21:GOOD IMPRESSION

902 49 2
                                    

Nakakatamad na lagi rito sa bahay,nahihiya naman kaagad siyang magpa alam sa mga ito dahil iilang araw pa lamang siyang naglalagi rito.
Na mi miss na niya ang kanyang ina at dalawang kapatid.Hindi niya malaman kung paano niya gugugulin ang kanyang maghapon sa malaking bahay na ito.Naroong manuod siya ng telebisyon,magbasa ng mga pocketbooks niyang mga bagong bili.Marami siyang nais gawin ngunit nangingimi naman siyang kumilos,heto ngayon siya narito at laging nagkukulong sa silid.Gustuhin man niyang kumilos sa ibaba ngunit iniiwasan niyang magkasalubong sila ng biyenan niyang hilaw.Hindi siya sanay sa ganito,baka ma stroke siya.

Kamusta na kaya ang mga chikas niya?
Sa ilang oras na pag iisip ay hindi na niya napigilan ang kanyang sarili upang bumaba.

Pasilip silip siya sa hagdan habang bumababa.Dumeretso siya sa kusina at doon ay nagtimpla ng kape.Inilibot niya ang mga mata sa kabuuan ng kusina.Malaking malaki ito.Tingin niya ay kasya na yata ang isang pamilya sa laki at lawak nito. Maganda at malamig din sa mata ang kulay.

Sinilip niya ang three door ref.Napapalatak siya sa nakita.Anong sinabi ng supermarket sa laman nito?
Kumpleto sa dilang kumpleto ang arrived.
Iba talaga ang mayayaman.

Tutal kumpleto naman pala,e naisipan niyang gumawa ng letcheflan.Steamer nalang ang kulang,tumingin tingin siya sa eskaparate ngunit sa dami ng mga naka display ay hindi niya makita.

"A senorita ano po ang gagawin nyo?ako na lamang po ang gagawa!"

Nakita niya ang isang may edad na babae na kakapasok pa lamang sa kusina na nasa mukha ang kaistriktuhan.

"A e hindi ok lang po,gusto ko kasing gumawa ng matamis e,puwedeng malaman kung saan po nakalagay ang steamer?"

Tumango naman ito.
Nang gagawin na niya ang balak,ay nasa tabi niya parin ito.Tila naghihintay sa kapalpakang gagawin niya

Nang natapos na niya ang letcheflan ay isa isa niya itong hinango buhat sa steamer,at kumuha ng dalawang lanera,dahil ang iba nito ay ilalagay niya sa ref.

"What's that?"

Nilingon niya ang nagsalita,at nakita niya ang batang mataba na papalapit sa kanya.Nakita niyang sinisilip silip nito ang kung ano ang hawak hawak niya.

"Letche flan gusto mo?"
Sabi niya rito na naka ngiti.
Nakita niyang nag aatubili pa ito kahit kitang kita naman na takam na takam ito sa letcheflan niya.Aba ito yata ang isa sa pambato niya.Ewan na lang kung makatanggi pa ito.

"Sige titikman ko lang."
Sabi nito na lumulunok lunok.

Iniabot niya rito ang isa.Ang isa ay binigay niya sa mayordoma na nagulat at sa bandang huli ay bahagya ng ngumiti.Ang batang mataba naman ay nagmamadaling umalis na may dalang kutsara.

Pagkatapos ay lumabas siya ng bahay at pumunta siya sa gawing maraming tanim na ibat ibang klase ng mga bulaklak.Napangiti siya,nuong una pa lamang ay gusto na niya puntahan ang lugar na ito ngunit alam din niyang dito naglalagi ang ina ni Charles.

Tuwang tuwa siya sa pagtingin tingin dito.Nakakita siya ng mga bakanteng paso at nakita niya rin yung ibang halaman ay nakalagay pa sa plastic.
Nagdesisyon siya na pakeelaman ito.Gamit ang mga kamay dahan dahan niyang inilipat sa paso ang mga halaman.

"Bakit mo ginagamitan ng kamay,mayroon namang garden tools diyan sa tabi?

Nagulantang siya sa boses na iyon.Kahit naka talikod siya ay alam niya kung sino ito.
Kaya nagmamadali siyang humarap rito.

"Am,, pasensiya napo mam-a ang sabi po kasi ng nanay ko,mas mainam daw po na kamayin kaysa gamitan ng pang sandok.Kasi raw po para mas maingatan ang mga halaman at makita rin kung may uod ito sa ilalim."
Kanda bulol niyang sabi rito na nahihiya.

"May alam kaba sa paghahalaman iha?"
Tanong parin nito.

"Opo! Sa katunayan ay marami rin po kaming alagang halaman sa bahay,dahil mahilig din po rito ang nanay."
Pagtitiyak niya rito.

"Gano'n ba?sige tulungan mo ako rito."
Nagulat siya sa sinabi nito.

Tumalima naman siya kagad sa katuwaan.Ang pinaka ayaw niya kasi ay yung mayroong tao na hindi siya gusto.Dahil sa kanila ay kilala siya bilang pala kaibigan at mahusay makisama.

Ilang oras din sila sa pag aasikaso sa halaman.
Nang matapos sila ay ngumiti ang ginang sa nakita.
Pumasok narin sila upang mananghali.

Matapos maglinis at magpalit ng damit ay bumaba narin siya upang kumain.
Tahimik silang kumakain ng pagkatapos ay nakita niyang isinerve ng katulong ang mga ginawa niyang letche flan.

"Saan galing 'yan aling Remedios?"

Bigla siyang kinabahan sa tanong ng biyenan sa mayordoma.Bigla kasi niyang naisip na biglang isipin ng mga ito na isa siyang adelentada!

"Ginawa po ng senorita,senora."
Nakangiting sabi nito.

"Siya nga iha?"
Ang tanong sa kanya ng abuelo.

"A opo,pasensiya po at nakielam ako kanina sa kusina,lolo".

"Its ok,iha!mahilig kami sa matamis rito,lalo na ang mama mo."

Pagkasabi ng matanda ay siyang tingin niya sa biyenan na busy sa pagkain ng kanyang ginawa at ang tingin pa niya ay hindi sila nito alintana,lalo na ang bunsong anak nito.
Nakaramdam siya ng kasiyahan at mukhang natatanaw na niya ang bisa ng kapangyarihan sa karisma.

Wala talagang nakakatanggi sa kanyang matamis.
Minsan kasing nakidayo siya sa isa mga syota niya nuong nag pista sa lugar nito ay natikman niya ang isa sa pinakamasarap na letche flan na mismong ito ang gumawa kaya sa sobrang sarap ay nagpaturo siya rito.
Ganoon kasi siya kung pagkain at matamis ang pag uusapan,kapag nakatikim siya ng masarap talaga ay hindi niya pinalalampas ang pagkakataon na alamin kung paano iyon gawin dahil alam niyang magagamit niya iyon sa importanteng pagkakataon tulad nalang nito.

....

Habang papalayo ang abuelo ay habol niya ito ng tingin.
Naaawa siya rito.Alam niyang mabait naman ang matanda lalo na sa kanya.Nararamdaman niya na mahal nito si Charles,nga lamang ay masyadong makasarili ang isa.Nakikita niya ang lungkot sa mga mata ng matanda tuwing titignan ang apo.
Sabagay sa kabilang banda naman ay walang may gustong patakbuhin ng iba ang sariling buhay.
Inilibot niya ang paningin sa buong bahay.Kailan kaya mababalot ng kasiyahan ito?Pakiramdam niya kasi'y magkakasama nga ang mga ito sa iisang bubong ngunit tila magkakalayo naman ang damdamin ng bawat isa.
Para bang iyong mga napapanuod niya sa mga tele novela sa tv.Nangyayari pala talaga ito sa tunay na buhay.
Lalo na sa mga mayayaman.

Sa kanyang pag iisip ay ngayon niya lang napuna ang batang malusog na may ilang bahid ng letche flan sa pisngi na nakamata sa kanya.

"Masarap gawa kapa."

Bigla siyang natawa sa hitsura nito.

CINDERELL'O'?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon