Charles:
Malapit na sya sa labas kung saan nag hihintay ang kanyang mama at nakababatang kapatid na lalaki.
Tulak tulak ang isa maliit na maleta na puno ng mga pasalubong.Ng makita niyang kumaway na ang mga naghihintay sa kanya.
Tulad ng dati, ay ang ina lamang at ang kanyang 12 taong gulang na kapatid na lalaki ang naroon.
Maluha luhang niyakap siya ng kanyang ina.
Ang kanyang kapatid naman ay pinisil nya ang magkabilang pisngi."I love you anak.Very much!"
Sa wakas ay pinauwi kana ni papa.""Hindi na naman sumundo ang matanda?"
Wika nya na kahit may dugong koreano ay tuwid ang pananagalog.
Pagod at gutom siya dahil hindi nya gusto ang pagkain sa eroplano bukod sa hindi sya sanay kumain sa biyahe."Kuya did you buy my chocolates??
Sabi ng kanyang kapatid na mataba."Oo nandiyan.Sayo lahat yan at ang mga cosmetics and bags ay para sa inyo mom".
"Alam mo namang kahit ikaw lang iho ay sapat na."
Sabi nito sa kanya at nangiti siyang niyakap ang ina.Habang nakasakay sila sa van ay hindi sila mapakali ng kanyang ina lalo na ito.Alam nilang hindi basta basta magpapatawag ang abuelo kung wala itong pinaplano sa kanya.
Pag dating niya ng kabahayan nasa labas pa lamang ay kita na niya ang napakaraming tao na nagtitipon sa malaking malaking bakuran na yon ng mga Cross
Nakita nya ang kanyang abuelo na may gamit ng mamahaling tungkod na seryosong nakatingin sa kanyang pag dating.
Nagpalakpakan ang tao ng bumungad siya.Tumango naman siya bilang pag galang at humalik sa noo ng matanda.Ipinakilala sya nito sa mga bisita. Nang nailibot na siya ng kanyang abuelo' y tinatamad siyang pumasok sa loob ng ancestral house nila.
Inilibot niya ang paningin.Wala paring ipinagkaiba ito.Larawan ng karangyaan.
Kung babalikan niya ang ilang taong ginugol niya sa pag-aaral at sa negosyo'y tila siya nauumay.Pakiramdam nya'y isa siyang robot na de susi.Ngayon, heto na naman siya.Hindi niya alam kung anong kapangyarihan mayroon ang kanyang abuelo at sunod sunuran siya rito.
Inihahanda na niya ang kanyang sarili upang malaman kung ano ang pinaplano nito para sa kanya.Umakyat na siya sa kanyang paboritong silid sa buong bahay na yon, na mayroong labing limang silid.
Habang nakahiga ay nag iisip siya.Ano kaya ang mangyayari sa mga susunod na araw?talaga bang gagawin niya ang ipinag uutos ng kanyang abuelo kapalit ng kanyang kinabukasan at kaligayahan?
Kung may magagawa lang sana siya.Ngunit ayaw naman niyang mapunta sa iba ang kayamanan ng mga Cross.Hindi sa natatakot siyang mawalan siya ng mana.Kung hindi'y natatakot siyang mapunta sa hindi karapatdapat ang pinaghirapan ng kanilang angkan.Totoo ba talaga na kayang gawin iyon ng lolo niya?
Ang mapunta sa mga hindi kilalang tao ang lahat ng kayamanan nito?Bakit ganoon ang matanda?masyadong makasarili.Pwede namang hayaan nito na siya ang humanap ng babae para sa kanya.
Ngunit dahil lamang sa matandang kaugalian ay ganoon na lamang ang pagpupumilit nitong makasal siya sa hindi naman niya kilala.Kahit hindi pa niya nakikita ang babae ay kumukulo na ang dugo niya rito.Sinong tangang babae ang papayag sa ganoong set up.
Sabagay hindi na nakapagtataka.Kung malalaman nito na mayaman ang kanilang angkan,bakit ba hindi?Humanda ito sa kanya.Gagawin niya ang lahat upang hawakan ito sa leeg at pasunurin sa lahat ng kagustuhan niya.Hindi siya papayag na ganoong ganoon nalang.
Paano kung pangit ito?matanda? hindi pa siya nasisiraan ng bait,o baka matuluyan siyang masiraan ng bait kapag nagkagayon.At kung hindi man ay mag iingat ito sa kanya.Babantayan niya ang mga kilos nito at kung may maibubutas siya ni kahit maliit pa sa tusok ng karayom ay humanda ito sa kanya.Saka siya gagawa ng aksyon upang mapatalsik ito at tuluyan ng mapasakanya ang mana.
Dati pang ganito ang kanyang abuelo.Bata palamang siya ay ito na ang kinagisnan niya.Maaga kasing nawala ang kanyang ama.Ito na ang dumisiplina at humubog sa kanya.Minsan ay sumagi sa isip niya kung mahal ba talaga siya o minahal ba talaga siya nito.Manapang sabihing makasarili ito at diktador.Ni minsan sa tanang buhay niya ay hindi man lang niya ito nakitaan ng pagmamalaki sa lahat ng mga naging achievements niya.Hindi siya pinuri nito kahit kailan.Hindi siya kinamusta kahit ilang taon na siyang nawala.
Nilibot niya tingin ang kanyang silid.Naroon parin ang mga koleksiyon niyang batman.Lahat ng mga ito'y pawang ang mama niya lang lahat ang bumili.Tumayo siya at mula sa bag na hinand carry niya ay inilabas mula roon ang mga bagong koleksiyon niya na galing pa sa ibat ibang bansa.Puro batman na naka kahon pa.Ibat ibang modelo.Idinisplay niya iyon sa malaking estante niya na nakasalamin.Bata palang siya ay koleksiyon na niya iyon.Sumisimbolo ito sa kanyang kabataan.Ang kabataang kahit kailan ay hindi nagkaroon ng katuparan dahil noon pa man ay puro pag aaral na ang kanyang inaasikaso.
Dito niya siguro naibuhos ang kanyang frustration dahil minsan lang siya naging bata ngunit sa salita lang.Ni hindi niya naranasang makipaglaro sa ibang bata sa labas.Lagi siyang nakakulong sa kwarto at nagbabasa ng mga libro.Buong buhay niya ay puro pag aaral.Puro negosyo.Kaya ng lumabas siya ng bansa doon siya nag umpisang makakawala.Nagpapasalamat siya dahil sa lahat ng naisip ng abuelo iyon ang nagustuhan niya.Dahil malaki ang tiwala sa kanya nito at kilala siya bilang isang masunuring anak at apo ay pinabayaan siya nito sa diskarte niya.Ang hindi nito alam doon siya lumaya.Nag umpisa siyang matutong uminom,magliwaliw,magbilang ng mga babae at maging tusong tulad nito.
Kaya hindi siya papayag na maisahan.Gagawin niya ang alam niyang pabor sa kanya.Gagawa siya ng isang malaking palabas na paniniwalaan ng lahat ng makakapanood.Dahil siya,siya mismo ang direktor at magiging diktador sa gusto niyang mangyari.At pagkatapos noon ay ang kanyang kalayaan kapag napasakamay na niya ang buong kayamanan ng mga Cross.
Matatalim ang singkit na mga mata niya sa naiisip.
BINABASA MO ANG
CINDERELL'O'?
RomanceSi Josa alyas(Jojo)ay pusong lalake. Kung kelan nya ito naramdaman ay hindi niya alam.Ipinanganak syang mahirap. Nanay nya na lamang at ang dalawa nyang kapatid na babae ang kasama nya sa buhay. Siya ang pinaka panganay sa magkakapatid.Pag ta tricy...