Araw araw na nawawala siya sa sarili dahil narin sa mga nangyayari .Laging maga ang kanyang mata at nangingitim ang ilalim niyon..Mas matindi ang ngayon dahil nakasubo siya balag ng alanganin.Lalo pa at nasabi niya ito kay Dave na siyempre pa ay hindi ito nag sawaalang kibo.
Hindi na niya tinapos ang kanyang ginagawa dali dali niyang dinampot ang kanyang bag at nagmamadaling umalis sa kanyang opisina.
Plano niyang kausapin si Charles,hindi niya alam kung ano ang sasabihin rito.Basta ang alam niya ay nais niyang kausapin ang lalaki.Ang una niyang plano ay kausapin ang abuelo ngunit tila sadyang pinagtataguan siya nito.Laging wala sa pamamahay ang matanda at hindi niya alam kung saan ito nagpupunta na dati namang hindi nito ginagawa.Siguro'y sa matinding galit nito sa kanya.humingi narin siya ng tawad sa mommy Casandra.Malungkot na mga mata lamang ang isinagot nito.
Papasok pa lamang siya sa kabahayan ay narinig niya kaagad ang mga taong nagsisigawan sa loob.
Natigil siya saglit sa kanyang kinatatayuan ng marinig niya ang malakas na pagtatalo ng dalawang lalaki.
Naririnig niya rin ang boses ng ina ni Charles na umaawat.Natigil siya sa tangka niyang pagpasok ng marinig niya ang malakas na boses ni Charles.
"Ngayon'alam mo na kung paanong mawalan ng isang minamahal? Kung paanong maagawan?''
"Wala akong dapat ipaliwanag."
Boses ni Dave."A ganon?"
Pumasok siya ng tuluyan ng marinig ang malakas na sigaw na nanggaling sa ina ni Charles.
Nanlaki ang kanyang mga mata ng bumulaga sa kanya ang dalawang lalaking nagpapambuno sa salas.
Hindi niya alam ang kanyang gagawin sa mga ito.Nakailang sigaw narin siya ngunit parang mga bingi ito sa mga sigaw nila.Nang biglang....
"BANG!!!...
Natigil ang pagpapambuno ng mga ito dahil sa malakas na putok ng baril na ngayo'y tangan ng abuelo Kentin.
"Anong kaululan ito?Anong nangyayari dito?"
Malakas na tinig ng matanda."Pasensiya napo kayo Lolo Kentin,pero hindi ako makapapayag na magpakasal si Josa sa lalaking iyan."
Si Dave na pulang pula ang mukha at pagalit na itinuro si Charles na nanlilisik ang mga mata sa galit.
''Naiintindihan kita apo.Ngunit buo na ang pasya ko.''Mababa ang boses ng matanda at naaawang napatingin ito kay Dave.
"Tsk!tsk!tsk! Hindi ikaw ang magdedesisyon niyan kung hindi si Josa."Kumpiyansang sagot ni Charles na napabaling ang tingin sa kanya.
"Bakit hindi ka magsalita Josa?"
Boses parin ni Charles."Josa!?"
Naghihintay si Dave sa isasagot niya.Para siyang nakalunok ng pakwan na hindi makapagsalita.Pilit niyang ibinuka ang kanyang bibig subalit walang salitang lumabas mula rito.
"Ano ang desisyon mo iha?"
Natauhan lang siya ng ang Lolo Kentin na ang nagsalita.Parang huminto ang orasan ng mga sandaling 'yon.Parang gusto niyang hilahin ang oras at araw pabalik upang maitama niya ang lahat.Subalit wala pa yatang naiimbentong time machine ngayong panahon na ito.
Wala siyang maiisip na isasagot..
"Magpapakasal."
Teka lang muna sino ang nagsalita?kaninong boses yon?bakit inunahan siya.Lintek na!
BINABASA MO ANG
CINDERELL'O'?
RomanceSi Josa alyas(Jojo)ay pusong lalake. Kung kelan nya ito naramdaman ay hindi niya alam.Ipinanganak syang mahirap. Nanay nya na lamang at ang dalawa nyang kapatid na babae ang kasama nya sa buhay. Siya ang pinaka panganay sa magkakapatid.Pag ta tricy...