4:ONCE UPON A TIME

1.1K 56 6
                                    

Pagbaba niya galing silid ay sabay sabay silang kumain.
Tumikhim ang kanyang abuelo at sumulyap sa kanya ito.
Tahimik silang kumakain.Ang personal nurse ng kanyang abuelo'y kasabay din nila.

Nagkakasulyapan sila ng kanyang ina at ang kanyang nakababatang kapatid naman ay tuloy tuloy lang sa pagsubo
At ng matapos sila bago sila lahat tumayo ay nagsalita ang kanyang abuelo.

"Charles iho Come with me at the Liblary."
Maikli nitong sambit sa kanya.

Tinanguhan lamang niya ang matanda.At pagsulyap ng kanyang ina'y nakita niya ang pag aalala na nakabahid sa mukha nito.

"Maupo ka."
Ano po ang paguusapan natin Harabudji?(lolo in korean)

"Napapanahon na para sa iyo ang tuparin ang nakaugalian ng ating angkan."
Napakunot ang kaniyang noo rito,ngunit hindi siya nagsalita.

"Nalalaman mo na ang bawat pangakong binitiwan ng pamilya ay kailangang tuparin.Nakasalalay ang ating
Kredebilidad sa ating mga salita."
Tumingin ito sa kaniya.

"Ano po ang ibig nyong gawin ko?"
Dahil hanggang ngayon ay hindi mag sink sa utak niya ang mga sinasabi ng matanda.

"Natatandaan mo pa ba ang pangyayaring muntik ng magpahinto ng aking buhay? At sanay wala ng muling nagdugtong sa lahi ng mga Cross?"
Alam niya ang matandang kwento tungkol doon.

.................

Nuong unang panahon.Panahon ng giyera at sundalo ang kanyang abuelo, ay halos mamatay ito sa labanan.Ngunit may isang nagligtas dito at ang mga Cross ay hindi papayag na hindi makabayad ng utang na loob sa kapwa.Kayat naipangako ng kanyang abuelo sa lalaking yon na ang unang apo na ipapanganak sa lahi nila ay ipakakasal sa unang apo rin nito,upang kahit sa dugo man lang ay mabuhay na muli sa kanila ang pagiging magkaibigan ng dalawa.

Nagkataon kasing may asawa na ang kanyang mama noon.Na nakapag asawa sa bansang Korea.Dahil nagawi ang kanyang ina sa lugar na iyon kung saan madalas itong magpunta,kasama ang mga pininsan ng ina.

Ang kaibigang iyon ng kanyang lolo'y dalawa lamang ang naging anak at nagmadre pa ang isa.Kayat ipinangako nito sa kanyang lolo ang kasunod na anak.

Bagamat itoy labag na labag sa kanyang kalooban ay wala siyang lakas na suwayin ito.
Batas ito sa kanilang pamilya.
Hindi niya akalaing sa tagal ng panahon ay hindi pa iyon nawawaglit sa isipan ng kanyang abuelo.

"Ayon sa detektib na inupahan ko'y nakita na niya ang pinahahanap ko.
Sa susuond na araw ay puntahan mo sa address na ito ang babaeng nasa larawan."

Napakunot ang kanyang noo sa nakita sa larawan.
Babae ba ito?e ang tingin nya'y mas mukhang lalaki pa ito sa kanya.
Bigla ang sapantahang pumasok sa sa kanyang isip.Mukhang hindi ito magiging sagabal sa kanya.Napangisi siya.

Pagtapos nilang makapag usap ng kanyang abuelo'y lumabas na siya at nagpaalam rito upang puntahan ang kanyang ina.
Nakita niya ang kanyang ina sa sala na halatang nag aabang sa kanyang paglabas.

"Kamusta iho? "
Nagtatanong ang mga mata nitong deretso sa kanya.
Tumango siya at sa pagtango nya'y gumuhit ang pagka awa at pag aalala sa mukha ng kanyang ina.
Niyakap siya nito at hinimas himas sa likod.

"Patawarin mo ako anak dahil wala man lamang akong magawa para sa iyo."

"Huwag kayong mag alala masyado Mama.Ako na lang ang gagawa ng paraan."

"Anong paraan anak?"
Bigla syang binitiwan nito at hinawakan sa magkabilang balikat na may pagtataka ang mga matang kulay light brown na tulad ng kanya.

"Ako na po ang bahala."
Hinalikan niya ito sa noo...

Habang tinitingnan niya ang larawan ay napailing siya at napangisi sa hinala niya.Hindi siya pupwedeng magkamali sa nakikita niya.Alam niyang iisa sila ng gusto ng nasa larawan.

Babae..

........

"Kuya ano 'to?itlog na naman?abay pagtingin ko sa kubeta noong isang araw kulay dilaw na yung tae ko eh."

"O bakit hindi mo sinubukang limliman ng naging sisiw?para sisiw naman ang kinain mo!"

"Kuya naman eh!Hindi ka nakakatawa!"


"Kaya nga tinanggihan ko yung alok sakin na magclown kasi hindi ako nakakatawa eh!"


"E paano naman kuya ilang araw na tayong itlog eh."
Ang bunso naman nila ang umangal.

"Konting tiis lang mga kapatid alam nyo namang tinatapos ko ang hulog ko sa 5,6 ke Harim para makautang ulit ako.Dalawang hulog nalang matatapos na ako huwag kayong mag alala."

"Talaga kuya? Ibili mo naman ako bagong sapatos.Kumakanta na kasi ito eh."


"Hayaan mo bukas na bukas din bibili ako ng mga sampung yelo."

"Para san ang yelo kuya?"

"Para mamaos muna iyan!"

"Kuya naman ehhhh!"

"Oy oy oy!Ihinto na yang itlog itlog na iyan.Heto dala ko ang nanay niyan.Mainit init pa."

Sabi ng paparating na ina na may dala dala ngang nakabalot sa papel.

"Saan po galing iyan mother?!"

"Saan pa?nanalo ako ngayon sa bingo.Sunod sunod ang panalo ko,nitong huli ay nakapuno naman ako sa black out.Hala kain na mga hayok!"

Hindi pa natatapos ng huling salita nito ay dinakma na nilang tatlo ang manok at kanya kanyang sandok na.

Piyesta na!...


Wala ng hugas hugas ng kamay.Huhugasan na ng mga bituka nila ang mga kinain.

Wala silang usapang mag iina.Away away muna at pabilisan sa pagsubo.
Nang matapos ay parang sa museum na puro buto ang natira sa manok at tulala silang lahat sa kabusugan.Nang biglang bumaho ang paligid.

"Oy hindi ako ah!baka ikaw kuya!"

Magkaduet ang dalawa niyang magkapatid sa pagtatanong.Pagkatapos ay sa kanilang ina.

"Ah,eh, s-sige mauna na ko sa inyo."

Sabi nito sa kanila.


"Hayan.Mahirap yung paminsan minsan nakakatikim ng manok eh."
Sabi niya.


"Bakit kuya?"

"Hayun si Inay,nangingitlog na."


Sabay sabay silang nagkatawanan.

CINDERELL'O'?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon