Dumating narin ang araw ng kanyang kamatayan.
Ang kasal kung saan sila ngayo'y nag susumpaan.
Patawarin siya ng Diyos ngunit habang nagsasalita ang pari'y malayo ang nilalakbay ng kanyang isip.Hangang namalayan na lamang niya na itinataas nito ang kanyang belo at duoy madali siyang dinampian ng halik sa labi.
Pakiramdam niya paghinahalikan siya ng lalaki'y nakikipaghalikan siya sa marshmallow sa sobrang lambot ng labi nito.Ipinilig niya ang kanyang ulo dahil nag uumpisa na namang mangalisag ang kanyang mga balahibo.
Narinig niya ang sumunod na palakpakan ng mga tao.
Nakita niya rin ang mapang asar na tingin ng kanyang dalawang kapatid.
Na kaagad niyang pinanlakihan ng mga mata.
Ang kanyang ina naman ay parang maluha luhang nakatingin sa kanya.Pagkatapos ay dumeretso na sila sa tahanan ng mga Cross kung saan ang reception.
Sumunod ang mga kung ano anong seremonyas gaya ng pagto toast nila ang pagpapalipad ng kalapati,ang paghahati ng cake.
Ang pagbibigay pag bati ng mga kaibigan ng lalaki,ang kanyang ina at mga kapatid.Kung tutuusin ay sila lang yata ang naroon dahil wala naman silang inimbitahan sa kanilang baranggay.Matagal din bago natapos ang pagdiriwang napuna niya rin ang madalas na pag inom ng lalaki.Hindi niya alam kung siya lang ang nakakapuna ng isang babaeng madalas katabi ng kanyang asawa.
Ikinibit balikat lamang niya ito.Ano bang pakieelam nya,ang mahalaga'y huwag rin siyang pakielaman nito.
Kayat nagkaroon siya ng pagkakataon na lumapit sa mesa kung saan naroon ang kanyang ina."Ate'este kuya pala!,Ang pogi talaga ni kuya Charles!.
Ang swerte swerte mo sa asawa mo,ang yaman na ang pogi pa!parang nakapag asawa ka ng KPOP"
Kilig na kilig na sabi ng kanyang bunsong kapatid na si Jackie."He!mas pogi ako diyan diba Inay?"
Nagtataka siya ng makita niya itong nagtutubig ang mga mata."Inay bakit po?"
Nag aalala niyang tanong rito."Huuhhh paano kuya nalulungkot po yan kanina pa."Sinundan ng kapatid niyang sumunod sa kanya.
"Inay , huwag po kayong malungkot.E wala naman po akong gagawin dito sa malaking bahay kaya malamang ay palagi rin akong nasa atin"
Paniniguro niya rito."Tange'natural lang ito sa isang ina,lalo na't mag aasawa kana.Hindi ko inaasahan ang ganito."
Sabi nito.Para silang tanga na nagyakapan mag iina.
"In fairness kuya ang ganda mo ngayon!kung hindi ka namin kilala ay baka napagkamalan ka naming artista.Anong sinabi ni Paulo Balesteros sa transformation mo?"
"Huwag mo akong asarin Judie ha!
Sabi niya sa pang aasar nito sa kanya."Tumigil nga kayong dalawa huwag nyo ng asarin ang kuya n'yo at nakita n'yo namang parang namatayan yan."
Pagtatanggol ng kanyang Ina sa kanya.Lumipas ang mahabang oras at natapos narin ang pagdiriwang.Nakapagpalit na siya ng kanyang damit na white t-shirt at cargo short.
Nakapagpaalam narin sa kanya ang Ina at mga kapatid.Nagpapahinga narin ang lahat maliban sa kanilang dalawa ni Charles na hanggang ngayon ay nag iinom pa sa wine bar.Nakita niyang bumaba ang ina nito at nakita niyang hinaplos haplos nito sa ulo ang anak.
Lalapit sana siya rito upang itanong kung saan siya matutulog.Umupo muna siya sa dulo ng hagdan.At hihintayin niyang matapos ang mga ito.
Ilang oras pa at narinig niya ang tunog ng pambahay na tsinelas ng madam at dali dali siyang nagtago sa likod ng hagdan upang hindi siya makita nito.Hanggang ngayon kasi ay naiilang parin siya rito dahil ni hindi siya kinakausap nito.
Nag aalangan siyang lumapit rito.
Nakita niyang nakayukayok ang lalaki sa pinaka lamesa ng wine bar.
Tinapik tapik niya ito."Charles!Charles'paano nako?
Gumising ka naman o."
Dahan dahang nilingon siya nito."What?!!!"
Sabi nito na malagihay na."Itatanong ko lang kung saan ako matutulog?."
Naiinis na tanong niya rito."Bakit?Sa'n sa palagay mo?
Nakangising tanong nito sa kanya."Magtatanong ba ako kung alam ko kung saan?Tsaka ang dami daming kwarto rito.Ang iba'y sinubukan kong buksan pero nakasara lahat."
Napipikon na siya unti unti rito.Nakita niyang tumayo ito at lumapit sa kanya.Nang makalapit na ay umakbay.
"Tsk,tsk,tsk!My dear wife.
Saan pa sa akala mo?sa banyo?
Sabi nitong tila nang iinis.Muntik na siyang madapa kasama nito ng pilit siyang iginiya papuntang hagdan.
Ramdam niya ang bigat ng katawan at ang mabangong hininga nito na may halong alak dahil halos magpabuhat na sa kanya ang asawa sa dami ng nainom.Mainis man siya ay wala na siyang magawa.
Nang malapit na sila sa pinaka puno ng hagdan ay nagulat siya sa pagkakasalubong nila ng abuelo Kentin.Mukhang pababa naman ito."O Josa apo,bakit hindi pa kayo natutulog?"
Sabay tingin nito kay Charles na nakalungayngay sa kanya,habang hirap na hirap siya sa pag akay dito."Naparami po yata ng inom si Charles at ang kanyang mga kaibigan kanina."
Tugon niya sa matanda.Lalapit sana ito upang tulungan siya ngunit pinigil niya ito.
"Kaya ko na po ito lo' kung pwede po sana'y paki turo nalang po kung saan ang kwarto ni Charles".
"Ganun ba iha?naroon lang sa banda ro'n ang kwarto ni Charles yung pangatlo sa kaliwa apo.Sigurado kabang kaya mo na?Aba'y malakas pa ako sa kalabaw iha hindi lang halata!"
Nakangiti nitong sabi sa kanya."Naku lolo ok lang po,yakang yaka.Kung gusto nyo e sumakay pa kayo!"
Sinamahan niya ng biro ang kanyang sinabi upang maniwala ito."Kuhh,, itong batang ito talaga! Sige bababa na muna ako
Bahala kana sa asawa mo."
Nangingiti nitong sabi at bumaba narin.Nang maipasok niya ang lalaki'y halos ibato niya ito sa kama dahil ngawit na ngawit na siya.Napansin niyang napakalaki ng kwarto nito na napipinturahan ng kulay asul.
Uusyosohin pa sana niya ang buong silid ng naramdaman niyang gumalaw ito.Nilapitan naman niya kaagad ito sa pag aakalang malalaglag sa kamang kinalalagyan at sabay tinapik tapik niya sa mukha.
"Charles!Charles?gumising ka!Saan ba ako matutulog?"
Nang biglang,,,,"Yuck kadiri ka!
Sinukahan siya nito sa dibdib.Dali dali siyang nagpunta sa banyo at naglinis ng kanyang sarili.Ngunit kapit na kapit parin ang amoy ng alak sa kanyang katawan.Iyon pa naman ang pinaka ayaw niyang amoy.Kaya't ng matiyak na tulog na tulog na ito ay dali dali siyang naghanap ng maisusuot sa aparador na mas malaki at mahaba kaysa sa karaniwan.
Nakakita naman siya ng isusuot na tshirt na cotton na kulay light blue.
Antok na antok na siya kayat nagpasya siyang matulog sa couch na nasa gilid ng silid.
Papikit na siya ngunit sumisigid ang amoy suka sa buong silid.Sumasakit ang ulo niya.Wala siyang nagawa kung hindi punasan ito at palitan ng bihisan.Hirap na hirap siya dahil sa laki at bigat ng katawan nito.
Tinitigan niya ang mukha nito."Gwapo karaw,oo nga.Kaso pano ba yan?mas gwapo ako sayo!."
Sabi niya ng titigan niya ang mukha nito.
Tatayo na sana siya ng bigla siyang hatakin nito pabalik at yakapin.Nagulat siya at nagpapasag.Pilit siyang kumakawala ngunit ayaw siyang bitiwan ng tulog na tulog na lalaki.
Yakap yakap siya nito at nakadantay rin sa kanya.Kinikilabutan siya sa hitsura nilang dalawa,lalo na't magkalapit ang kanilang mukha.
Ramdam niya ang bigat ng mga binti at hita nito na nakadantay sa kanya .Ang mga bisig na nakapulupot, kasabay ng di mapigil niyang antok kaya di na niya namalayan ang pagpikit ng kanyang mga mata.
BINABASA MO ANG
CINDERELL'O'?
RomanceSi Josa alyas(Jojo)ay pusong lalake. Kung kelan nya ito naramdaman ay hindi niya alam.Ipinanganak syang mahirap. Nanay nya na lamang at ang dalawa nyang kapatid na babae ang kasama nya sa buhay. Siya ang pinaka panganay sa magkakapatid.Pag ta tricy...