7:EMERGENCY

1K 49 2
                                    

Hindi na nya alintana kung paano siya nakauwi  dahil sa sobrang inis sa lalaking mukhang hilaw na tisoy nayon.

Kayat nagulat pa ang kanyang ina ng nakita siyang nakabusangot ng umuwi.Wala na roon ang dalawa niyang kapatid dahil pumasok ang mga ito.

"O anung nangyari anak?ipinaliwanag ba sa iyo kung bakit ka nila sinadya?kasi'y hindi ko masyadong naintindihan ang mga pinagsasabi nung binatang yon sakin dahil sa tensiyon.
                     Basta't ang natatandaan ko lang na sinabi niya ay ipinahahanap ka raw ng kanyang lolo!Anak magtapat ka nga sakin?may inagrabyado ka na naman ba?"
Sunod sunod na litanya ng kanyang ina.

"Naku inay huwag nyo yun intindihin.E mukhang nasisiraan yata ng ulo yung lalaking yon."
At napilitan siyang ikwento rito ang mga nangyari.
At pagkatapos ay ito naman ang nagbubusa.

Maya maya'y naligo narin siya at nabadtrip siya ng matuklasan niyang dinatnan pala siya kaya sobrang init ng kanyang ulo.

"Nakakabwisit naman o!Ito
ang pinaka itinatakwil niya sa katawan niya.Bakit nga ba naman kasi hindi pa siya ginawang tunay na lalaki ng hindi niya dinaranas ang ganito"SORRY LORD,KUNG MAKAKALUSOT LANG PO!.

Dalawang araw matapos ng insidente ay narito na naman siya sa biyahe.Ka backride ang syota niyang si Menchie,nakapila siya habang nakapalupot naman ito sa kanya.

Biglang tumunog ang cellphone nya sa bulsa.Inagaw muna ito ni Menchie at tinignan ang hindi nakarehistrong numero.

"Sino na naman yan ha?
Tanong nitong nakasimangot sa kanya.

"Ewan!nakita mo nga'ng hindi naman naka phone book sakin.O tignan mo nga kung may pangalan!''

"Aba malay ko kung sadyang hindi ka nag se save ng number!''

"Ayaw man niya sagutin dahil kabado rin siya baka isa ito sa mga chikas nya,ngunit mapilit ang babae.Pinanlakihan siya ng mata at di pa nasiyahan ay ni loud speaker pa nito ang cellphone bago ipinasa sa kanya.

Boses ng lalaki ang nasa linya, kaya nagkaroon siya ng pagkakataong lumayo sa babae.Wala na itong nagawa at sinundan na lang siya ng tingin.

"Hello.''
Sabi ng baritonong boses.

"Hello sino ho sila?''
Tanong niya dahil hindi nya kilala ang boses nito.Subalit parang pamilyar.Hindi niya lang alam kung saan.

Nang magpakilala ito ay manganingani niyang patayan ito ng tawag.Ngunit  nagsalita ang nasa kabilang linya.

"Wait! Don't try to cut me off"
Kailangan kitang makausap.

"Hoy wala na tayong dapat pang pag usapan.!''

"Look sorry but lets just talk ok?pag usapan natin to!"

Binabaan nya ito ng telepono.Ano ang akala nito?kaya siyang pasunurin at paikutin sa palad nito?huhhh!

Nang biglang tumunog ulit ang kanyang cellphone.

"Abat! Ang kulit nito ah!''

Papatayan niya na sana ulit ito ng nasulyapan niyang sa bahay naka rehistro ang tawag sa kanyang kapatid.Kaagad nya itong sinagot.

"Hello!o bakit ka tumawag dibat sabi ko sa inyonggg....."
Hindi na niya natapos ang sasabihin ng malaman ang dahilan ng pagtawag.

Walang sabi sabing pinaharurot niya ang kanyang tricycle papunta sa  kanilang bahay.
Ang naabutan niya roon ay ang isa nyang kapatid.

"Nasan ang inay?anung nangyari?''
Magpapaliwanag sana ito ng karayin niya ito papalabas
at nagmamadali silang pumunta sa pinaka malapit na ospital.

"Ano ba talaga ang nangyari kay nanay?"

"Kuya kasi si nanay,bigla nalang hinimatay kanina eh."

"Diyos ko!hindi kaya sa kakaitlog natin kuya?"

Namutla siya sa narinig sa kapatid.
Diyos ko!hindi nga kaya ng dahil sa itlog?"Ang nanay naman kasi ay sobra ang kunat.May sardinas naman."

Alalang alala siya rito.Ano ngayon ang gagawin niya?Paano nalang kung mako confine ang ina?saan sila kukuha ng panggastos gayong sa pagaaral palang ng kanyang kapatid ay baon na sila.Kasama pa kasi ang mga dating utang na binabayaran nila mula ng mamatay ang kanyang ama.

Kaya kaya niyang mag G.R.O.?Diyos ko naman! Baka mabaliw siya pagnagkataon.
E kung magbenta nalang siya ng virginity?Sa kanila kasi ay uso iyon.Sa mga walanghiyang mga magulang na lulong sa ipinagbabawal na gamot ay nagagawang ibenta ang puri ng anak.
E paano yan pag napatapat siya sa matandang pangit na mabaho at may mga bakokang at mga galis?Diyos ko po!kulang pa ang ibibigay sa kanyang singkuwenta mil.Biruin mo magkano na ang gastos sa mental ngayon?siyempre pagkatapos non ay mababaliw siya.Kung ang bayad sa mental kada isang buwan ay diyes mil mag aabono pa siya kung sakali?

"Ano bayan kuya ang ingay ingay mo naman! lalo akong kinakabahan eh.Alam mo kuya nasa pangit at mabaho ang forever! hindi lang nila matanggap iyon no! kaya sila nabibigo eh.Hayy naku! Arayyy nako!"

Binatukan niya kasi ito bigla.

"Hindi niyo kasi binabantayan ang nanay eh!"

"Sinong me sabi sayo kuya?e si nanay pa?ang tigas ng muka non eh!"

"Sana walang masamang mangyari kay inay."

Sabay nilang nasabi

CINDERELL'O'?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon