"Doc kamusta po ang inay?ano po ang lagay niya?"
Nag aalalang tanong niya sa doctor habang humihingal silang magkapatid sa hall way."Kinakailangan niya ng agarang operasyon.Kaila-
ngan niyang sumailalim sa
bypass operation.May heart problem ang mama mo.Alam nyo ba ito?"Marami pang sinabi ito na halos hindi naman niya maintindihan.Gulong gulo ang isip niya.Pumasok kaagad sa sistema niya na kailangan niya ng pera.
Ngunit saan sila mangungutang?at sino naman ang magpapautang sa kanila?
"A Doc magkano po sakali ang gagastusin?"
Kakabakaba niyang tanong dito."Maghanda kayo ng 155thousand to 200 thousand.Sabihin nyo kaagad kung mai reraised nyo ang halaga, ng mairefer ko kayo sa Philippine Heart Center.Dahil naroon lahat ng mga espesyalista sa puso.
Maiwan ko na muna kayo.''"Kuya paano na na si nanay?saan tayo kukuha ng ganoong kalaking halaga?hihinto naba kami sa pag aaral?"
Sunod sunod na tanong ng kanyang kapatid.Nakahawak siya sa kanyang ulo habang nakayukayok na
nag iisip ng mga susunod na gagawin.Ang kanyang kapatid naman ay nakasandal sa kanya.
Ayaw niya munang pumasok sa loob kung saan naroon ang kanyang ina dahil hindi niya pa alam kung ano ang isasagot niya rito.Sa pagkakayuko nya'y nakakita siya ng dalawang pares ng sapatos na leather brown.Dahan dahan siyang nag angat ng tingin upang masino ito.
Napailing siya rito at ibinuka niya ang kanyang braso upang maisandal ang braso sa upuan sabay dekwatro."Bakit narito ka?anong ginagawa mo rito?ikaw ha!wala akong panahong makipag usap sa isang kagaya mo!"
Umupo ito sa tabi nya at tinitigan siya.Bigla tuloy siyang nailang sa mga titig nito.Ngayon niya lang kasi nakita ng malapitan ang mga tsinito nitong mg mata .
"Alam kong kailangan mo ng tulong ngayon.Galing ako sa tinutuluyan nyo.Alam ko ang nangyari dahil sinabi sakin ng mga kapitbahay nyo."
Seryosong sabi nito sa kanya."Bakit ano ang maitutulong mo sa akin?"
Umayos siya ng upo at naging interesado sa sasabihin nito sa kanya."You have to marry me!"
"Anooooo?"
Nabibigla niyang tanong dito.Nagsimula na siyang tumawa ng tumawa habang ang kapatid ay nakatulala sa lalaki na hindi rin makapaniwala.''Stop it!''
Nagulat siya sa bulyaw nito at napatigil siya sa pagtawa.
''Alam mo?kung iniinis mo lang ako,maige pa umalis kana lang dahil baka hindi ako makapagpigil.''
Nanggigigil na sabi niya sa lalaki.Ang akala ba nito ay magpapasindak siya rito?
''Ok,ok.You dont understand!"
Napatingin siya rito at hinayaan niya itong makapagpaliwanag.
Bandang huli'y lalo siyang naguluhan sa mga sinabi nito.Mas lamang ang hindi makapaniwala.Siya magiging mayaman?Sila na nakatira sa maliit na barong barong at matagal ng kumakain ng sardinas ay makakakain na ng steak?Mabibili raw niya ang lahat ng kanyang naisin?nananaginip ba siya?Ito naba ang kapangyarihan ng sing sing?.
''At pagkatapos?''
Nakataas ang kilay niyang tanong dito."I will help your mom.Ako narin ang bahala sa lahat ng gastos at mapapag aral mo pa sa maayos na eskwelahan ang mga kapatid mo."
BINABASA MO ANG
CINDERELL'O'?
RomanceSi Josa alyas(Jojo)ay pusong lalake. Kung kelan nya ito naramdaman ay hindi niya alam.Ipinanganak syang mahirap. Nanay nya na lamang at ang dalawa nyang kapatid na babae ang kasama nya sa buhay. Siya ang pinaka panganay sa magkakapatid.Pag ta tricy...