Nang nagpaalam sila sa bahay ay nakita niyang nalungkot ang mga ito
Ngunit nakapag balot balot narin sila ni Charles at naihanda na ang lahat."Huwag po kayong mag alala,lolo mama.Dahil dadalasan ko po ang pagdalaw sa inyo rito."
Tumango ang mga ito sa sinabi niya.At ang maliit na kapatid ni Charles ay pinisil niya ang dalawang pisngi.Sa ilang buwan na pamamalagi niya rito'y naging masaya sila hindi kagaya ng dati'y animoy parang robot ang mga ito na hindi marunong ngumiti.
Si Charles naman ay napakunot ang noo sa mga ikinilos ng ina at kapatid.Palibhasa'y laging wala ito sa bahay kaya't hindi nalalaman ang mga pagbabago sa araw araw niya rito.
Ang ginang ay hinalikan siya sa noo.
At siya naman ay humalik rin dito sa pisngi at sa lolo ay ganon din.Ng makarating sila sa bahay na sinasabing binili nito ay namangha rin siya sa laki at ganda,kumpleto na ito sa gamit,at maganda ang mga kulay ng pintura,mukhang pinag isipan maige.
Mga moderno ang mga kagamitan."Ang pangalawang kwarto sa itaas ang kwarto ko,ikaw na bahala mamili kung saan kwarto ang gusto mo."
Sabi nito sa kanya ng nakapasok na sila at tinawag nito ang mga katulong na naroon.Ipinakilala siya nito sa limang mga bagong katulong na naka uniporme pa at lahat ng ito'y sinalubong siya ng ngiti na ginantihan naman niya.
Tamang tama wala na siyang puproblemahin sa lahat dahil mukhang wala na siyang gagawin dahil sa dami ng mga ito.
Ng kumakain na silang dalawa ay pinili niya ang dulo kayat magkaharap sila nitong kumakain.
"Ipapaalala ko lang sayo na dito sa bahay na ito ay may sarili tayong oras.Bahala ka sa buhay mo at ganoon din ako.Huwag mo na akong hihintayin at wala karing karapatang magtanong."
Nang matapos na ito sa pagsasalita ay sumingit na kaagad siya.
"Ano kaya kung ipagpatuloy ko ang pag aaral ko?""You do whatever you want,I dont care!but you have to be very careful in everything that you do,now that your'e carrying my name."
Nagkasya na lamang siya sa pagtingin dito habang pumapanhik sa kwarto.
Wala raw akong karapatang magtanong at makielam e bakit siya?labo naman ng lalaking yon talaga oh!
Pumanhik narin siya dahil sa pagod sa pag eempake at biyahe,bukas na bukas din ay lalakarin niya ang pag aaral niya,lalo nat malapit ng magpasukan.
Mababato siya rito nakikinikinita niya.
Nakaprepara na siya sa pagtulog ng biglang may kumatok sa pinto.Agad naman niya itong binuksan.Nakita niya ang lalaking naka boxer short sa labas ng kanyang silid at nakahubad barong nakasandal ang isang kamay sa hamba ng pinto.
"By the way,dito ka nga pala sa katabing kwarto ko,hindi ka nga pala pupwede diyan."
Sabi nito sa kanya."May adjoining door sa kwarto ko,anytime na kailangan kita sa gipit na sitwasyon kailangang naroon ka."
Ng makita nito ang pagtataka na nakabadha sa mukha niya.Bubulong bulong siya habang naghahahatak ng mga kagamitan niyang inililipat uli sa katabing kwarto ng lalaki.
Ni hindi man lamang nito naisipang tulungan siya,gayong alam naman nito na magpapanibagong lipat na naman siya,ayaw naman niyang mag utos sa mga katulong dahil hindi naman siya sanay ng ganoon.Ilang oras narin siyang natatapos at magpapalit narin ng damit pang itaas ng biglang umingit ang pinto.Bigla tuloy niyang dinampot ang tshirt at itinapal sa pangharap niya dahil naka chest binder na siya.
"Siya nga pala,bago ko makalimutan,keep this door always unlock."
Ang lalaki na naman na nasa tapat ng pintuan sa gilid ng silid na hindi niya napuna.
Nakita niyang sinisipat nito ang kanyang kabuuan."Bakit?"
Tanong niya rito."Nothing,,,, Interesting."
"E yun naman pala e,bakit nakatingin ka?"
"Are you saying something?"
Ng makitang bubulong bulong siya."Ah' e,wala!".
Tingnan mo ang kustumbre ng taong 'yon! Talaggggang,,, nakakaubos ng pasensiya.
Maganda rin naman at malaki ang kanyang silid.Napangiwi lang siya sa nakitang dresser sa pinaka gitna nito na punong puno ng mga pambabaeng pabango at mga lotion.
Pagkatapos maligo'y nakatulog narin siya dahil narin siguro sa nag iisa na siya sa kanyang silid at wala na siyang iisipin kung magising man siya ng nakatuwad.
Mabigat pa ang talukap ng kanyang mga mata ng makarinig siya ng mga boses na nag aanasan.Yun kasi minsan ang problema niya,masyadong sensitive ang tenga niya niya sa kahit na kaunting ingay.
Pupungas pungas siyang tumayo,kung san nanggagaling ang anasan.
Nakarating siya sa adjoining door na sinasabi ng lalaki at dahan dahan niyang itinapat ang tenga sa pinto.Napatakip siya ng bibig at sa kabiglaan ay naitulak niya ang pintong kanina pa niya hawak ang seredura na hindi niya napunang napihit na pala niya.
Bigla niyang nakita ang dalawang nasa kalagitnaan sa kung anu man ang ginagawa ng mga ito.
Nanlaki ang dalawa niyang mata ng makita niyang nakakubabaw si Charles sa assistant nito na pawis na pawis at kitang kita niya ang lahat ng hindi dapat makita sa mga ito.Ang dalawang kanina lang nakapikit ay biglang natigilan ng maramdaman may taong nanunood sa kanila.
"Shit!"
Ang huli niyang narinig sa lalaki bago siya natarantang pumasok pabalik sa kanyang kwarto.
Ginigitilan siya ng pawis sa noo at naghahabol ng hininga ng makarating siya sa kwarto niya.
Hindi niya alam ang gagawin sa nabungarang eksena,lalo pa ng mahuli siya ni Charles.Mag iisang oras na siyang naghihintay na pasukin at komprontahin siya ng lalaki ngunit hindi ito nangyari.Kayat ang ginawa na lamang niya ay naghilamos at nagsepilyo upang makababa na.
Pag baba niya ay pawang mga katulong lamang ang kanyang nakita na bumati sa kanya at nakita niyang nakahain narin."Ah aling Senyang nasaan ang senorito nyo?"
Nakita niyang nag aalangang sumagot ito sa kanya.
Kaya ang ginawa nya rito'y hinawakan niya ito sa magkabilang balikat at deretsong tiningnan ito sa mga mata. At muli.."Aling Senyang???"
"A' Senorita kanina papo nakaalis kasama si ..."
"A ok ho!"
Bago siya umupo sa hapag ay nakita pa niya ang nagtataka nitong mga tingin.
Ano ba itong napasok niya?pati tuloy ang mga taong nakapaligid sa kanila ay naguguluhan.
Sinamantala niya lahat ng pagkakataon upang asikasuhin ang binabalak niyang pag aaral.
Kayat pagkatapos makapagpaghinga ng kaunti'y lumakad narin siyaPagkatapos ng ilang oras na nagdaan ay naging maayos naman ang resulta ng kanyang lakad.
Makakapasok na raw siya sa susunod na buwan.Sa sobrang katuwaan niya ay tinawagan niya ang kanyang ina at ibinalita niya rito ang lahat.Maya maya'y naisipan niyang tawagan si Yvette.
Inanyayahan niya itong mamasyal.
Tuwang tuwa naman ang babae.Namasyal sila nito at kumain sa labas.Sa sobrang pagmamahal nito sa kanya ay tinanggap nito ang lahat ng paliwanag niya,at tanggap daw nito kung anong mayroon siya nito.At pagkatapos ay nagdisco sila at uminom ng kaunti.
Ipinahatid niya ang babae sa taxi dahil iniiwasan niya muna ang lugar nila dahil baka makita pa siya roon ng iba niyang chicks.Siguro'y ito na ang tamang panahon upang pumirmis siya sa isa.
Si Yvette ang napipisil niya,dahil sa bukod sa mabait ito'y maalalahanin pa."I love you mahal."
At humalik ito sa kanyang mga labi,at tinugon naman niya kaagad.Malalim na ang gabi ng makauwi siya.
"Where have you been?"
Natigilan siya sa lalaking hindi niya napansing nakatayo sa tapat ng kwarto nito.
"Diyan lang."
BINABASA MO ANG
CINDERELL'O'?
RomanceSi Josa alyas(Jojo)ay pusong lalake. Kung kelan nya ito naramdaman ay hindi niya alam.Ipinanganak syang mahirap. Nanay nya na lamang at ang dalawa nyang kapatid na babae ang kasama nya sa buhay. Siya ang pinaka panganay sa magkakapatid.Pag ta tricy...