataas na kasi ang demand ng mga parts at sasakyan sa kanila abroad.Sumasakit ang ulo niya.

Pagbaba niya saktong nakaupo sa sofa ang mag anak,parang kanina pa ang mga ito nag uusap palagay niya'y nahuli na siya.Kung dangat naman kasi'y halos umaga na siya bago dinalaw ng antok.
Lahat ng mga ito'y nakatingin sa dako niya.

"Gising kana pala iha,kumain kana muna."
Ang mommy Casandra.

"Mamaya napo my'busog pa naman po ako."
Dahan dahan siyang lumapit sa mga ito.

Tumikhim muna ang ginang bago nagsalita.Habang Tahimik lamang ang abuelo
"Nasabi na samin ang lahat ni Charles iha.

Tumango lamang siya.

"I want to claim my rights to my child."
Si Charles.

"H--hindi ko naman siya balak na ipagdamot sa 'yo,alam yan nila mommy at lolo.Noon pa man ay binigyan ko na sila ng karapatan sa bata.Lalo pa sa iyo na kanyang ama."
Mahabang paliwanang niya.

"Monday to thursday,sa akin ang bata."
Nag uutos na tono nito.

Ang abuelo naman ay tumayo na at nag paalam na may gagawin pa.
Siya naman ay tumayo narin.
Umakyat na siya upang gisingin ang anak ng maramdaman niyang may kasunod siya.Paglingon niya'y nakita niyang nasa likod niya si Charles.

Naiilang siya dahil mula sa likod niya'y nalalanghap niya ang mabangong amoy ng lalaki.
Ibang iba narin ang hitsura ng lalaki,kung dati'y medyo mapayat ito.Ngayon ay me mga masel na ito at tipong lalong naging makisig.Kahit pa nag uusap sila kanina'y lihim niya itong pinagmamasdan.

Ano na kayang nangyari sa asawa nito at sa lalaki.Bakit hindi nito kasama ang asawa?
Hindi ba nag kaanak ang mga ito kaya't nag hahabol ngayon?Maraming katanungan ang nabubuo sa kanyang isipan.

Nang makapasok sila sa silid kung nasan ang anak ay nakita niyang nakabangon na ito at pupungas pungas sa kanilang dalawa lalo na sa ama nito.Sabado kayat walang pasok ang bata.
Kaagad namang nilapitan ito ng ama at niyakap ng mahigpit at nakita niyang yumakap rin ang kanyang anak na kakikitaan ng pananabik sa ama.Kahit kailan kasi'y hindi niya tinuruan ito
Magalit sa ama.

"Why did you leave me Daddy?Dont you love me?"
Tanong ng nagtatampong anak sa kanyang ama.

"No baby! I love you very much.From now on Daddy will always be here with you and I'm going to take care of you baby."
Si Charles habang yakap at hinahalikan ang anak.

Gusto niyang maiyak sa eksenang 'yon.

"Mommy are'nt you going to hug Daddy too?"
Nanlaki ang mga mata niya sa biglang sinabi ng kanyang anak.

"Later anak, later.Maghahanda narin ako sa pagpasok anak."
Palusot niya upang hindi na ulit nito sundan ang sinabi.

Lumapit siya rito upang halikan ito sa noo.
"Be a good boy sa Daddy ha!"
Ngumiti ito at tumango sa sinabi niya.

Tatayo na siya upang maligo ng pigilan siya sa braso ng lalaki.

"Being a mother of our son suits you."
Hinagod siya nito ng tingin sa kanyang kabuuan
Nagulat siya ng bigla itong tumayo at hinalikan siya sa ibabang pisngi na halos gahibla lamang ang layo sa kanyang mga labi.

Nagmamadali siyang tinalikuran ito bigla upang hindi nito makita ang kanyang pamumula.

Habang nasa banyo siya pakiramdam niya'y kinulaba ang kanyang utak sa paulit ulit na eksenang kanina lamang nangyari.Damang dama niya pa ang malambot na labi nito na dumampi sa malapit sa kanya ring labi.Iniuntog niya ang ulo sa sa tiles sa pag asang mabura ang lahat ng 'yon sa kanyang isipan.Ngunit bigo siya.

"Ano na naman ba ang nangyayari sa kanya?''

Wala siya sa sariling lumabas ng banyo.
Napakapit siya ng mahigpit sa twalyang nakatapi sa kanya sa kabiglaang mabungaran niya parin sa loob ng kanyang silid ang mag ama.

Nagtatawanan ang mga ito ng kanyang malabasan,parang isang slow motion sa palabas ng nilingon siya nito.
Kung kanina'y pasimple lamang siyang hinagod nito.
Ngayo'y dahan dahan na at tila kinakabisa ang bawat kurba ng kanyang katawan lalo na't medyo maigsi ang twalyang nakatapi sa kanya.

Nagmamadali siyang tumakbo sa walk in closet na nasa kabila lamang ng kwartong 'yon.

"Kung bakit kasi hindi man lamang niya naisip na baka naroon pa ang lalaki."

Kumuha na siya ng panloob at ilang isusuot at handa naring magbihis.

"Balita ko ay isa ka na raw business woman ngayon?At hindi lang iyon,hindi ka lang basta basta."
Bigla siyang nanigas sa kinatatayuan niya.
Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya.
Lalo na at nasa likuran niya lang ang lalaki at damang dama niya na buhat sa likod ay halos naka dikit na ito dahil nararamdaman niya ang dapyo ng init ng hininga nito sa kanyang batok.Kinikilabutan tuloy siya na hindi niya mawari.

"H-hindi naman masyado.Pinagyaman ko lang ang kung anong meron ako."
Kunyari'y patingin tingin pa siya sa mga damit niya na naka hanger.

"I see..nagtataka lang ako kung bakit hanggang ngayon ay nagpapapanggap kapa rin?
Hanggang ngayon ba ay inililihim mo pa rin sa kanila ang tunay mong pagkatao?."
Napalingon siya rito bigla.

"Kung ano man ako ngayon, desisyon ko 'yon at wala kang karapatang panghimasukan ang buhay ko.Pasalamat ka at pinunan ko ang mga panahong dapat na sana'y ikaw ang nagpupuno sa pamilya mo."
Nanggigigil na sagot niya rito.

"Well,what do you want me to do to repay you for your heroism?
A kiss perhaps?"

Sa pagkabigla niyay iniharap siya nito at sinambilat ng maalab na halik sa mga labi.
Pinilit niyang itulak ang lalaki at nagpipiglas,ngunit para namang lalo nitong dinidikit ang katawan sa kanya,at lalo siyang kinabahan ng maramdaman ang pagkalalaki nito sa mismong gitna ng kanyang hita.

Isinandal siya nito bigla sa aparador at hinawakan ang kanyang isang dibdib.Gusto niyang himatayin sa kaba  na may pinaghalong kiliti na ngayoy kumakalat sa buo niyang katawan.Ramdam niya ang masarap ng mga halik at Amoy na amoy niya ang panlalaking pabango nito.
Gusto niyang magpatangay sa sensasyong kanyang nadarama.Ngunit biglang sumagi sa isip niya na may asawa na ang lalaki.
Ubod lakas niyang itinulak ito
Kasabay ng isang malakas na sampal.
Ngumisi lamang ang lalaki.

"Why?It is my way of saying thank you!
Hindi bat sinabi mo na dapat akong magpasalamat sa iyo?"
Nakangisi parin ang lalaki.

"Alam mo kung paano mo kong pasasalamatan ha Charles?."
Tinaasan siya ng kilay ng lalaki.

Stay away from me!"
Galit na galit pa niyang idinugtong.

"Tsk!tsk!tsk!
Magaling kana rin mag ingles ngayon!
Malayo na talaga ang narating ng asawa ko!"
Habang sinasabi nito yon,ay hinawakan siya nito sa pisngi.

Tinabig naman niya 'yon
"Im no longer your wife.fool!"

"Whatever"Ikinumpas lamang nito ang isang kamay at pasipol sipol na tinalikuran siya.

Ang hayup na 'yon mukhang balak pa yata siyang pag tripan.Mabuti na lamang at nanatiling malakas ang kanyang depensa,kundi'y kanina pa dapat siya bumigay.

Ngayon niya lamang tinanggal ang pagkakakapit niya ng mahigpit sa kanyang twalya at  huminga siya ng malalim dahil kanina pa siya naghahabol ng hininga.

CINDERELL'O'?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon