"Anak ayos kalang ba?maaari ka namang umurong kaysa nakikita kitang nahihirapan."
Narinig niyang sabi ng kanyang ina.Nilingon niya ito at nakita niyang umupo sa tabi niya.Narito sila ngayon sa likod ng bahay kung saan naroon ang mga tanim niyang bulaklak.
"E saan naman po tayo mangungutang kung sakali sa mga ginastos nila sa 'tin inay?Kay Wax na bumbay,o di kaya magbebenta tayo ng organ?".
Sagot niya sa tanong ng kanyang ina."Kaya naman nating magtiis anak!hindi mo na kailangang magsakripisyo.Baka akala mo'y hindi ko alam ang dahilan mo sa likod nito?
Alam ko kung ano ka anak,dahil ina mo'ko!Alam na alam ko ni amoy ng utot mo!"Sa tono ng ina'y alam niyang umiiyak na ito kaya agad niya itong nilingon.Maluhaluha siyang yumakap rito.
"Hindi ko kayang pakawalan ang swerteng dumating sa atin.At ayoko na uling maghirap.Isa pa'y magkokolehiyo na ang aking mga kapatid 'nay."
Nagpakita siya ng isang maliit na ngiti rito upang hindi na ito mag alala."Hindi ko naman pinuprublema nay yung papasukin ko e,ang iniisip ko ay kung paano ako tatagal sa ugali ng lalaking makakasama ko sa iisang bubong"Bigla niyang naibulalas sa gitna ng mga hikbi nilang mag ina.
"May sinasabi ka ba anak?"
Sabi nito sa nagtatanong na tinig."Wala po inay."
"Sabagay mukha namang mabait ang batang 'yon ah?"
"Sa inyo siguro inay,e plastick yon e!"
Bubulong bulong nanamang sabi niya.Bigla nitong hinawakan ang magkabila niyang pisngi at habang nagpapahid ng luha ay,"Paano kana anak?"
"Inay,yan na naman kayo eh!Sinabi ng huwag niyo na akong gaanong isipin eh!Basta ienjoy nyo nalang ang lahat ng bagay na mayroon tayo ngayon.Magshopping kayo 'nay!Magtayo kayo ng bingguhan dito at irecruit nyo lahat ng mga bagong kapitbahay nyo rito!"
Doon sila nagkatawanang mag ina....
Gabi sa kanilang engagement party.Gaya ng Inasahan ng marami,napakaraming bisita.
Dinig na dinig ang umpugan ng mga baso at kalansing ng mga kubyertos.
Sila naman ni Charles ay nakaupo sa iisang mesa.Kanina pa nya sinusulyapan ang lalaki at hindi nya mabasa kung ano ang iniisip nito.
Kaya nagulat siya ng salubungin nito ang tingin nya."Why?starting to like me?!
Sabi nito sa seryosong tinig kalangkap ang nang iinsultong ngiti.
Gaya ng nakagawian nito matapos siyang insultuhin ay hahagurin siya ng tingin sabay iiling.Wala siyang planong masira ang araw niya kaya inilayo nya mula rito ang tingin at lumipat sa lahat ng magagandang babaeng nagkukwentuhan sa di kalayuan.
At nakita niyang nakatingin naman ang mga ito at sumusulyap sa kanyang katabi na nakadagdag sa pag kainis niya.Sayang!Di man lang siya makaporma.Kung hindi'y tinitiyak niya na tatalunin niya ito sa lakas ng kanyang appeal.Di nga ba't maraming nag aakalang lalaki siya,dahil sa galing niyang magdala?
Kanina pa siya naaalibadbaran sa suot niyang kulay kremang hapit na hapit sa kanyang katawan at pakiramdam niya'y nakahubad siya dahil hanggang dibdib lang ang ang tabing ng damit niya na may kasamang kaba dahil pakiramdam niya ay babagsak ito kaya todo kipit siya.
Ang kanyang buhok naman ay naka updo kahit maigsi dahil sa galing ng mga stylist ng tita Minerva.
Ang kanyang labi ay bahagyang pinahiran ng lipstick na kulay peach at bahagyang pahid ng makeup sa kanyang mukha.Mula sa mga babae'y inilibot niya ang kanyang mga mata at nasulyapan niya ang isang lalaking seryosong nakatingin din kanina pa sa kanya.
Sino kaya ito?
Napuna niyang kilala ito ng pamilya dahil kanina pa ito kausap ng abuelo.
Nang makita niyang papalapit ang matanda sa kinauupuan nilang dalawa."Mga apo kanina pa kayo nakaupo diyan.
Charles bakit hindi mo isayaw ang mapapangasawa mo!"
Sabi ng matanda sa lalaking bigla namang tumayo at lumapit sa kanya."Shall we, sweatheart?"
Nakita niya ang nakatabinging labi nito dahil sa mapanghibong ngiti na alam mo namang napipilitan din.Kaya gaya nito ay ngumiti rin siya bilang pagsakay dito lalo na't alam niyang nakatingin ang matanda sa bawat kilos nila.
Nang makarating sila sa gitna ay agad siyang hinapit nito at tumingin sa kanyang mata."I would like to congratulate you!
Magaling ka pala?Ituloy mo lang 'yan at kailangan natin yan sa mga pagkakataong ganito."
Sabi ng magaling na lalaki.Siya naman ay nagsawalang kibo,upang hindi niya ito mabigyan ng kasiyahan sa mga pang iinsulto nito sa kaniya.Kung hindi'y baka hindi na siya makapag pigil.
"Maari ko ba siyang isayaw?"
Mula sa pagkakahawak kay Charles ay lumingon siya sa pinanggalingan ng boses.Nakita niyang matikas na nakatayo ngayon ang lalaking napagmasdan niya kanina.
Tulad ni Charles ay seryoso rin ang mukha nitong nakatingin sa kanya.Nakita niyang natigilan bigla si Charles at ilang segundo ring nagsukatan ng tingin ang dalawang lalaki.
"No and never!
She belongs to no one but me.
Stop picking my things and buy your own toy!"
Sabi ni Charles na masama ang tingin sa lalaki."Nah! What's your's is more interesting!"
Sagot naman ng lalaking pagkatapos ng nakakainsultong binitawang salita ay agad itinaas ang baso na halatang iniinis ang lalaking katabi niya at tumalikod ito upang umalis.Muntik na siyang masubsob ng daanan siya at matabig ni Charles na agad ding naglakad patungo sa papaalis na lalaki upang sundan iyon.
Ilang minuto siyang pinag antay nito sa gitna ng mamataan niyang pabalik na ito sa lugar niya.
Magsasalita na sana siya ng makalapit ito ngunit naunahan siya ng lalaking pulang pula ang mukha sa galit.
"Huwag na ulit kitang makitang nakikipag usap sa lalaking iyon ha!"Mariing sabi nito sa kanya.
"Anong sabi mo?toy? Anung akala mo sakin,laru---"
Sa pagkabigla niya'y walang sabi sabing iniwan siya nito sa gitna.Na lalong ikinausok ng kanyang ilong.
Abattt!!!!...
BINABASA MO ANG
CINDERELL'O'?
RomanceSi Josa alyas(Jojo)ay pusong lalake. Kung kelan nya ito naramdaman ay hindi niya alam.Ipinanganak syang mahirap. Nanay nya na lamang at ang dalawa nyang kapatid na babae ang kasama nya sa buhay. Siya ang pinaka panganay sa magkakapatid.Pag ta tricy...