Pag pasok nila sa kabahayan ay masaya siyang sinalubong ng mga tao sa bahay.
Hinatak kaagad siya ng matabang kapatid ni Charles papuntang kusina.
Gumagawa siya ng matamis at nagsisimulang maghalo.Dala dala ang panghalo ng maisipan niyang sumilip mula sa malaking kusina sa
bandang sala.Nakita niyang nasa sala rin ang mag ina at ang abuelo.Nag uusap ang mga ito."Anu yan ate Josa?"
Napaigtad siya sa pagkagulat kay Jake habang pilyong nakatingin sa kanya."A,e,wala may tinitignan lang ako."
"Sino si kuya ba?pogi no?"
Nanunudyo nitong tanong sa kanya."Pwede na."
Alanganing sagot niya rito lalo na't nakapagkit parin sa kanyang alaala ang ginawa nito sa kanya.Pagkatapos noon ay hinatak siya muli sa braso nito at hinila siya pabalik sa ginagawa niya.
Pagkatapos niya ay inilabas na niya ang mga ginawa niyang matamis at ginawa niyang especial puto pao.
Nagulat pa siya ng hilahin siya paupo sa tabi ni Charles."May ibibigay daw satin si lolo."
Na sorpresa siya sa sinabi nito sa kanya at may halong inis din dahil sa ala alang iyon.Kumikilos ito na parang walang nangyaring malala sa kanila samantalang siya ay halos gabi gabi yatang binabangungot dahil doon.
Iniabot nito sa kanya ang isang sobre na galing kay lolo Kentin."Ipinaabot sakin iyan ng mag asawang Ledesma.Ibigay ko raw sayo,sa inyong dalawa.Para raw makapag unwind naman kayo."
Nakangiti ang matanda."Salamat po."
Hindi makapaniwalang sabi niya .Lalo na't ngayon lang siya makakarating sa ibang bansa.Ngunit nakita niyang natigilan sandali si Charles."Mukang nagustuhan ka yata ni Misis Ledesma ha!"
Nakangiti ang matanda habang sinasabi nito iyon.Ngumiti lamang siya.Alam niya kasing me magic siya pagdating doon.Hindi na siya nabibigla.Hindi ba't noong high school ay siya ang pinakamaraming kaibigan noon?
Hindi pa man ay exited na siya.
Biruin mo,trip to L.A.?
At sa Marriot Hotel daw sila tutuloy?naririnig na niya ang hotel ngunit ni sa panaginip ay hindi niya napanaginipan ito.
Ito ba ang kapalit ng nangyari sa kanya?Sabagay sabi nga niya hindi naman mahalaga 'yon.Pagkatapos noon ay nagsalo salo na sila.At nag paalam narin sa mga ito....
"Kamusta nga pala studies mo?"
Tanong ng lalaki sa kanya habang nasa biyahe sila."Ayos naman.Sa totoo lang,minamani ko lang eh.Noon paman ay hilig ko na mga sasakyan."
Pahayag niya rito.Tumatango tango naman ang lalaki.
Pagkatapos ay narinig niyang tumunog ang telepono nito.At gamit ang earpiece ay sinagot nito ang tawag.
Aba!Himala sa himala at pinagtutuunan na siya nito ng pansin kahit papano.Ito ba ang konsolasyon niya sa ginawa nito sa kanya?Habang nakikipag usap sa kung sino man iyon ay napasulyap siya rito at hindi maiwasang pag masdan ang mukha nitong mala korean aktor.Hindi niya lang matiyak kung sino ang kamukha ng lalaki.Ah,alam na niya kung sino.Yun bang gumanap sa korean drama na coffee prince na gumanap naman din sa Goblin.Ito nga lang ang bad version.
Singkit na mulat ang mga mata nito na nagbigay ng ibayong dagdag sa hitsura ng lalaki.Matangos ang ilong at kulay rosas ang labi na may bahagyang biyak sa gitna.Sa lahat ng mukhang koreano,ito ang may cleftchin.
Maputi rin ang lalaking gaya niya.Napansin niya ring malapad ang kaha nito at di gaya ng ibang lalaki na balahibuhin,ito'y makinis ang balat at masasabi mong hindi pahuhuli sa kahit na sino.
Yun nga lang may pagka suplado ang lalaki,subalit kapag tiningnan ka ay tila laging nang aakit ang mga mapupungay na mga mata."Why?Starting to like me?
Dont!"
Hindi niya napansing tapos na palang makipag usap ang lalaki.Hudas!!!Bigla tuloy niyang binawi ang napansin niyang gakulangot na pagbabago nito kanikanina lang.
Nagsawalang kibo nalang siya sa sinabi nito.Walang imik na inilipat niya sa bintana ang kanyang paningin at hindi namalayang napa buntunghininga siya.
'Hindi lang suplado,mayabang pa.Ito tuloy ang nakakawalang gana rito.Natatakpan tuloy ang hitsura nito ng dahil sa ugali nito.
Nang makarating sila sa bahay ay napagod narin siya sa biyahe,dali dali siyang nag halfbath at sabay nakatulog na sa kama.
Kinabukasan ay naratnan niya ang lalaki sa ibaba na may kausap nanaman sa cellphone.
Nagkakape siya ng umupo ito sa mesa at sinulyapan siya."Ah'siya nga pala sa next week na ang vacation natin.At may kasama ako.
Mag paalam ka muna sa professor mo.Tumango lamang siya rito,at nag paalam na ito upang umalis.
At sino naman kaya ang isasama nito?.Papatapos na siyang magkape ng marinig niyang tila may nag bi vibrate. Kinapa niya ang cellphone niya at nakita naman niyang hindi pala sa kanya ang tumatawag.
Bigla siyang napatingin sa pinanggagalingan ng tunog.Nakita niya ang cellphone ng binata na nag biblink ang ilaw.
Dinampot niya ito at nakita niya ang isang pamilyar na pangalan ng babae.Cassie ang nakalagay na pangalan ng caller.
Diyatat ito ang nabanggit noong gabing yon ng lalaki?
Bigla siyang mabadtrip sa natuklasan.May naamoy siyang hindi maganda.Kung ano man iyonItong hudas na babaeng ito ang may kasalanan ng lahat eh.Kung hindi dahil dito!Tama bang siya ang bagsakan ng ilang toneladang kamalasan ng dahil sa dalawang bwiset na ito?
Kayat imbes na ihabol ang telepono ng lalaki ay hinayaan niya lang itong mag ring ng mag ring.
Pakiramdam niya'y nasira
Ang umaga niya ng dahil dito.Pag akyat niya sa kwarto ay ang cellphone naman niya ang naririnig niyang nag ri ring.
Tinignan niya ang tumatawag.
Si Yvette. Sinagot niya kaagad ito at inaya niyang lumabas sila pagkatapos ng klase at susunduin niya ito.Nami miss na niya ang mahal.Mula kasi ng magkasama sila ni Charles ay iilang beses nalang silang nagkikita ng babae.Siyempre pa ay dahil narin sa nag iingat siya,hindi lang ng dahil sa hudas na lalaki kundi sa sinasaalang alang niya rin ang tita Minerva.Kahit ganoon kasi ang babae ay magaan ang loob niya rito.Sino ba naman kasi ang may gustong ganito ang mapapangasawa ng kaniyang pamangkin.Sabi ng ng kanyang ina ay isa siyang abnormal.Hindi lang sa panlabas kundi sa pangloob.Natawa siya tuloy sa isiping iyon.Miss narin niya ang pagbobonding nilang mag iina.Pagkatapos ay dadaan siya sa bahay nila upang kunin ang hinuhulugan niyang motor na kawasaki ninja.Hindi niya ito dinadala rito dahil hindi niya alam kung magugustuhan 'yon ng lalaki.Baka akalain pa nito na pinaaandaran niya ito.
Nagbihis na siya at umalis na upang pumasok.
BINABASA MO ANG
CINDERELL'O'?
RomanceSi Josa alyas(Jojo)ay pusong lalake. Kung kelan nya ito naramdaman ay hindi niya alam.Ipinanganak syang mahirap. Nanay nya na lamang at ang dalawa nyang kapatid na babae ang kasama nya sa buhay. Siya ang pinaka panganay sa magkakapatid.Pag ta tricy...