Sumakit na ang pwet niya bago sila nakaalis.Ngayon ay
Narito na sila sa isang sikat na restaurant,hindi niya maiwasang hindi ilibot ang mga mata dahil sa dami pari ng magagandang chicks na kumakain dito,Lalo na't magaganda ang mga hubog ng katawan at makikinis ang mga paa.Hindi niya alam kung bakit isa sa nakakakaakit sa kanya ay iyong mga babaeng maganda makinis at malambot ang paa."Hey!"
napadako ang paningin niya sa lalaking nagsalita na walang iba kundi ang pako sa gulong niya.
Nakita niyang matalim ang tingin sa kanya nito.Nakita niyang biglang tumayo itoat nakipag kamay sa parating na matandang lalaki na may kasamang ginang na mukhang mabait base sa magiliw na ngiti nito sa kanya.
Masaya silang nag uusap ng ginang at nakikipagtawanan dito,habang ang dalawang lalaki'y busy rin sa business deal ng mga ito.
Madali niyang nakapalagayan ng loob ang ginang. Para sa kanya ay hindi siya nainip sa pakikipag usap rito.
Sandali pa'y nag paalam na rin ang dalawang mag asawa."I think the lady here is very charming,even my wife cant deny it."
Narinig niyang sabi ni Mr.Ledesma,na asawa ng Ginang.Nginitian niya ito.Ang asawa naman niya ay seryoso lang na nakasulyap sa kanya at nakita niyang nag kamayan na ang mga ito.
"Iha gusto kong magkita ulit tayo sa ibang pagkakataon.Sayang,Kung noon pa kita nakilala sana'y ipinakilala kita sa unico iho ko."
Bulong nito sa kanya na aliw na aliw.
Nginitian naman niya ang ginang.Bineso pa siya nito bago umalis kasabay ng asawa.Akala niya'y aalis na rin sila ng magsalita ang kanyang asawa.
"Narito narin lang tayo,gusto kong mag usap narin tayo."
"Matagal narin kitang gustong makausap,naghahanap lang ako ng tamang pagkakataon."
Mabilis niya ring sabi rito dahil baka putulin na naman nito ang iba pa niyang sasabihin.Pinilit niyang mauna na muna sa usapan nila para hindi siya mabitin kung puputulin nito kagad ang mga gusto niyang sabihin.
"Gusto ko sanang magkaroon man lang ako ng pagkakataong makadalaw sa amin.Ang hirap kasi ng walang ginagawa,hindi ako sanay ng ganito.Pakiramdam ko'y ma iistrok ako."
Sabi niya rito."I already have the sollution for that! Ilang araw mula ngayon ay lilipat na tayo dahil bumili ako ng sarili nating bahay."
Bigla tuloy siyang na exite sa sinabi nito.
"Talaga?."
Na wala naman siyang narinig na sagot mula sa lalaki.
Nakita niya lang na tumingin ito sa pambisig na relos at nag aya ng umalis.
Tahimik sila sa daan ng bigla itong huminto.
Nakita niya ang babae sa opisina na nakatayo ngayon sa labas ng sasakyan."Lipat ka muna sa likod!"
Narinig niyang sabi ng lalaki.
Kahit naiinis ay wala siyang magawa.
Pag pasok ng babae sa loob ng sasakyan ay agad naghalikan ang mga ito.
Napakamot na lang siya sa ulo.Maige na lamang at tinted ang salamin ng kotse.Para tuloy siyang tanga sa likod dahil pag umakto ang mga ito'y tila laging wala siya sa eksena.
Ilang minuto pa ng ibaba siya nito kung saan.Magagalit sana siya rito ng magsalita ito bigla."Go to your mom."
Bigla siyang nagpalit ng mood sa narinig mula rito.
Dali dali siyang namasahe at bumili ng pamalit na damit. Suot ang kanyang Cargo short,t shirt na stripe at bumili rin siya ng sandals na balat saka sabik na umuwi sa kanila.
Naisip niyang bumili ng mga pasalubong sa mga ito.
Bumili rin siya ng ice cream cake at masasarap na pagkain.
Dumako siya sa mga bags at sabik na sabik siyang dumampot ng mga mamahalin at bumili ng tatlong piraso para sa mga importanteng babae sa buhay niya.
Marami rin siyang ipinamili tukad ng mga sapatos damit at mga pabango na siyang pangarap ng mga ito.Tiyak niyang matutuwa ang kanyang ina at mga kapatid.
Kung hindi lang niya inaalala na mahihirapan siyang magbitbit ay marami pa sana siyang ipamimili.Sabagay marami pa namang oras.Isasama niya nalang ang mga ito sa pamimili.
Pagkadoorbell at pagkadoorbell niya ay lumabas kaagad ang kanyang ina. Agad naman siyang sinalubong ng dalawa niyang kapatid.Para siyang nag abroad kung makikita lang ng iba,kasunod ng iyakan.
Gulat na gulat naman ang mga ito sa mga dala dala niya.
Pinaghahalikan siya ng mga kapatid."Sensiya na 'nay ngayon lang uli ako nakadalaw,pero sa susunod siguradong mapapadalas na ako rito."
"Kuu ok lang 'yon anak.Kamusta buhay may asawa?"
"Naku inay huwag nyo na hong itanong!"
"Siya nga pala anak,galing dito si Yvette kahapon,hinahanap ka!hindi ko nga alam kung paanong nalaman ang papunta rito".
"Pero in fairness kuya yun ang pinaka simple at pinaka mabait sa lahat ng syota mo ah."
Singit ng bunso niyang kapatid.Ngumiti lamang siya.
Kung may oras pa siya mamaya ay pupuntahan niya ito.
Masaya silang nagsalosalo sa niluto ng kanyang ina na matagal din niyang na miss.
Kayat di niya namalayan ang ilang oras na lumipas.
Magpapa alam na sana siya ng biglang dumating si Yvette.Niyakap siya nito pagkakita sa kanya.
Ang mga kapatid at ina naman niya ay nag kakatinginan lang."Pasensiya kana kung hindi ako nakatiis na hindi ka makita mahal,.
Ni hindi ka kasi dumadalaw,namimis na kita."
Sabi nito sa kanya."Kuya salamat sa mga ito ha!dati pangarap lang ang lahat ng mga 'to,ngayon ay nasamin na,hanggang ngayon ay hindi parin kami makapaniwala."
Si Jinky na ngayon ay pinagsususukat ang lahat ng dala niya para rito."Anak ikaw?ano naman ang binili mo para sa iyo?bakit tila puro samin ang lahat ng mga ito?"
"Nay,kung ganyan palagi ang salita niyo sakin tuwing may bitbit ako ay dadalasan ko ang pamimili."
Napakunot ang kanyang ina na tila nagtatanong.
"Ang ibig ko bang sabihin ay mukhang nagiging tunay na ina na ang tono niyo nay!"
Binatukan siya nito at tawa naman siya ng tawa.
Nag paalam saglit ang kanyang ina na aakyat na muna.
Ang kanyang dalawang kapatid naman ay abala sa panunood ng tv.
Mataman silang nag usap sa nito sa upuan malapit sa hagdan."Kamusta kana mahal?mukhang maganda ang trabaho mo ngayon ah?"
Ang tinutukoy nito ay ang mga pinamili niya"Ok lang po.Ikaw naman huwag ka masyadong mag alala sakin ok lang ako.Pasensiya kana wala akong nabili para sa iyo,hindi ka naman nagsabi na pupunta ka."
Sabi niya sa pag aalala nito sa kanya.
Isa pa,sa lahat ng babae niya ito ang pinaka mahalaga sa kanya,dahil sa sobrang bait at maaalalahanin nito.
"Di bale,mahaba pa naman ang oras.Diyan kalang at maliligo muna ako at pagkatapos ay aalis tayo."
Tumango naman ito at kinurot niya ito sa magkabilang pisngi.
BINABASA MO ANG
CINDERELL'O'?
RomanceSi Josa alyas(Jojo)ay pusong lalake. Kung kelan nya ito naramdaman ay hindi niya alam.Ipinanganak syang mahirap. Nanay nya na lamang at ang dalawa nyang kapatid na babae ang kasama nya sa buhay. Siya ang pinaka panganay sa magkakapatid.Pag ta tricy...