32:BANGON

993 39 3
                                    

Nagising siya sa malakas na ingay na nagmumula sa ibaba.
Nagmamadali siyang bumangon at may pagmamadaling nanaog.

"Sinverguenza!"
Nabigla siya sa nabungaran lalo pa't nakita niyang sinampal ng abuelo si Charles ng malakas sa mukha.
Nakita niya namang mabilis na umawat ang ina ni Charles habang hilam sa luha.

"Papa tama na!"
Umaawat at sumisigaw na sabi ng ina ni Charles habang umiiyak.

"Sinunod ko lahat ng utos nyo!Para akong robot na de susi na pinagagalaw ninyo sa inyong mga palad.
You ruined my life!
Matagal ko na kayong pinagbigyan lo!This time susundin ko naman kung ano ang gusto ko.Maintindihan nyo naman sana ako!."
Si Charles habang hawak ang kamay ng babaeng minamahal.


Para siyang pinukpok sa ulo ng makita ang eksenang iyon.Si Charles na matatag ang pagkakahawak sa kamay ng dalaga habang sumisigaw na nagsasalita.

"Ngayon gusto mo na akong suwagin?!"
Ang abuelo sa galit na galit na boses.

"No harabudji'all i wanna do is to stand with my own feet.To do what i want without your dictations and manipulations.
At Unang una,sa babaeng minamahal ko.

"Im sorry lo."
Nakita niya ang pagkatalo sa mukha ng abuelo at malaking pagkabigo,habang hinang hinang napaupo.

Yun ang huling sinabi ng lalaki bago ito umalis kasama ng minamahal.

At yaon din ang pumatay sa kaliit liitang pag asa niya sa kanyang dibdib.Tila saglit na tumigil ang pag inog ng mundo para sa kanya ng mga sandaling 'yon.

Kanina pa walang naglalakas ng loob magsalita sa kanilang tatlo na naroroon sa buong sala,kayat siya ang nagpasyang bumasag ng katahimikan.

"Am; lo', ok lang po!kung inaalala nyo po ako,ayos lang po ako.Huwag po kayong mag alala."
Ngumiti siya ng mapait sa mga ito.

"Hiyang hiya kami sa iyo iha.Kung pwede nga lang na ibalik ang lahat sa umpisa ay kanina ko pa ginawa."
Malungkot na pahayag ng ginang sa kanya,habang niyakap naman siya ng matanda.

"Sabihin mo ang kahit ano apo,siya kong ipagkakaloob sayo.
Gusto kong malaman ang pasya mo.At kung anu't anuman ang magiging pasya mo ay igagalang ko."
Malalim na pahayag ng abuelo sa kanya.

Huminga siya ng malalim na malalim,at ipinahayag dito ang pasya niya at sa ginang....

Matapos ang mahabang pag uusap nila ay umalis na siya.
Dala ang kanyang sarili sa kung saan man siya dalhin ng kanyang mga paa.

Sa parte naman ng kanyang pamilya,ay wala siyang narinig na pagtutol o kung ano mang mga salita sa mga ito.Tulad ng gusto niya,ay tanging suporta lamang ng mga ito ang nais niyang makamtan,at hindi siya nabigo.

Sa Sandaling nagpasya siya,ay nakita niya sa kanyang sarili ang isang babaeng matapang at may paninindigan.Ibang iba na siya sa Jojong kilala niya.

Dalawang buwan mula noon ay isa nanamang dagok ang umuga sa kanyang buong pagkatao.Magkahalong takot at pag aalinlangan ang kanyang naramdaman.Ngunit panandalian lamang dahil sa munting siklot na 'yon,na nagpalakas ng kanyang loob.

Kasama ang kanyang pamilya ay muli siyang tumayo sa tulong ng mga ito at sa suportang ipinaramdam sa kanya.
Kaya't hinarap niya ang bukas ng may ngiti bagamat may konting luha sa mata dahil sa lalaking natutunang mahalin ngunit may mahal naman palang iba.

"Life must go on..."
Ika nga nila sa facebook na minsan niyang nabasa sa post ng mga kakilala.

Bangon Josa.Bangonnn!....

Mula sa maliit na business ay unti unting nakilala hindi lamang sa pilipinas kundi maging sa ibang bansa ang kanyang JC Drives.bilang isa sa mga suppliers ng mga parts ng ibat ibang klase ng sasakyan.

May mga dinesenyo at binuo na rin silang sasakyan na sila mismo ang gumawa.
Pinagpatuloy niya ang kanyang pag aaral,at sa tulong ng kanyang mga naging kaibigan,at tulong pinansiyal at suporta ng abuelo Kentin ay hindi siya nabigong tuparin ang kanyang pangarap.
Sa loob lamang ng limang taon.

"When money talks with the help of abuelo Kentin and her golden hand na noon lang niya nadiskubre.

Siya ngayon ang tumatao sa isa sa pwesto niya gaya ng dati ay ganado nanaman siya.
Babaeng babae na siya ngayon.Dinispatsa na niya ang mga nakarelasyon niya nuon. Sila ni Yvette ay nanatiling magkaibigan.

Limang taon narin ang matuling lumipas.Masasabi niyang talagang asensado na siya.

Ang buhay nga naman".

Sinagot niya ang kanina pa nag riring na cellphone niya.

"Mommy'
What time kapo pupunta dito?."
Halatang inip na inip ang boses ng kanyang anak sa kabilang linya.

"Wait lang po,may tinatapos lang po ako.Kapag ok napo punta kagad si mommy diyan,humm."

"Lola said that you have to be here because she made something special just for you and tito also."
Sabi pa nito na nagpangiti sa kanya.

"I will baby."
Kahit nasa kabila ay nangingiti siya sa isipin na cute na cute ang kanyang anak habang nagsasalita.
Kamukhang kamuka kasi ito ng kanyang ex husband pero hindi yung tipong suplado kung hindi yung tipo niya na masiyahin.Cute version niya ang bata sa pag uugali.
Bolero rin ito na tulad niya,kaya maraming naaaliw rito.

Mula ng umalis si Charles ay hindi na ito nagparamdam sa kanila kahit sabihin pa nilang nag kaanak sila ay wala man lang silang narinig dito.Ang huling tawag nito sa ina ay isang buwan matapos umalis ito at ang babae.

Ayaw na niyang isipin pa at pinilit niyang kalimutan na lamang ito.Ilang taon din siyang parang mamatay na dahil sa pagmamahal niya rito,ngunit sa tulong ng lalaking natutunan na niyang mahalin ay naging madali ang lahat lalo na ng malaman niyang buntis siya.Ang nagsisilbing inspirasyon niya ay ang kanyang anak.Libang narin naman siya sa kanyang negosyo.Malaki ang pasasalamat niya at biniyayaan siya ng mabait na biyenan at lolo.Siyempre pa ang kanya ring pamilya na laging ganyan.

Minsan nga ay nag kakaisa ang mga ito sa pag uulok sa kanya kung kelan siya mag aasawa,tutal naman daw ay limang taon na siyang hiwalay.
Pina annul na na kasi ni Charles ang kanilang kasal at alam din niyang nagpakasal na ito at ang babae.

Hindi naman niya isinasara ang kanyang puso sa bagong pag ibig.Subalit ngayon ay ayaw na niyang magkamali.Sisiguraduhin niya munang nagmamahalan sila.

"Hi Josa...."

CINDERELL'O'?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon